4 KABABAIHAN HULI SA P6.8-M SHABU  

ARESTADO ang apat na kababaihan sa ikinasang buy-bust operation ng magkasanib na pwersa ng RSOG-NCRPO, Ermita Police Station 5 at Makati Police Station, at nakumpiska ang halos isang kilo ng umano’y shabu na tinatayang P6.8 milyon ang halaga sa isang bahay sa 2897 H. Santos, Tejeros St., Makati City alas-2:00 ng hapon noong Miyerkoles. Napag-alaman, isang police officer na nagsilbing poseur buyer ang nakipagkita  sa mga suspek dahil sa timbre na mayroong ilegal na mga transaksyon ng droga sa nabanggit na lugar. Matapos magkaabutan ng droga at bayad na marked…

Read More

DIREK PEQUE GALLAGA, PUMANAW NA

PUMANAW na ang batikang direktor na si Peque Gallaga sa edad na 76. Kinumpirma ito sa pahayag ng kapatid ng direktor na si Ricky Gallaga at manager na si June Rufino. Una nang sinabi ng pamilya ng award-winning director na naospital si Gallaga kamakailan dahil sa iba’t ibang komplikasyon dulot ng mga dating health condition nito. “He was a visionary director and artist; a loving husband, father, and grandfather; and a dear friend. He has brought so much joy to so many people and he will always live in our…

Read More

KUKUBRA NG SAP EXEMPTED SA CURFEW

EXEMPTED muna sa curfew sa kani-kanilang lugar ang mga kumukuha ng benepisyo mula sa Social Amelioration Program. Ito ay kaugnay ng pasya ng Department of Interior and Local Government na palawigin pa ng tatlong araw ang pamamahagi ng cash sa ilalim ng SAP ng mga Sangguniang Pambarangay at Department of Social Welfare and Development matapos na dalawang ulit mabigong tapusin ito sa itinakdang deadline. Ayon sa kagawaran, pinalawig pa ang deadline para sa National Capital Region (NCR). Nabatid na Mayo 7 sana ang huling araw ng distribusyon ng first tranche…

Read More

Pacquiao sa pagsasara ng ABS-CBN WALANG KINALAMAN SA PRESS FREEDOM

HINDI naniniwala si Senador Manny Pacquiao na may kinalaman sa press freedom ang pagsasara ng ABS-CBN, ngunit hindi lamang ito napapanahon at masyadong divisive sa panahon na kailangan ng pagkakaisa laban sa nakamamatay na corona virus 2019 (COVID-19). Sa pahayag, sinabi ni Pacquiao na hindi naman binubusalan ng Duterte government ang press freedom sa desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil legal naman ang pagkilos ng ahensiya. “Hindi po ako naniniwala na ang desisyon ng NTC ay may kinalaman sa press freedom dahil may pinagbabatayan namang batas. Yun nga lang,…

Read More

Tinatrabaho na sa Kongreso POGO I-BAN FOREVER

PINAG-AARALAN na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na magbabawal habambuhay sa operasyon ng mga offshore gaming tulad ng ginagawa ng mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) ngayon. Sa House Bill (BH) 6700 na inakda ng mga miyembro ng minority bloc sa Kamara, kailangang magkaroon na anila ng batas para umalis na sa bansa at hindi na kailanman bumalik ang mga POGO operator sa anomang paraan. Ayon sa grupo ng mga mambabatas na pinamumunuan ni House Minority leader Bienvenido Abante, walang kabutihang idinudulot ang POGO sa bansa…

Read More

ABS-CBN NADALE SA ‘MEGA FRANCHISE’

ISA sa mga ipinapalagay na dahilan kung bakit hindi inaksyunan ng Kongreso simula noong 16th Congress ang aplikasyon ng ABS-CBN Corporation sa kanilang prangkisa ay dahil nais ng mga ito na magkaroon ng “mega franchise”. Sa kondisyong huwag pangalanan, isang mambabatas na miyembro ng 6th Congress na kabilang ngayon sa 18th Congress, ang nagsabi na nais ng ABS-CBN na isang prangkisa lang ang lahat ng kanilang ino-operate na mga channel. “Mega franchise ang tingin namin dun sa kanilang renewal application sa kanilang franchise. Hindi naman puwede yun. Isang channel, isang…

Read More

PAGPAPASARA SA ABS-CBN, WAKE-UP CALL SA KONGRESO

DAPAT maging “wake-up call” ang pagsasara sa ABS-CBN sa Kongreso, na siyang may mandato sa pagkakaloob ng prangkisa gayundin bilang isang nakalulungkot na “trahedya” para sa mga Filipino. “Ang paglalagay sa alanganin sa isang media outlet ay nagbibigay ng signal sa iba na bantayan ang kanilang likod at mag-ingat,” sabi ni Senador Grace Poe. “May epekto itong mas malaki pa sa ABS-CBN; hindi lamang ito trahedya ng isang tao o kumpanya, kundi ng lipunan, ‘pag nangyari ito, sapagkat ipinapakita natin na pwedeng baluktutin ang batas para lang maserbisyuhan ang layunin…

Read More

MANGYAYARING EQUINOX AT HEATWAVE, FAKE NEWS – PAGASA

PINABULAANAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kumakalat na impormasyon sa social media na mayroong magaganap na equinox phenomenon sa bansa sa loob ng susunod na limang araw. Sa kumalat na fake news ay sinasabing ang resulta ng equinox phenomenon ay lalong tataas ang temperatura sa bansa na magdudulot ng heatwave partikular sa oras ng alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-3:00 ng hapon. Paliwanag ng PAGASA, ang equinox ay nagaganap kapag ang sentro ng araw ay direktang nasa itaas ng equator ng mundo. Ang resulta nito ay…

Read More

SULONG, LABAN OFWs!

Badilla Ngayon

EKSAKTONG 336,809 ang overseas Filipino workers (OFWs) ang nag-aplay ng programang AKAP ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang mabigyan sila ng ayudang tig-P10,000 bawat isa makaraang mawalan ng trabaho nang patigilin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ekonomiya ng napakaraming bansa sa daigdig. Batay ito sa kalatas ng DOLE na inilibas nitong Mayo 2. Sa bilang na ‘yan, 85,849 OFWs ang nakatanggap na ng ayuda habang pinag-aaralan pa ng DOLE ang aplikasyon ng natitira sa 336,809. Kaso, tiniyak na ni DOLE Secretary Sylvestre Bello III na hindi lahat…

Read More