PAGBAGSAK NG WHO SA GITNA NG PANDEMYA

Sa Ganang Akin

SA gitna ng pandemya, tila lahat ng mata ay nagawang maitutok ni US President Donald Trump sa World Health Organization (WHO). Maaaring isipin na naghahanap na lamang si Trump ng masisisi dahil sa biglaang paglobo ng bilang ng positibong kaso at bilang ng mga namamatay sanhi ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Estados Unidos. Nangunguna na kasi ang bansang US ngayon sa dami ng bilang nang nagpositibo sa coronavirus. Kung ang New York ay isang hiwalay na bansa, papangalawa ito sa taas ng bilang. Sinisisi ni Trump ang WHO…

Read More

SANIB-PWERSA NG AFP AT PNP SA PAGHULI NG ECQ VIOLATORS PINABORAN

PABOR si Senate President Vicente Sotto III na tulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad at pagdakip sa mga lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ) o iyong mga taong “labas nang labas.” Sa panayam, sinabi ni Sotto na nakatakda sa RA 11469 o Bayanihan to Heal As One Act na may kaakibat na parusa ang sinomang lalabag sa ECQ kaya dapat tumulong na ang AFP sa pagpapatupad nito. “Oo, tumulong na ipatupad ang batas, which is the Bayanihan to Heal As One…

Read More

MARCH – APRIL ELECTRICITY BILLS, 4-BUWANG BABAYARAN – DOE

INATASAN ng Department of Energy (DOE) ang lahat ng kumpanya ng kuryente sa bansa na huwag sisingilin ang kanilang kostumer ng ‘isang buhos’ sa dalawang buwang bayarin sa kuryente pagkatapos ng “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Abril 30. Sa halip, babayaran ng mga kostumer nang apat na hulog sa pare-parehong halaga ang bayad sa mga nakunsumong kuryente na ang “due dates” ay pasok mula Marso 16 hanggang Abril 30, banggit ni DOE Secretary Alfonso Cusi sa April 16 Advisory ng DOE. Ibig sabihin, babayaran ng mga kliyente ng mga kumpanya…

Read More

Preso inilalapit sa kanilang pamilya kahit may ECQ E-DALAW INILUNSAD NI REP. NOGRALES

UPANG hindi mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga People Deprived with Liberty (PDL) sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ), inilunsad ng Lakbay Hustisya Foundation ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang electronic dalaw sa mga bilangguan sa Metro Manila. “The lockdown should not be an obstacle to justice. Where there are barriers, we must use the tools available to transcend prison walls and reach out to our PDL,” ani Nograles, founder ng nasabing foundation. Dahil dito, nag-donate ng 25 sets ng computer ang mambabatas sa…

Read More

LOAN INTEREST BAWAL NGAYONG MAY ECQ – BSP

NILINAW ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na walang interes ang lahat ng loan habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19. Ayon kay Chuchi Fonacier, Deputy Governor ng BSP, inatasan ng Office of the President ang Department of Finance na maglabas ng Implementing Rules and Regulation (IRR) kaugnay sa ‘Bayanihan to Heal as One Act’ (Republic Act No. 11469). Ayon kay Fonacier, ang IRR ay in-adopt ng BSP na binibigyan ng initial 30-day grace period ang pagbabayad ng lahat ng loans. Ang grace period ay mula Abril…

Read More

KASO NG COVID-19 PUMALO NA SA HIGIT 6K

UMAKYAT na sa mahigit 6,000 ang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa ulat mula sa Department of Health (DOH), as of 4:00 ng hapon ngayong Sabado ay nakapagtala pa sila ng 209 bagong kaso ng sakit, sanhi upang lumobo na sa 6,087 ang bilang ng confirmed COVID-19 patients sa bansa. Nadagdagan naman ng 10 ang bilang ng mga namatay kaya umakyat ito sa kabuuang 397 ngayon. Mayroon namang 29 na nadagdag sa recoveries kaya 516 na ang pasyenteng nakarekober mula sa karamdaman. D. ANIN 188

Read More

ASUKAL IPINASASAMA SA COVID-19 RELIEF PACKAGES

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF) ang pagsama ng asukal sa COVID-19 relief packages na ipamamahagi ng local government units (LGUs) sa kani-kanilang constituents. “With a view to assist sugar farmers and the sugar industry, the recommendation of the Department of Agriculture to encourage LGUs to include sugar in their relief good packages is adopted,” ayon kay IATF spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles. Inorganisa namang muli ng National Task Force Subgroup on Food Security ang National Task Group on Food Group, na pamumunuan ng…

Read More

OCD OUT, DILG IN SA CONTACT TRACING KONTRA COVID-19

PANGUNGUNAHAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang contact tracing efforts laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na napagdesisyunan ng IATF na ang DILG na ang mangunguna sa contact-tracing efforts na naunang ipinagkatiwala sa Office of Civil Defense (OCD). “Kahapon po nadesisyunan po ng IATF [Inter-Agency Task Force] na ang DILG na po, sa tulong ng ating mga LGU [local government units], ang mangunguna sa contact-tracing efforts,”…

Read More

BARANGAY HEALTH WORKERS TATANGGAP NG SAP

APRUBADO sa House of Representatives na isama sa Social Amelioration Program ang libo-libong Barangay health workers sa bansa. Ang House Bill 3985 o Barangay Health and Wellness Reform Act na inihain ni BHW Party-List Rep. Angelica Natasha Co ay naaprubahan kung kayat ang benipisyong natatanggap ng mga household member ay matatanggap din ng mga brgy. health worker. Ayon kay Rep. Co, nais niyang batiin ang mga barangay health worker sa buong bansa at taos-pusong nagpapasalamat ang BHW Party-list sa DSWD at DILG, partikular kina Secretary Rolando Bautista, Secretary Eduardo Año…

Read More