ISA lang ordinaryong tagakalap ng balita at impormasyon ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent na sa tagal ko na sa industriyang ito, masasabi kong wala pa tayo sa panahon ng diktadurya. Hindi pa inaaresto ang mga kritiko ng gobyerno at hindi pinatatahimik ang mga mamamahayag sa kanilang opinyon. Sa katunayan, sobra-sobra ang nararanasan nating demokrasya sa Pilipinas. Hindi lang ang mga kagawad ng media ang nagsasalita sa panahong ito. Maraming netizen sa social media ang may mas malulupit na opinyon na kapag isinulat ng mga mamamahayag ay tiyak…
Read MoreAuthor: admin
PUMALAG SA 14-ANYOS SINAKSAK
QUEZON – Nasa kustodiya ng pulisya ang isang 14-anyos na binatilyo makaraang saksakin at tangkaing halayin ang 24-anyos niyang kapitbahay sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Batay sa pahayag sa pulisya ng 24-anyos na biktimang si Jenny Rose Sarte, dakong alas-2:00 ng madaling araw, habang natutulog siya sa kanilang bahay nang magising siyang may humihimas sa kanyang kaselanan. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang suspek sa kanyang tabi kaya pinagmumura niya ngunit siya ay pinagsasaksak at pagkaraan ay mabilis…
Read MoreNABIKTIMA NG FAKE NEWS, STRANDED PA RIN SA LAGUNA
UMAPELA ang lokal na pamahalaan ng Calamba City, Laguna sa pamahalan ng Sorsogon na aksyunan ang mga stranded at nabiktima ng fake news nilang kababayan na ngayon ay nananatili sa bus terminal ng Jac Liner sa Brgy. Turbina, Calamba City. Halos apat na araw nang nag-aabang ng susundong sasakyan ang may 120 katao para makauwi sa lalawigan ng Sorsogon. Ito ay matapos nilang umasa na totoo ang ibinalitang balik-probinsya program ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero. Nagsimulang magdatingan sa nasabing bus terminal ang mga Sorsoganon mula pa noong Martes, Mayo 5.…
Read More3,610 MEDICAL FRONTLINERS NAKINABANG SA NLEX-SCTEX FREE TOLL
UMABOT na sa halagang P2.95 milyon free toll fees ang naipagkaloob ng Metro Pacific Tollways-led NLEX Corporation sa halos 3,610 medical frontliners simula nang isailalim sa enhanced community quarantine o lockdown ang buong Luzon dahil sa coronavirus pandemic. Ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista, ang nasabing amount ay ipinagkaloob sa mga medical frontliner na kinabibilangan ng mga doktor, nurse at iba pang healthcare professionals na patuloy na nakikibaka para gamutin ang mga tinamaan ng COVID-19. “As part of its program to support the mobility…
Read MoreSINDIKATO NG DROGA SA CAVITE, WALANG TAKOT
TILA walang epekto sa mga sangkot sa operasyon ng ilegal na droga ang calibrated community quarantine sa buong lalawigan ng Cavite dahil patuloy na nakaaaresto ng mga tulak ang kapulisan. Kamakalawa, mahigit P3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan na ikinaaresto ng lima katao na pawang nasa listahan ng Top Regional High Value Individual sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (CALABARZON). Kinilala ang mga naaresto na sina Kamar Mamintal, 30; Shiela Mae Canedo, 23; Roger Rodriguez, 32; Kyla Mamintal, 29 at asawang si…
Read MoreP750-K SHABU KUMPISKADO SA BUY-BUST SA SBMA
OLONGAPO CITY – Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Olongapo City PNP sa loob ng Subic Bay Freeport Zone noong Huwebes. Base sa report na isinumite ni PCOL Benjamin de Leon Sembrano, isinagawa ng Olongapo City Police Office Drug Enforcement Unit sa pakikipagtulungan ng SBMA Law Enforcement Department ang buy-bust operation sa Phase 1 Subic Bay Gateway Park, SBFZ. Nadakip ang mga suspek na sina La-Verne Gabriel y Echalar, residente ng Cabalan sa naturang lungsod at Elmer Padel Sr. y Lila na residente naman…
Read MorePINOY MAHILIG MAGHABOL
NAGING kaugalian na ng mga Pinoy na pakuya-kuyakoy lagi sa umpisa at saka magkukumahog na humabol kapag nandiyan na ang ‘deadline’, kaya naman ganyan ang nangyari sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan na ipinagkatiwala noong una sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Hindi kaagad natapos ang pamamahagi na noong Abril 30 ay wala pa halos sa kalahati ang naayudahan kung kaya’t napilitan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na bigyan ang local government units (LGUs) nang hanggang kahapon (Mayo 7) upang tapusin ang pamamahagi ng…
Read MoreOFW AT ABS-CBN, MAY UGNAYAN BA?
SAMU’T-SARI ang naging reaksyon ng mga OFW matapos tuluyang ipatigil ng National Telecomunication Commision ang operasyon ng ABS-CBN nitong Mayo 4, 2020 dahil sa kawalan o expired na prangkisa. Marami ang nagbunyi at umano’y ito na ang karma at kapusan ng “bias” na pagbabalita ng TV Patrol at ng iba pa nitong programa na sa pananaw nila ay masyadong kritikal sa ating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ilan pa nga sa mga nagtatanggol sa ABS-CBN ay awtomatikong tinatawag na anti-Duterte o dilawan ng mga OFW at sector na “diehard supporter ni…
Read MoreBATAYAN PATUNGONG GCQ SA METRO, PINAG-AARALAN NA
MAKATUTULONG ang COVID-19 transmission rate at ang kapasidad ng healthcare system sa gagawing pagdedesisyon ng pamahalaan para paluwagin ang mga restrictions sa ilang lugar sa Metro Manila matapos ang May 15. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos na sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na may ilang lugar sa Metro Manila ang maaari nang i-shift mula enhanced community quarantine patungong general community quarantine dahil sa patuloy na pagbaba ng bagong kaso ng COVID-19. Mayorya ng COVID-19 cases ay naitala sa National Capital Region. “Kung hindi…
Read More