FRONTLINERS PINASASALANG SA LINGGUHANG COVID-19 TEST

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Kamara na isailalim sa lingguhang COVID-19 test ang mga health worker para masiguro ang kaligtasan ng mga nasa frontline sa COVID-19 pandemic war. Ginawa ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo ang nasabing panawagan sa Department of Health (DOH) sa gitna ng pangamba ng mga health worker na mahawa sa COVID-19 nang hindi nila alam dahil walang regular na pagsusuri sa mga ito. “I am suggesting that we should have our healthcare workers undergo screening every week for early detection of the virus, since they…

Read More

Apela sa pulis, LGUs sa panghuhuli ng ECQ violators KARAHASAN SA KABATAAN, IWASAN – NOGRALES

SUPORTADO ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang panawagan ng children’s rights group sa mga pulis at local government units (LGUs) na huwag maging marahas sa kabataan na nahuhuli ng mga ito na lumalabag sa quarantine guidelines. Tulad ni Nograles, nagpahayag ng pagkabahala ang Save the Childrens Philipppines sa iba’t ibang karahasan na nararanasan umano ng mga kabataan na nahuling hindi sumusunod sa quarantine protocols. Inihalimbawa ng nasabing grupo ang kaso ng 13-anyos na binatilyo na pinagpapalo ng pulis sa Old Balara, Quezon City at maging ang tatlong kabataan…

Read More

5-DAY EXTENSION NG ECQ INIREKOMENDA NG METRO MAYORS

NAGKAKAISA ang mga alkalde sa kalakhang Maynila na palawigin pa ng labinlimang araw ang pinaiiral na enhanced community quarantine. Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority kaugnay sa naging pagpupulong metro mayors nitong Sabado. Kasabay nito ay pinabulaanan ng ahensiya ang mga naglabasang social media post hinggil sa umano’y naging resulta ng botohan ng Metro Manila mayors kaugnay ng rekomendasyon nila sa pagtatapos ng quarantine period sa NCR. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, totoong nagkaroon ng virtual meeting ang metro mayors para talakayin ang kanilang mga rekomendasyon…

Read More

GRADE 9 STUDENT NIREYP SA INTRAMUROS

BUKOD sa kasong panggagahasa, nahaharap din sa kasong child abuse ang isang 27-anyos na tricycle driver matapos pagsamantalahan ang isang 16-anyos na dalagita sa Intramuros, Manila, iniulat ng pulisya nitong Linggo. Kinilala ang suspek na sumuko makaraan ang insidente, na si Danilo Aranas, binata, ng Blk. 9, Lot 46, Old Site, Baseco Compound, Port Area, Manila. Base sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Ariel Caramoan, station commander ng Manila Police Station 5, bandang alas- 7:00 ng gabi nang mangyari ang panggagasa sa biktimang si alyas Amor, Grade 9 student,…

Read More

PALASYO KUMAMBYO SA SCHOOL OPENING

malacanang

WALA pang pinal na desisyon kung magbubukas ang public schools sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Agosto 24 ng taong ito. Kailangan pa kasing tingnan ng gobyerno ang data kung mataas o mababa na ang kaso ng COVID-19. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesman Harry Roque ay matapos na ianunsyo ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na in- adopt nito ang Basic Education Learning Continuity Plan of the Department of Education (DepEd) na kinailangan para sa muling pagbubukas ng klase sa…

Read More

COVID-19 PROBLEMA NA NG LAHAT

PUNA

KUNG mayroon mang apektado ng pandemia na COVID-19 na ito, hindi lang ang mga Chinese na pinagmulan nito subalit lahat kabilang na tayong mga nasa lahi ni Juan Dela Cruz. Maging ang lahi ni Uncle Sam, maging ang tinatawag na Holy Land na kinalalagyan ng mga Israeli ay kasama sa pineperwisyo ng veerus (virus) na tinatawag na coronavirus. At dahil walang kinikilalang kalagayan sa buhay, kasarian at edad ang COVID-19, walang nakaliligtas dito kung kaya ang tanging makalulutas ng problema ay tayo rin sapagkat hanggang ngayon ay wala pa ring…

Read More

NAPC DAPAT NANG BUWAGIN NG KONGRESO 

Badilla Ngayon

INILABAS ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Disyembre nang nakalipas na taon ang paghihimay, pagbusisi at pag-aaral nito sa nakuhang magkakaibang buhay ng 110 milyong Filipino. Ang sabi ng istatistika ng PSA noong 2015 ay pumalo sa 21.9 milyon ang kabuuan ng pamilyang Filipino na nabubuhay sa ‘ilalim ng guhit ng kahirapan.’ Kaya, itinuring o inilagay sila sa kategoryang ilalim ng guhit ng kahirapan ay dahil hindi pa umaabot sa P9,452 ang pinagsamang kita kada buwan ng mag-asawang pasok sa nasabing mahirap na kalagayan sa buhay noong 2015. Nang sumapit…

Read More

JUDAY: ‘HARAPIN PO NATIN ANG TUNAY NA KALABAN!’

NOONG isang gabi ay nakasama naming mag-host si Bianca Gonzalez para sa online event na ‘Laban, Kapamilya’ sa pamamagitan ng Facebook Live. Nakapanayam namin ang ilang Kapamilya stars at mga empleyado upang magbigay ng kanilang mga opinyon tungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN. Nagsara ang Kapamilya network dahil sa kautusan ng National Telecommunications Commission dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito. Isa si Judy Ann Santos sa nagpahayag ng kanyang mga saloobin tungkol sa mga nangyari. Itinuturing ng premyadong aktres na pangalawang tahanan ang Kapamilya network. “Ano ang nangyari? Ang bawat isang tao, may…

Read More

BALIK-PROBINSYA HINDI SAPILITAN

bus12

NILINAW ni Senador Christopher Bong Go na hindi magiging sapilitan ang pagpapatupad ng Balik Probinsya Program ng pamahalaan. Sinabi ni Go na kung sino lang ang gustong umuwi sa kanyang lalawigan ay siya lamang tutulungan na makabalik. Dagdag pa ng senador na hindi naman maaaring sapilitang pauwiin sa probinsya ang mga ayaw at may trabaho sa Metro Manila. Kaugnay nito, kinumpirma ni Go na nagkaroon na ng mga pagpupulong si Executive Secretary Salvador Medialdea, DILG officials at iba pang departamento para makabuo ng executive order na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo…

Read More