HINDI ko maintindihan kung bakit masyadong mabagal ang pamamahagi ng Social Amelioration Fund sa 18 milyong pamilyang target sa ‘financial aid’ na habang sila ay walang mapagkukunan dahil sa obligado silang mag-quarantine. Sa 18 milyong pamilyang target na tutulungan, 4.1 milyon ay mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na kung tutuusin, 14 milyon lang ang bagong aayudahan (na pansamantala). Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kahit may master list na sila ng 4Ps ay mayroon pa rin silang backlog na halos isang milyon samantalang anim na linggo na ang…
Read MoreAuthor: admin
NO PERMIT, NO BROADCAST… PERIOD
ITO ang simpleng pagsasalarawan sa problemang kinahaharap ng Alto Broadcasting System – Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN) at hindi pag-atake sa press freedom o pagsikil sa malayang pamamahayag katulad nang pagpupumilit ng ilang mapanlinlang na sector kabilang na ang mga dayuhang news at media outfits. 2014 pa nakabinbin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang renewal ng prangkisa ng nasabing higanteng network, mga panahon ng kasagsagan ng Liberal Party (LP) ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, dating Senate President Franklin Drilon at dating Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na pawang mga kilalang kaalyado…
Read MoreVICE MAYOR NAMBUGBOG SA CHECKPOINT
INIREKLAMO ng pambubugbog ang isang bise-alkalde ng negosyante na nagpumilit dumaan sa checkpoint sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Laoag City. Ayon kay Froilan Suniga, negosyante, ng Dumalneg, Ilocos City, pinagsusuntok siya at pinagsisipa ni Vice Mayor Francis Espiritu, ng nasabing bayan. Kuwento ni Suniga, may dokumento siya mula sa Provincial Agriculture Office na nagbibigay pahintulot sa kanya na maglabas-pasok dahil essential goods ang kanyang negosyo. Subalit, pagdating sa checkpoint ay bigla na lamang umano siyang sinalubong ni Espiritu ng mga suntok at sipa. Sinabihan umano siya…
Read MoreBalik-probinsya fake news BUS TERMINAL DINAGSA NG STRANDED PASSENGERS
LAGUNA – Dumagsa ang mahigit 100 pasahero sa bus station ng Jac Liner sa Brgy. Turbina, Calamba City, na nagnanais na makauwi sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon sa ulat, patuloy ang pagdating ng mga pasahero na gustong magbalik-probinsya sa Sorsogon, habang ipinaiiral ang enhanced community program. Kinukumpirma pa ng Public Order and Safety Office ng Calamba City ang nasabing impormasyon hinggil sa umano’y balik-probinsya program ng Sorsogon. Itinanggi naman ito ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Castilla sa Sorsogon, at binigyang-diin na walang katotohanan ang…
Read MoreSARILING ULO PINASABOG NG PRESO
CAMARINES Sur – Sabog ang utak ng isang preso makaraang paputukan ang kanyang sentido ng baril na kinuha niya sa isang jail guard, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Melchor Salire, 27-anyos, may kasong rape, nakakulong sa Millennium Tower Building, Provincial Jail and Penal Farm sa Brgy. Tinangis sa bayan ng Pili sa Camarines Sur. Batay sa report ng Camarines Sur Police Provincial Office, dakong alas-5:20 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng naturang piitan. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, pinatong umano sa lamesa…
Read More11 KATAO HULI SA PILAHAN NG DROGA
CAVITE – Tinatayang mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska at 11 katao ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa kabila ng ipinaiiral na calibrated community lockdown sa Imus City sa lalawigang ito. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang arestadong mga suspek na sina Rolando Herrera, 50; Robert Dennis Gamat, 44; Eduardo Herrera, 57; Ediel Baltazar Jr., 38; Robert Buhat, 30; Marvin Omer Tan, 37; Kevin Vergel, 30; Joseph Wilson Llarena, 46; Andres Lumuwas, 58; Nelson Cabisares, 38; Leopoldo Alvarez, 44, pawang mga…
Read MoreNIRATRAT SA LAOT 1 PATAY, 2 MISSING
SULU – Lumutang na bangkay ang isang mangingisda sa dagat habang nawawala ang dalawa pa nitong kasama matapos silang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang nasa karagatang sakop ng lalawigang ito. Kinilala ang napatay na biktimang si Crispin Manhuyod Cuer Sr., residente ng Brgy. Dumagoc, Pagadian City. Habang pinaghahanap naman dalawa niyang kasama na sina Nicanor Cuer at Joseph Delmiquez. Batay sa report ng Pagadian City-PNP, dakong alas-12:00 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa karagatang sakop ng Pangutaran, Sulu. Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang pitong mangingisda ng bangkang…
Read MorePUI NAGBIGTI SA OSPITAL
LUCENA – Nagpakamatay ang isang lalaking person under investigation (PUI) na naka-confine sa isang COVID-19 hospital sa Lucena City noong Lunes ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat ng Lucena PNP, nakita na lamang ng mga security guard ng Quezon Medical Center na nakabigti ang pasyente sa Room 2 ng QMC-PHILHEALTH San Lazaro ward ng nasabing ospital. Hindi naman pinapasok ng pamunuan ng ospital sa loob ang mga imbestigador dahil ang pinangyarihang ward umano ay ang pinagdadalhan ng mga suspected case ng COVID-19 sa probinsya. Sinabi ng mga security guard, sa…
Read MoreDapat bayaran hanggang Hunyo 2020 PHOENIX NI DENNIS UY MAY UTANG NA P30-B SA 11 BANGKO
MAHIGIT sa P30 billion ang utang ng Phoenix Petroleum na pag-aari ni businessman Dennis Uy sa 11 bangko na dapat niyang bayaran sa loob ng unang anim na buwan ng 2020. Ayon sa local website na bilyonaryo.com.ph, ang P30.167 billion na utang ng Phoenix ay mas mataas ng 40 percent sa P21.479 billion short-term loans ng kompanya noong 2019. Bago matapos ang taon, ang Phoenix ay may P20 billion pang utang na dapat bayaran. Dahil dito, umaabot sa P50 billion sa P64 billion na utang ng Phoenix ang depat bayarab…
Read More