HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) survivors na mag-donate ng dugo bilang “an act of gratitude to God”. “‘Yung mga nakalabas na sa lahat, mag-mabuting loob kayo, and I think kung ako, I should volunteer. That is the way of thanking God that that you have survived,” ayon kay Pangulong Duterte. Inulit lamang ng Chief Executive ang naging apela ng Philippine General Hospital (PGH) para sa blood donation. Ang PGH ang kauna-unahang ospital sa bansa na magtatangka ng convalescent plasma transfusion. Napaulat na ang…
Read MoreAuthor: admin
PAGTATATAG NG EHEALTH SYSTEM, ISUSULONG
ISUSULONG ni Senador Sonny Angara ang panukala para sa pagtatatag ng Philippine eHealth system and services para sa telehealth at telemedicine. Ayon kay Angara, layon ng kanyang panukala na kilalanin ang eHealth bilang kapantay ng iba pang healthcare delivery methods na tumutugon sa pangangailangan ng mga Pinoy partikular sa mga hindi naseserbisyuhan dahil sa layo ng kanilang lugar. Nais ni Angara na magkaroon ng malinaw na polisiya, regulasyon at legal framework para sa national eHealth system. Sa ilalim nito, magkakaroon ng Health Sector Enterprise Architecture na nakatutok sa automation at…
Read MoreSakaling may lockdown extension pa rin pagkatapos ng Abril 30 PAGHANDAAN ANG PONDO – MARCOS
NANAWAGAN si Senator Imee Marcos na tiyakin ng pamahalaan na may iba pang mapagkukunang pondo bilang suportang pinansiyal sa mahihirap para maiwasan ang anomang kaguluhan, sakaling ma-extend pa ang lockdown matapos ang Abril 30. Ayon kay Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, tinatayang nasa P550-Billion pa ang maaaring maidagdag sa kasalukuyang P200-Billion emergency budget na ginagamit ngayong cash aid. Paliwanag ni Marcos, dapat kumilos agad ang Department of Finance o DOF sa pagkuha ng mga loan at samantalahin ang pagkakataong may mababang interest rates ang mga bangko dahil…
Read More‘ONLINE-BASED EDUCATION’ HIRIT SA SUSUNOD NA TAON
HABANG pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na gawing online-based ang edukasyon para sa susunod na school year kasunod ng mga problemang dulot ng COVID-19, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang departamento upang tiyaking patuloy rin ang pag-aaral ng mga nasa “Last Mile Schools” o iyong mga matatagpuan sa malalayo at liblib na mga lugar. Sinabi ni Gatchalian na mayroong mahigit pitong libong paaralang kabilang sa “Last Mile Schools” na madalas ay wala pang isandaang mga mag-aaral at may lima lamang na guro. Aniya, 75 porsyento naman sa…
Read MoreKASO NG COVID-19, NASA 3,764 NA
NASA 3,764 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kasunod ng 104 bagong kaso na naitala ngayong araw, base sa ulat ng Department of Health (DOH). Inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III na sumampa sa nasabing bilang matapos madagdag ang 104 panibagong kaso ng virus sa bansa sa magdamag. Ayon kay Duque, 14 pang pasyente ang nasawi kaya umabot na ang COVID 19-related deaths sa bansa sa 177. Ang bilang naman ng recoveries ay nadagdagan din ng 11 pasyente kaya ang kabuuang bilang nito ay pumalo sa…
Read More17 NETIZENS SINUBPOENA NG NBI SA FAKE NEWS
PINADALHAN ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 17 netizens dahil sa umano’y pagpapakalat ng pekeng impormasyon sa social media ukol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay NBI Cyber Crime Division chief Victor Lorenzo, inaasahang dadami pa ang kanilang padadalhan ng subpoena sa susunod na mga araw habang patuloy ang pagkalat ng fake news sa internet. “So far, 17 pa lang naman ‘yung pinadahan namin pero ine-expect namin magpapadala pa kami,” ayon kay Lorenzo. Maaaring masampahan ng kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code (Unlawful…
Read More9 FRONTLINERS SA VALENZUELA, COVID-19 POSITIVE
PUMALO na sa 31 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 positive sa Valenzuela City makaraang sampu pang kaso ng naturang sakit ang nadagdag, kabilang ang siyam na frontliners. Ito’y ayon sa pinakahuling monitoring ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) noong Lunes, Abril 6. Si patient VC22 ay 27-anyos na babae; si VC23 ay 39-anyos na babae; VC24, 30-anyos na babae; VC25, 37-anyos na lalaki; VC26, 32-anyos na lalaki; VC27, 31-anyos na babae; VC28, 35-anyos na babae; VC29, 31-anyos na babae; VC30, 83-anyos na lalaki, at si VC31, ay 43-anyos…
Read MorePanawagan ng labor groups kay PDU30 ‘AYUDA SA LAHAT’
NANAWAGAN ang pinakamalaking alyansa ng mga unyon at organisasyon ng mga manggagawa sa bansa kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng ayudang-pinansiyal ang lahat ng mamamayang Filipino maliban sa mga milyonaryo. Sa kanilang kalatas, inihayag ni Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng Nagkaisa Labor Coalition, na “Ayuda sa lahat (aid for all) would make the system simpler and more equitable compared to a targeted system that requires social segregation for meeting its target.” Ang sinasabi ng Nagkaisa na “lahat” ay mga pamilya ng manggagawang regular at kontraktuwal, overseas Filipino workers…
Read MoreLGUs MAY FINANCIAL AID KONTRA COVID-19
MAGLALABAS ang gobyernong Duterte ng financial aid sa local government units para payagan ang mga opisyal nito na makatugon nang maayos sa coronavirus pandemic. Ito ang nakasaad sa ikalawang bahagi ng report ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso. Ang Department of Budget and Management ay magpapalabas ng “Bayanihan Grant to Cities and Municipalities” na makatutulong na pondohan ang ginagawa ng lokal na pamahalaan na paglaban sa COVID-19. Ang ayuda ay may katumbas na isang buwan ng internal revenue allotment ng LGU na may kabuuang P30.824 billion. Sa kabilang dako,…
Read More