PAGKILALA SA FRONTLINERS, ESSENTIAL WORKERS INIHAIN SA KAMARA

INIHAIN ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo ang resolusyong kumikilala sa ambag ng mga frontliner at essential workers sa gitna ng paglaban sa COVID-19 pandemic. Ani Salo, “Despite the clear and present danger to their own health and safety, these frontliners and essential workers valiantly performed their duties and rose above and beyond the call of duty so as to ensure that our people are cared for.” Kabilang sa mga essential worker at frontliners ang mga doktor, nurses, medical staff, barangay health workers, barangay tanod, pulis at sundalo. Ang mga…

Read More

GURO BIGYAN NG SAPAT NA ORAS SA PAGTUTURO – SOLON

ISINUSULONG ni ACT-CIS Party-list Representative Jocelyn Tulfo na mabigyan ng sapat na oras sa pagtuturo ang mga guro. Ayon sa mambabatas, tinatambakan ang mga guro ng trabahong walang kinalaman sa pagtuturo kaya nababawasan ang oras ng mga ito sa kanilang mga estudyante. Giit ng mambabatas, trabaho ng guro ang mag-lecture, maghanda sa pamamagitan ng paggawa ng lesson plan at i-evaluate ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng pagsusumite ng monitoring and evaluation reports kaya hindi dapat itong haluan ng ibang trabahong hindi angkop sa pagtuturo. Irerekomenda rin ni Rep. Tulfo sa…

Read More

ECQ O GCQ SA NCR, DEPENDE SA KASO NG COVID-19

NAGPAHIWATIG na si Presidential spokesperson Harry Roque na hindi lahat ng lugar sa Metro Manila ay mananatili sa enhanced community quarantine (ECQ) sa May 16. “Hindi mananatili sa ECQ ang buong Metro Manila after May 16. Hindi rin naman magiging GCQ. It will be granular, it will be surgical,” ayon kay Sec. Roque sa Laging Handa press briefing. Ang ibig sabihin aniya nito ay may ilang lungsod sa National Capital Region ang mananatili sa ilalim ng ECQ habang ang ibang lungsod naman ay ibababa na sa GCQ. Ang pahayag na…

Read More

BALIK-ESKWELA SA AGOSTO 24, APRUB SA IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong school calendar sa paglilipa ng pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto dahil sa coronavirus pandemic. Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na “ang pagbubukas ng klase sa basi education, magsisimula na po sa 24 ng Agosto 2020 at magtatapos ng Abril 30, 2021.” Nauna rito, ipinanukala ng Department of Education na ang pagbubukas ng klase sa Hunyo ay ilipat “to a later date” bunsod ng patuloy na pakikipaglaban ng pamahalaan sa COVID-19.…

Read More

QC, NANANATILING MATAAS ANG KASO NG COVID-19

QC HALL

MATAAS pa rin ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City, base sa pinakahuling ulat mula sa pamahalaang lungsod. Sa ulat mula sa Department of Health (DOH), hanggang alas-7 ng gabi kahapon, nasa 1,518 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City. Sa naturang bilang, ang may kumpletong address sa Quezon City ay 1,397. Ang validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices ay 1,156. Base naman sa recoveries, may 12 nadagdag sa bilang ng mga gumaling kaya may kabuuan na itong 337 habang…

Read More

IMBESTIGASYON KAY CALIDA, NTC ‘DI PAGKAMPI SA ABS-CBN – DEFENSOR

WALANG kinalaman ang pagsasara ng ABS-CBN at usapin ng press freedom o kalayaan ng pamamahayag sa Pilipinas ang inuumang na imbestigasyon ng Kamara sa National Telecommunications Commission (NTC) at Offce of the Solicitor General (OSG). Ito ang nilinaw ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa kanyang inihaing House Resolution (HR) 846 na ang dahilan aniya ay ang pagsisinungaling at panloloko ng NTC sa Kapulungan. “To be clear, this is not about the franchise of ABS-CBN, for that is a matter that will be dealt with in due time and in…

Read More

MAGPINSAN, HULI SA P100-K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang magpinsan makaraang madakip sa buy-bust operation  sa kalagitnaan ng curfew hours sa ilalim ng enhanced community quarantine, at nasamsam ang mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu sa bayan ng General Mariano Alvarez sa lalawigang ito. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Jay AR Levardo y Caravada, 29, at Mark Anthony Levardo y Advincula, 32, kapwa residente ng Bancal, Carmona, Cavite. Sa ulat ni P/MSgt. Jonarey Viray, ng GMA Municipal Police Station,…

Read More

7-ANYOS NAKURYENTE SA LOOB NG BAHAY

DAVAO del Sur – Namatay ang isang 7-anyos na batang babae makaraang makuryente sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito noong Biyernes. Kinilala ni Major Crisaldo Gaila, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang biktimang si Rhyna Mie Canane, Grade 2 pupil at residente ng Sitio Baybay, Brgy. Astorga. Sinabi ni Gaila, kalalabas lang ng bata matapos maligo sa kanilang banyo at lumapit sa isang electrical socket upang isaksak ang ilaw nang biglang mangisay. Agad nagresponde ang mga awtoridad at dinala ang biktima sa Medcore Hospital ngunit wala…

Read More

PAREHAS NA SAHOD SA MGA MANGGAGAWA

Badilla Ngayon

NABALITA sa media na umuusad ang mungkahi ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na “Balik – Probinsiya Program” (BPP). Katunayan, naglabas nang Executive Order No. 114 si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Mayo 6 tungkol sa kagyat na pagpapatupad ng BPP ni Go makaraang ipasa ng Senado ang Senate Resolution No. 380 nitong Mayo 4 na humihiling sa ­pangulo na ipag-utos nito sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon at pagpapatupad ng BPP. Busug na busog sa magagandang salita ang EO 114 na nagbibigay ng mga malalakas na argumentong magbibigay…

Read More