DUMATING na sa Las Pinas City ang 1,000 pirasong rapid test kits na gagamitin para unahing i-test ang suspected cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod. Nais ni Mayor Mel Aguilar na unahin ang suspected patients na nasa komunidad para agad silang ma-isolate sa itinakdang isolation facility sa Las Pinas Rehabilitation Center na may 300 beds. Ayon pa sa alkalde, isusunod nitong ipasuri ang mga health worker at frontliners upang matiyak ang kanilang kalusugan. TEST KITS. Ipinakikita ni Rural Health Physician Dr. Julio Javier kasama si Las Piñas…
Read MoreAuthor: admin
HUWAG TIPIRIN ANG TESTING KITS
WALANG mangyayari sa target ng gobyerno na matigil ang hawaan sa coronavirus disease 2019 kung tinitipid ng Department of Health (DOH) ang testing kits na hawak ng mga ito ngayon mula sa donasyon ng iba’t ibang bansa. Ito ang pahayag ni Iloilo Rep. Janette Garin kung saan, base sa datos umano na kanyang nakalap, kayang ipa-test ang halos isang milyong katao sa testing kits na hawak ng DOH ngayon. “Local Government Units are doing their part and much more to fight this pandemic. LGUs are even aggressively helping in contact…
Read MoreNEDA SEC. PERNIA NAGBITIW
KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni National Economic and Development Authority (NEDA) secretary Ernesto Pernia. Ang dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Sec. Pernia ay base sa personal na kadahilanan. Si Finance Undersecretary Karl Chua ang itinalaga bilang acting capacity matapos bakantehin ni Pernia ang kanyang puwesto. Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Pernia na matapos ang kanyang reflection noong Holy Week at konsultasyon sa kanyang pamilya at malalapit na katrabaho ay nagpasya siyang magbitiw bilang kalihim ng…
Read MoreMAGDI-DISCRIMINATE SA MAY COVID PARURUSAHAN
PARURUSAHAN ang sinomang “judgmental” na magpapakita ng anomang uri ng diskriminasyon laban sa health care workers, overseas Filipino workers, at pasyenteng maaari o positibong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) o gumaling na rito sa lungsod ng Navotas. Kabilang sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng City Ordinance No. 2020-16 ang pagpuwersa, libelo, cyber libel, paninirang-puri, pisikal na pang-aabuso, at paglabag sa kontrata tulad ng upa o pagtanggal ng trabaho sa nabanggit na mga indibidwal. Ipinagbabawal din sa ordinansa ang pagtanggi ng access sa mga pampublikong programa o serbisyo na karaniwang ibinibigay…
Read MoreHEPE NG CALOOCAN HEALTH DEPT. NAGPOSITIBO SA COVID-19
KINUMPIRMA ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na positibo sa COVID-19 ang hepe ng City Health Department ng lungsod. Ayon sa alkalde, ang nasabing doktor ay nagpakuha ng swab test para sa COVID-19 noong Huwebes, 09 April 2020 dahil ito ay pinag-utos ng Department of Health-Department Memorandum No. 2020-0151 na may petsang 31 Marso 2020. Base sa nasabing memorandum, lahat ng healthcare workers, kahit walang sintomas, na may posibleng exposure sa COVID-19 dahil sa uri ng trabaho, ay isasailalim sa COVID testing para mapangalagaan ang kalusugan ng frontliners. Nang magpa-test…
Read MoreTOTAL LOCKDOWN IKAKASA NI PDU30
MALAKI ang posibilidad na magpatupad ng “total lockdown” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sakali at mabigo ito na mapantay ang kurba ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang panukalang implementasyon ng total lockdown ay isang “option,” bunsod na rin ng napakaraming quarantine violators na patuloy na sinusuway ang kautusan ni Pangulong Duterte na magsagawa ng “home quarantine”. “Kinu-konsidera ang total lockdown lalong-lalo na kung magpapatuloy ang mga pasaway sa ating kalsada,” ayon kay Sec. Roque. Ang buong Luzon at ilang lugar…
Read More75-ANYOS NA LOLA SA LA UNION DINAPUAN NG COVID-19
LA UNION – Dinala sa Ilocos Training Regional & Medical Center (ITRMC) ang isang lola makaraang masuring positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigang ito. Unang lumabas ang sintomas nitong Abril 13 at nitong Huwebes ng umaga nang magpositibo sa nasabing sakit ang 75-anyos na lola sa Barangay Calumbaya, Bauang, ng nasabing lalawigan. Ayon sa report, walang travel history o kahit anong exposure sa COVID-19 patient ang lola kaya agad itong nagpakonsulta sa doktor nang makaranas ng ilang sintomas at nagulat na lamang ang pamilya nang nagpositibo sa nasabing…
Read MoreP66 MILLION AYUDA KONTRA COVID-19 MULA SA US
NAGKALOOB ang U.S. government ng karagdagang Php66 million o $1.3 million sa Pilipinas kayat umaabot na sa Php203 million ($4 million) ang kabuuang ayuda ng U.S. government sa Pilipinas sa kampanya kontra COVID-19 pandemic. Ayon sa US Embassy sa Pilipinas, nakipag-ugnayan ang pamahalaan ng U.S. sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID), sa Department of Health ng Pilipinas at iba pang stakeholders para palakasin ang pagsisikap ng pamahalaan na makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa. “This U.S. government support to the Philippine Department of Health for its…
Read MoreMAGKA-LIVE IN PINAULANAN NG BALA
PATAY ang isang junkshop owner nang pagbabarilin ng pagbabarilin ng riding in-tandem na ikinasugat naman ng kanyang ka-live in sa Brgy. Payatas B Quezon City, Huwebes ng gabi. Ayon kay PCapt. Nick Fontanilla, hepe ng homicide section ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), napuruhan ng mga tama ng bala si Vicente Londris, 40, residente ng Pampanga St., Brgy. Payatas B, QC habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang live-in partner nito na si Flordemay Edconde, 38. Sa imbestigasyon ng QCPD-CIDU, pinagbabaril ang mga biktima…
Read More