PAMAMAHAGI NG SAP, IPINASA NG DSWD SA LGUs

IPINASA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) ang pamamahagi ng P5,000 hanggang P8,000 sa 18 milyong mahihirap na mga pamilyang Filipino. Ito’y sa kabila na tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa LGUs ang pamamahagi ng perang galing sa P200 bilyong Social Amelioration Program (SAP) dahil sa mga reklamo ng korapsyon sa mga pamahalaang lokal. Ayon sa DSWD, ang pagpasa sa LGUs ay upang mapabilis ang pamamahagi ng P5,000 hanggang P8,000 kada pamilya. Ang pagkakaiba sa halaga ay ibinatay sa buwanang sahod ng mga…

Read More

KUMPANYA NA NAG-ABANDONA SA KANILANG MGA OBRERO PANAGUTIN

UMAPELA sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga mambabatas sa Kamara na habulin at panagutin ang isang construction company na nag-abandona umano sa kanilang mga manggagawa sa Pasig City. Ayon kina ACT-CIS party-list Reps. Nina Taduran at Eric Yap, bukod sa pag-aabandona ng Cecon Corporation sa kanilang 106 construction workers, ay pinasisilip din sa DOLE ang paglabag nito sa minimum wage law. Nabatid na pinuntahan ng mga nabanggit na mambabatas ang contruction site sa Exhange Square project sa Exchange Road, Ortigas, Pasig City, matapos maglabas ng video ang…

Read More

DRUG OPS TULOY SA GITNA NG ECQ: TULAK NAPATAY

SUGATAN ang isang pulis habang napatay ang isang umano’y notoryus na drug pusher matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City noong Huwebes ng gabi sa gitna ng pinaiiral na enhanced community quarantine. Ayon kay Northern Police District Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, nilalapatan ng lunas ang isa sa mga operatiba ng District Drug Enforcement (DDEU) na si P/Cpl. Michael Aducal na umakto bilang poseur-buyer, sa Chinese General Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan. Hindi naman umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon…

Read More

SANGGOL NAHULOG SA KAMA, PATAY

HINDI na naisalba ang buhay ng isang taong gulang na sanggol matapos itong aksidenteng mahulog sa kama habang naglalaro sa kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City nitong Biyernes ng hapon. Sa ulat mula sa tanggapan ni PCAPT. Nick Fontanilla, hepe ng QCPD-homicide section, isinugod sa ospital ang sanggol na si Angela Badiola matapos magsuka at mapansin ng ina ang pangingitim ng balat nito. Ayon sa ina, alas-5 ng hapon kahapon nang mahulog sa kama ang anak sa kanilang bahay sa No. 26 Mayang Pula Kaliwa Aguardiente, Brgy. Sta. Monica, Novaliches,…

Read More

MALASAKIT NG MGA HOSPITAL KAILAN MARARAMDAMAN?

NAKITA natin kung gaano kapursigido ang mga tao na tumulong sa kanilang kapwa para matulungan ang frontliners sa giyerang ito laban sa hindi nakikitang kalaban – ang coronavirus disease 2019  o COVID-19 na nagsimula sa China. Lahat tumutulong lalo na sa frontliners para proteksyunan ang mga ito sa virus sa pamamagitan nang pagbibigay ng libreng personal protection equipments (PPEs) kasama na ang government at private hospitals. Pero parang hindi naman nararamdaman ang malasakit ng mga may-ari ng mga pribadong pagamutan dahil kung pagbabasehan ang mga report, napakalaki ang kanilang sinisingil…

Read More

ANAK NI ‘PANDAY’ KUMIKILOS LABAN SA CORONAVIRUS – 2019

BADILLA NGAYON

KUNG nabubuhay pa ang tinaguriang “Da King” ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe Jr. o FPJ ay pihadong mangunguna siya sa pagtulong hindi lamang sa mga manggagawa sa industriya ng pelikulang Filipino kundi sa lahat ng mga Filipino mula Luzon hanggang Mindanao. Ngunit, kahit matagal nang pumanaw si FPJ, nananatili ang kanyang alaala kahit ngayong nahaharap ang bansa sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sapagkat patuloy na kumikilos ang  kanyang anak na si Senadora Grace Poe. Namamahagi si Senadora Poe, katuwang ang Fernando Poe Jr. for President Movement (FPJPM),…

Read More

PAGBIBITIW NI DUQUE PINANINDIGAN SA SENADO

HINDI natinag si Senador Grace Poe sa pagtabla ni Pangulong Duterte sa kanilang panawagan na pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque sanhi ng kapalpakan nito sa pamamahala ng pagkilos laban sa pagkalat ng corona virus 2019 (COVID-19). Sa pahayag, sinabi ni Poe na kailangan sa ngayon ng isang health chief na siyang mangunguna sa tamang landas dahil inaasahang tatagal ang health crisis dulot ng COVID-19. “Dito sa ating pakikipaglaban sa COVID virus, hindi naman ito hanggang ngayon lang, pangmatagalan ito. Ang kailangan natin dito ay isang liderato sa Department of…

Read More

SENIORS NA MAY PENSYON TABLADO SA SAP

NILINAW ng pamahalaan na itsapuwera na ang mga pensiyonadong senior citizen sa mga makatatanggap ng financial  aid sa ilalim ng social amelioration program sa panahong umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine. Ayon kay Irene Dumlao ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); “Kapag may senior citizens na head of the family at sila ay may tinatanggap na pension, hindi po sila maka-qualify sa social amelioration program primarily because it is included in our guidelines na kapag ikaw ay retired and receiving pension you are not qualified po.” Nilinaw ng…

Read More

Umasa at nabigo sa DOLE 1.4M WORKERS NGANGA SA AYUDA

UMASA subalit nabigo ang may 1.4 milyong manggagawa sa pribadong sektor sa tulong pinansyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos itigil na ng ahensya ang pagbibigay ng ayuda dahil naubos na umano ang kanilang pondo. Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang pagtigil na ng DOLE sa kanilang financial dole out na nagkakahalaga ng P5,000 bawat manggagawa matapos maubos na umano ang P2 Billion pondo ng mga ito sa nasabing programa. Magugunita na inilunsad ng DOLE ang COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP) para bigyan ng…

Read More