BBM, COVID-19 FREE – RITM 

Bongbong Marcos Jr-2

MATAPOS ang dalawang serye ng kailangang  pagsusuri sa coronavirus na nagpapakita ng negatibong resulta, idineklara ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na magaling at “COVID-19 free” na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Base sa mga opisyal na dokumentong pangkalusugan na inilabas ng RITM para sa ikalawa at huling pagsusuri na ginawa ng molecular biologists ng RITM noong Abril 29, 2020 at ipinalabas noong Mayo 3, 2020, negatibo mula sa coronavirus test ang dating senador. Ang unang negatibong resulta para kay BBM, na kusang inihiwalay ang sarili sa…

Read More

CEASE AND DESIST ORDER VS ABS-CBN

IPINATITIGIL na ang operasyon ng ABS-CBN network kasunod ng napasong legislative franchise nito kahapon, Mayo 4. Nagpalabas ngayon ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na nag-aatas sa ABS-CBN para maipatigil ang operasyon nito. Sa apat na pahinang order ng NTC na pirmado ng commissioners nito sa pangunguna ni Commissioner Gamaliel Cordoba, pinagpapaliwanag din ang media network sa loob ng 10 araw kung bakit hindi dapat ma-recall ang frequencies na iginawad dito dahil sa kawalan ng kinakailangang prangkisa na hinihingi ng batas. Kung mabibigong maghain ng tugon…

Read More

BILANG NG COVID-19 CASES, BUMAGAL – PDUTERTE

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘relatively low’ na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Naniniwala kasi ang Chief Executive na nahihirapan ang virus na maka-survive sa mataas na temperatura na nararanasan ngayon sa bansa. “Come to think of it really, mababa ang ano (cases) natin. They said that itong coronang ito has a hard time surviving in a high temperature. So pagka gano’n, maybe that explains the reason why na hindi naman masyadong marami,” ayon sa Punong Ehekutibo. Sa ulat, ang Department of Health (DOH)…

Read More

PAGBUBUKAS NG SY 2020-2021, SA AUGUST 23 NA – DEPED

students12

INIHAYAG ni Education Secretary Leonor Briones na sa Agosto 24 ng taong ito ang pagbubukas ng school year 2020-2021. “Ang napili nating school opening date ay August 24,” ayon kay Sec. Briones sa Laging Handa public briefing. Matatandaang, sa pangunguna ni Sec. Briones ay kinonsulta nila ang advisers, officials, sectors, at stakeholders kung kailan ba dapat simulan ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante ngayong taon. Karamihan aniya sa mga tinanong ay nagsabing August ang pinaka-ideal na buwan ng class opening. Ayon sa DepEd, hindi naman ibig sabihin ng pagbubukas ng panibagong…

Read More

BAYARIN SA KURYENTE, TUBIG, TELEPONO, GAWING 3 GIVES

KURYENTE-2

ISINUSULONG ni Senador Francis Tolentino ang panukala upang gawing installment ang mga naipong bayarin sa kuryente, tubig at telepono sa gitna ng umiiral na state of calamity bunsod ng COVID-19 pandemic. Sa kanyang Senate Bill 1473 o ang proposed Three-Gives Law, sinabi ni Tolentino na dapat magkaroon ng three installment payments sa lahat ng bayarin na naipon dahil sa lockdown. Iginiit ni Tolentino na mahalaga ang panukala upang mabawasan ang pasanin ng mga Pinoy na patuloy pa rin ang pakikibaka upang malagpasan ang krisis dulot ng COVID-19. “It is the…

Read More

BIYAHE NG EROPLANO SA MAY 15, MALABO PA RIN – MALAKANYANG

naia15

PAALALA ng Malakanyang sa publiko, suspendido pa rin ang commercial flights kahit pa galing ito sa general community quarantine areas patungo sa ibang GCQ area. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, tanging sweeper flights pa lamang sa ngayon ang pinapayagan. Ang sweeper flights ay ang pagbiyahe ng mga stranded na local tourists mula sa iba’t ibang panig ng bansa pabalik sa Metro Manila o  vice versa. Kabilang din sa pinapayagang makapagbiyahe sa ngayon ay medical flights at iba pang emergency flights. Sa ngayon, sinabi ni Sec. Roque na  kahit pa…

Read More

DELAY NG P5K-P8K NG DSWD NASA LGUs NA

PUNA

MISTULANG naghugas-kamay si  Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista sa nagaganap ngayong sobrang pagkabalam nang pamamahagi ng ayudang P5K hanggang P8K sa mga mahihirap na mamamayan. Ipinasa na nga ng kalihim sa local government units (LGUs) ang kapalpakan sa pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga umaasang mamamayan na siya rin ang lumikha. Una, totoong ibinigay na ng DSWD ang pondo sa LGUs at bahala na ang LGUs na magbigay ng pondo sa mamamayan. Ang tanong, sapat ba ang ibinabang pondo ng DSWD para sa mga…

Read More

PALPAK NA POLITIKO, MAY TULOG SA COVID-19

DPA

KUNG nagkataong nangyari ang pandemic sa coronavirus disease 2019 na ito isang taon bago ang eleksyon, maraming politiko ang hindi na makababalik sa kani-kanilang puwesto. Masuwerte pa rin ang mga politiko dahil medyo malayo pa bago ang 2022 national at local election at  may sakit na pagkalimot ang mga Filipino kaya  puwede nilang makalimutan ang pinagdadaanan nilang dusa ngayon sa COVID-19. Iyan ay kung mareresolba kaagad ang problemang ito at magkaroon ng vaccine bago matapos ang taon upang makabalik na sa  normal na pamumuhay ang mga tao dahil sobrang  perwisyo…

Read More

P1-M shabu nasamsam sa Cavite DRUG TRANSACTION TULOY KAHIT MAY ECQ

CAVITE – Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng calibrated community quarantine (CCQ) sa buong lalawigan ng Cavite ay patuloy pa rin ang transaksyon sa ilegal na droga, patunay ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu na nasamsam sa 53-anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmarinas City. Nakakulong na sa Dasmarinas City Custodial Center ang suspek na si Flordelinda Cornell, dalaga, residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City, habang pinaghahanap ang nakatakas niyang kasama na si Javie Mala ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat ni P/SSgt.  Ernesto Dasalla…

Read More