Pagsasara ng ABS-CBN MALAKING HAMON SA KONGRESO

HINDI binatikos ni Senadora Grace Poe ang ehekutibong sangay ng pamahalaan, partikular si Pangulong Rodrigo Duterte, nang ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng ABS-CBN Corporation (ABS-CBN) nitong Mayo 5 dahil kumbinsido ang mambabatas na ang naganap ay nagsilbing “hamon” sa Kongreso. Nakasaad sa Saligang Batas na ipinasa noong si Corazon Cojuangco Aquino ang pangulo ng bansa na ang Kongreso ang legal na otorisadong maglabas ng prangkisa para sa isang kumpanya na telebisyon o radyo ang negosyo. Ngunit, mayroong “enabling law” na nagsasabing ang prangkisang ito na inilalabas…

Read More

BILANG NG GUMAGALING SA COVID-19 PATULOY NA TUMATAAS

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19. Ito ay matapos muling makapagtala ang Department of Health (DOH) karagdagang 112 recoveries ngayong araw. Dahil dito, mayroon nang kabuuang 1,618 ang bilang ng mga gumaling. Ito na ang pinakamataas na bilang ng recovery na nai-report sa isang araw mula noong Lunes na may 101. Ang bilang naman ng mga namatay ay umakyat sa 685 matapos madagdagan ng 27. Nakapagtala rin ang DOH ng 339 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19. Sa naturang bilang, 205 umano ay galing Central Visayas; 110…

Read More

KAGAWAD UMIWAS MAKADISGRASYA, MINALAS, PATAY  

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 56-anyos na kagawad nang mahulog mula sa sinasakyang barangay patrol nang tangkaing iiwas sa disgrasya ang isang lolo na sakay ng bisekleta sa Imus City sa lalawigang ito. Isinugod sa Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Dante Deluz, kagawad ng Brgy. Malagasang 1-E, Imus City ngunit dakong alas-8:00 noong Miyerkoles ng gabi ay nalagutan ng hininga habang nagalusan naman si Efren Sico, 71, may asawa, ng #186 Lance Ville, Brgy. Malagasang 2-A, Imus City. Sa ulat ng Imus City Police Station, dakong alas-7:30…

Read More

Residente ‘di tumupad sa ‘new normal’ ECQ, IBABALIK SA DIGOS CITY

DIGOS City – Kinokonsidera ng alkalde nitong lungsod na muling isailalim sa enhanced community quarantine ang lugar matapos ma-obserbahan na hindi tumupad ang publiko sa “new normal” sa ilalim ng general community quarantine. Ayon kay Mayor Josef Cagas, nakatakda siyang magpadala ng liham kay Department Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para hilinging huwag isali ang kanilang lugar sa utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (EID) na alisin ang ECQ at ibilang sa GCQ. Nababahala ang alkalde na magkaroon sila ng positibo sa coronavirus disease…

Read More

2 GANG MEMBERS, PATAY SA ENGKWENTRO

LAGUNA – Patay ang dalawang miyembro ng robbery holdup and gun for hire group sa buy-bust operation na nauwi sa engkwentro sa Sta.  Rosa City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ng Sta. Rosa City Police ang mga napatay na sina Bernaldo Mendoza at Jorge Almendra. Si Mendoza ang umano ay lider ng Mendoza robbery holdup and gun for hire group na sangkot sa serye ng iba’t ibang krimen sa Quezon province at karatig na mga probinsya. Sangkot din ang grupo sa illegal drug trade at mayroong warrant…

Read More

1 PATAY, 5 SUGATAN SA TRAILER TRUCK

CAMARINES Sur – Nagkalat ang dugo sa kalsada makaraan salpukin ang dalawang motorsiklo ng kasalubong na trailer na nagresulta sa pagkamatay ng isang biktima at ikinasugat ng limang iba pa sa lalawigang ito. Agad namatay sa insidente ang isang menor edad at dinala naman sa ospital mga sugatan na kinilalang sina Rey Bantayan, Angelo Cadores, Joel Pletado, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang biktima. Batay sa report ng Camarines PNP, nangyari ang insidente sa Zone 8, Barangay San Jose, Minalabac, Camarines Sur. Lumabas sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng…

Read More

3 ARESTADO SA P95K SHABU

ARESTADO ang tatlong drug personalities sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Jefferson Valledor alyas, 29; Mike Angelo Ocsales, 27; at Alvello Lagamayo, 47, ng Brgy. 31, Maypajo, ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Torcillo Street, Barangay 28, Caloocan City. Nagawang makaiskor ang poseur buyer ng isang sachet ng shabu kay Valdellor kapalit ng P500 marked money naging dahilan upang arestuhin ng mga awtoridad ang mga…

Read More

INABUTAN NG KAMATAYAN SA PAMAMALIMOS

BINAWIAN ng buhay habang namamalimos ang isang 40-anyos na may kapansanan makaraang mawalan ng malay sa Taft Avenue sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang biktimang si Noel Ignacio, residente ng #2018 Anak Bayan St., Paco, Manila. Base sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang umaga noong Mayo 7 nang bigla na lamang bumagsak ang biktima habang namamalimos sa panulukan ng Taft Avenue at Pres. Quirino Avenue sa Malate. Ayon kay Nora Ignacio, kapatid ng biktima, kapwa sila namamalimos sa lugar nang biglang himatayin si Noel.…

Read More

GABMC, BINUKSAN NA SA PUBLIKO

MAKARAANG i-disinfect nang magpositibo sa COVID-19, binuksan na sa publiko ang Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC). Ayon kay Dr. Teodoro Martin, director ng GABMC, ilang wards na sa pagamutan ang binuksan sa mga pasyente. “Nahihirapan na kasi ‘yung ibang city hospital sa dami ng pasyente kaya binuksan na namin,” pahayag ni Dr. Martin. “Nakahanda na kaming muling maglingkod sa publiko,” dagdag ni Martin. Nabatid na may limang COVID-19 positive ang inaalagaan ngayon ng GABMC. Sinabi ni Martin na bukas na rin Trauma ward at patuloy ang operasyon ng Dialysis…

Read More