BINALAAN kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mahihirap na pamilya na huwag ibenta o ipa-xerox ang Social Amelioration Program (SAP) Card dahil labag ito sa “Bayanihan to Heal as One” Law. Ayon sa tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya, maaari silang sampahan ng kaukulang kaso kapag ipinagbili o ipinakopya ang SAP Card, sa pamamagitan ng xerox at ibang paraan. “[Pr]e-numbered and barcoded by the Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang SAP Card,” banggit ni Malaya. “Nais ng gobyerno na mabilis na…
Read MoreAuthor: admin
ECQ EXTENSION POSIBLE PA RIN – DILG
HINDI inaalis ni Interior Secretary Eduardo Año ang posibilidad na mapalawig muli ang enhanced community quarantine kung patuloy na darami ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. “May posibilidad ‘yan. Base nga doon sa epidemiological data, kung ‘yan ay patuloy na tataas, kailangan talagang ituloy-tuloy natin ito,” pahayag ni Año. “Although may improvement na tayo, humaba na ito, so ibig sabihin ay nagi-improve tayo at talagang gumagana ‘yung lockdown,” dagdag ng kalihim. Batay sa huling tala ng Department of Health kahapon, umaabot na sa 5,660 ang kumpirmadong…
Read MoreLGUs pinakikilos laban sa mga pasaway MAS MABIGAT NA PARUSA SA ECQ VIOLATORS
SUPORTADO ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga local government unit na maghigpit sa gitna ng pagbabalewala lang ng kanilang mga constituent sa pinaiiral na enhanced community quarantine o ECQ. Sinabi ni IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nasa LGUs ang diskarte kung paano ipatutupad nang mas mahigpit pa ang ECQ at ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga ito. Aniya, depende sa mga lokal na pamahalaan kung idaraan sa paghahain ng lokal na ordinansa ang kaparaanan para mas higpitan o patawan ng mas mabigat na kaparusahan…
Read MoreDoktor na pinaglamayan, COVID positive pala PELIGRO NG SABLAY NA RAPID TEST
BULACAN – Nabalot ng takot ang mga residente sa bayan ng Norzagaray sa lalawigang ito, makaraang mabatid na ang nasawing doktor na isang gabing ibinurol ay positibo pala sa coronavirus (COVID-19) disease. Hindi akalain ng mga nakiramay sa isang gabing burol, maging ng anak at kamag-anakan mismo ng nasawing doktor na si Dr. Marianito Galicia, na ito ay positibo sa COVID-19 kaya naman nangangamba at matinding takot ang nararamdaman ng mga residente sa nasabing bayan. Ayon sa source na ayaw ipabanggit ang pangalan, dapat umanong magsagawa nang mabilisang contact tracing ang…
Read MoreIMEE: DEBT MORATORIUM SUPORTADO NI POPE FRANCIS
KAHIT si Pope Francis ay nananawagang ipagpaliban muna ng Pilipinas ang pagbabayad sa mga pagkakautang nito bunga na rin ng kinakaharap na malaking problema ng taumbayan dahil sa COVID-19. Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan hindi lamang aniya ang Simbahang Katolika na pinamumunuan ni Pope Francis ang pabor sa debt moratorium kundi pati na rin ang mayayamang bansa at malalaking institusyon sa pagpapautang dahil sa nangyayaring pandaigdigang krisis. Aniya, lumalabas na salungat o kontra sa paniniwala ni Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez III ang posisyon…
Read MoreTitiyak sa social distancing QUEUE BOXES TO MARKETS, MINARKA SA NAVOTAS
NAGPINTURA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pamamagitan ng City Engineering Office (CEO), ng queue boxes papunta sa mga palengke, tindahan at iba pang establisimiyentong malimit puntahan ng mga residente. “Madalas magulo kapag oras ng pamamalengke. Nagmamadali ang mga tao na makapasok sa palengke. Para maiwasan ang pagsisikip sa loob at masunod ang isang metrong social distancing, nagpatupad tayo ng one entrance at one exit scheme. Nagpintura rin tayo ng mga box na tutuntungan ng mga mamimili para maayos ang kanilang pila,” ani Mayor Toby Tiangco. Tinapos ng CEO noong…
Read MoreDoktor nag-bike galing sa duty, patay sa truck TRAHEDYA NG FRONTLINER
TUMILAPON ng ilang metro ang layo at nabagok ang ulo ng isang 54-anyos na doktora makaraang sumalpok sa truck habang lulan ng bisekleta sa Pandacan, Manila, iniulat ng pulisya. Namatay habang inoobserbahan sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Dr. Ma. Teresa Dajao y Ballat, may asawa, ng #2184-D Saint Louie Compound, Balagtas St., Pandacan. Samantala, kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Jeffrey Macayon y Domingo, 36-anyos, may asawa, truck driver, residente ng #040 Bongabon, Sampalucan, Nueva Ecija. Batay sa ulat ng Manila Police Traffic Enforcement Unit,…
Read MoreP.8-M PEKENG ALCOHOL NAKUMPISKA
UMAABOT sa P800,000 halaga ng pekeng isopropyl alcohol products ang nakumpiska at tatlong manggagawa nito ang nadakip ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Caloocan City. Kinilala ang mga dinakip na sina Bea Angela Acosta y Macaya, 21, administrative assistant, ng Lucas Quadra St., Sta. Quiteria, Caloocan City; Ronnel Almojuela y Pasgala, 24, trabahador, ng #6175 Mercado St., Brgy. Gen T. De Leon, Valenzuela City, at Christian Roa y Capistrano, 27, trabahador, ng San Gregoria, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City. Ayon sa pulisya, nag-ugat ang operasyon makaraang may…
Read More9 preso, 9 BJMP personnel nagpositibo JAIL SA QC NAPASOK NA RIN NG COVID-19
SIYAM na mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at siyam na person deprived of liberty (PDL) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kinumpirma ito ni BJMP spokesman Jail Chief Inspector Xavier Solda na aniya ay patuloy ang isinasagawang contact tracing upang matukoy ang mga indibidwal na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus. “We are doing an extensive contact tracing. We have a team assigned to it,” ani Solda. Noong Marso 25, inihayag ng BJMP na may isang preso sa Quezon City Jail ang namatay dahil…
Read More