CONTEMPT SA NTC OFFICIALS NAKAUMANG

MAAARING makulong sa Batasan Complex ang mga opisyales ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa pagsisinungaling at panloloko umano sa mababang kapulungan ng Kongreso, Pasado ala-una ng hapon nitong Lunes, nang ipadala ng Kamara sa pamamagitan ng email ang kanilang kautusan kina NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba, Deputy Commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles at Atty. Ella Blanca Lopez, head ng Legal branch ng NTC, na magpaliwanag sa loob ng 72-oras kung bakit hindi sila dapat i-contempt. Kasunod ito ng cease and desist order (CDO) na inilabas ng NTC noong…

Read More

AYUDA SA MGA APEKTADO NG ECQ PATULOY

PATULOY ang pagdating ng ayuda sa mga apektadong residente sa mga lugar na sakop ng extended ECQ. Kabilang sa nagparating ng ayuda sa mga residente ang Metro Pacific Tollways Corporation sa pamamagitan ni Mhanny Agusto, Corporate Communication Specialist. Ang Metro Pacific Tollways Corporation ay kasama sa MVP Group of Companies na naglibre sa toll fees sa south at north luzon expressways ng mga sasakyan ng frontliners kagaya ng mga doktor at nurses. Inayudahan din ng MPTC simula noong Marso 31 ang mga barangay na nadadaanan o sakop ng kanilang expressways.…

Read More

PAGSI-SHARE NG POST SA OFFICIAL SOCMED PAGES NG PCOO, NILIMITAHAN

NILIMITAHAN na ni Communications Secretary Martin Andanar ang pagsi-share ng posts sa official social media pages ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ito’y matapos kumalat ang false information ukol sa prangkisa ng ABS-CBN. Sa isang department order na nilagdaan, araw ng Lunes, sinabi ni Sec. Andanar na ang pagsi-share ng posts mula sa ibang pages ay “strictly be limited” sa live streaming ng news events at briefings ng piling opisyal ng pamahalaan. Kabilang na rito ang events at briefings ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Presidential Spokesman Harry Roque, Chief Presidential…

Read More

PAG-ANGKAT NG 300K TONELADANG BIGAS, PIGILAN

TUTOL ang isang mambabatas sa planong pag-angkat ng daan libong tonelada ng bigas ng Department of Agriculture. Isang malaking katanungan ang nais iparating ni Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat sa pamahalaan kaugnay sa nasabing plano. Ayon kay Rep. Cabatbat, bagamat plano pa lamang ng Department of Agriculture na umangkat ng aabot sa 300,000 metric tons ng bigas para tiyaking sapat ang supply ng bigas ay mas makabubuti kung sa mga Pilipinong magsasaka ibuhos ang pondong ipambibili sa labas ng bansa. Pahayag ng mambabatas na nitong Abril, buo ang kumpiyansa ni…

Read More

PAGPAPALUWAG SA ILANG LUGAR SA MM PINABORAN

PABOR si Senador Cynthia Villar sa pagpapaluwag ng enhanced community quarantine (ECQ) tungo sa general community quarantine (GCQ) sa ilang lugar sa Metro Manila na may mababang kaso ng corona virus disease 2019 (COVID-19) pagkatapos ng Mayo 15. Sa pahayag, sinabi ni Villar na dapat ikonsidera ng Metro Manila Council at Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbawi sa ECQ ng mga lugar na kilalang may mababa at moderate risk lang ang kaso ng COVID-19. “I agree that we should start re-opening the economy and begin the…

Read More

COVID-19 LOCKDOWN SA METRO, LULUWAG NA SA MAY 16?

MAGIGING maluwag na ang COVID-19 lockdown sa Metro Manila sa May 16 at nakatakda na ring muling magsimula ang ekonomiya ng bansa. Ang community quarantine ay dapat nang i-downgrade sa general mula sa enhanced upang payagan ang mga negosyo na subukan ang ‘new normal’ habang ang huling 2 linggo ay nagpakita ng ang infection curve ay pumapatag na (flattening). Binanggit ito ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, at ipinaalala na ang huling araw ng ECQ o enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang urban centers ay nakatakda…

Read More

OFWs INIP NA SA MGA KINALALAGYANG HOTEL

AKO OFW

SAGAD na sa pagod ang mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa pag-aasikaso sa pangangailangan ng 24,539 na mga OFW na kanilang tinutulungan simula nang maideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) kabilang na ang halos 9,000 mga OFW na kasalukuyang stranded sa halos 110 na quarantine facilities o hotels sa Metro Manila at karatig lalawigan. Kamakailan nga ay nagpalabas ng isang kalatas si OWWA Adiministartor Hans Leo Cacdac upang magpakumbaba at humingi ng paumanhin at pag-unawa sa mga OFW na naapektuhan ng kasalukuyang lockdown. Ayon kay Administrator…

Read More

Peligro ng COVID-19 mataas kung walang mass testing GCQ SA METRO KINONTRA

PINALAGAN ni Senate President Vicente Sotto III ang plano ng pamahalaan na isailalim sa general community quarantine ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa kung walang ipatutupad na mas malawak na mass testing sa malalayong lugar upang matukoy kung gaano kalawak ang sakit. Sa pahayag, sinabi ni Sotto na lubhang nakapag-aalala kung papayagan nang bumalik sa trabaho ang milyong manggagawa kahit mataas pa ang datos ng COVID-19 infections sa Metro Manila na itinuturing na epicenter ng pandemya. Inihalimbawa ni Sotto ang Senado na mayroong 20 empleyado na nasuring positibo…

Read More

INDIGENT PWDs BIBIGYAN NG P2K MONTHLY SOCIAL PENSION NG SENADO

BIBIGYAN ng Senado ng P2,000 monthly social pension ang lahat ng indigent person with disabilities sakaling maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Manuel “Lito” Lapid upang matulungan ang may kapansanan na walang kasalukuyang kita o regular na suporta mula sa kanyang kaanak para sa  mga pangunahing pangangailangan. Sa pahayag, sinabi ni Lapid na layunin ng Senate Bill No. 1506 na bigyan ng prayoridad ang vulnerable sector tulad ng PWDs na nagdurusa sa kani-kanilang kapansananan resulta ng mental, physical o sensory impairment. Naniniwala si Lapid na dahil nahaharap sa limitasyon ang…

Read More