Sa gitna ng krisis PDU30 NANAWAGAN NG PANALANGIN

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na magsama-sama at magkaisang manalangin ngayong Holy Wednesday para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na banta sa bansa. Sa televised address, tinawagan ng pansin ng Pangulo ang mamamayang Filipino na magsama-samang manalangin ngayong tanghali, at magbigay-pugay sa ‘indomitable spirit’ ng mga Filipino. “Unite in one prayer to God to fight our common enemy,” ani Pangulong Duterte. Aniya, ang Diyos lamang ang makalulutas ng problema kaugnay sa COVID-19. CHRISTIAN DALE 313

Read More

Utos ng DTI sa mga nagpapaupa 30-DAY GRACE PERIOD SA RENTAL FEES

INATASAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nagpapa-upa ng bahay at business establishment o Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na magbigay ng 30 days grace period sa rental fees. Sa Memorandum Circular No. 20-12, Series of 2020 na inilabas ng DTI, ipinag-utos nito ang pagpapaliban ng mga bayarin sa upa sa mga residential at MSME commercial rent habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon dulot ng COVID-19 sa bansa. Nakapaloob din sa Memorandum Circular ng DTI, na hindi dapat patawan ng interes, penalties, at mga…

Read More

TAX CREDIT SA MIDDLE CLASS HIRIT NG SOLON

IDAAN na lang sa tax credit na P5,000 hanggang P8,000 ang ayuda sa mga middle class kung hindi agad mabigyan ang mga ito ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Progam (SAP). Ito ang mungkahi ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran upang masiguro ang ayuda sa middle class dahil tulad ng mga low income at mga walang trabaho, ay kailangan din ng mga ito ang tulong ng gobyerno. “A lot of middle income families have also been badly hit by the slowdown in the economy and the work stoppage.…

Read More

ECQ EXTENDED HANGGANG ABRIL 30

KINUMPIRMA ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na in-extend na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Luzon-wid quarantine hanggang 11:59 p.m. ng April 30. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na layon ng Pangulo na magkaroon ng sapat na panahon sa pamamagitan ng pag- extend ng enhanced community quarantine sa Luzon ng hanggang Abril 30 para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Aniya, tinanggap ng Pangulo ang rekomendasyon ng IATF-EID na palawigin pa ang enhanced community quarantine sa luzon. “Provided, that all…

Read More

‘Iniyabang’ sa FB live puro kasinungalingan CAYETANO KINUYOG NG BRGY. CHAIRMAN

PUMALAG ang mga barangay captain sa mga pahayag ni House Speaker Alan Cayetano sa kanyang facebook live hinggil sa Social Amelioration Program (SAP) dahil taliwas anila ito sa katotohanan. Pinabulaanan ng mga punong barangay ang ibinida ni Cayetano na bawat pamilya ay mabibigyan ng SAP na mula P5k-P8k na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa FB live ni Cayetano noong isang linggo, inilahad nito kung paano at sino ang mga dapat makinabang sa SAP fund. Ayon umano kay Cayetano, kung ilang pamilya ang nasa loob ng…

Read More

Paalala ng PhilHealth sa accredited hospitals COVID PATIENTS ‘DI DAPAT SINGILIN

TINIYAK ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President retired Gen. Ricardo Morales na walang anomang dapat bayaran ang pagpapagamot ng isang COVID positive individual. Ani Morales, sasagutin lahat ng PhilHealth ang gastos base na rin sa itinatakda ng Bayanihan to Heal as One act. Aniya, umiiral ang ‘no balance policy’ sa ilalim ng Bayanihan Act at lagi nila itong ipinapaalala sa mga administrador ng mga pagamutang accredited ng PhilHealth. Tinatayang, nasa 5,000 ospital aniya sa buong bansa ang may accreditation ng PhilHealth. Sa kasalukuyan, ani Morales ay nasa anim na…

Read More

BI FIELD OFFICES ISASARA NGAYONG SEMANA SANTA PARA SA DISINFECTION

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Bureau of Immigration ang provincial operations nito sa panahon ng Semana Santa para magsagawa ng disinfection. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang maliliit na field offices ng kagawaran ay pansamantalang isasara bilang bahagi ng pagtiyak na ligtas ito sa COVID-19. Matatandaan na ang  BI ay inilagay sa skeletal force,kasunod ng ipinatutupad na enhanced community quarantine. “This move was done after a careful study, and it will definitely not affect our operations,” ani Morente. “Most offices have zero to two transactions per day due to the quarantine,…

Read More

ANGARA, NAKA-RECOVER NA MULA SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senador Sonny Angara na idineklara na siyang COVID-19 at pneumonia free makaraan ang ilang araw na pananatili sa pagamutan. Sinabi ni Angara sa kanyang Facebook post na pinayagan na siyang umuwi ng kanyang mga doktor matapos na ring magnegatibo sa virus. Nagpasalamat naman ang senador sa kanyang mga doktor at nurse gayundin sa kanyang pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kanya sa panahon ng krisis. “Am truly grateful for the gift of life and even more so now for those at the frontlines who safeguard our lives…

Read More

CASH ASSISTANCE DAPAT IBIGAY SA LAHAT NG APEKTADO NG ECQ

PARA kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, dapat mabigyan ng tulong ang lahat ng pamilyang apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 crisis. Sinabi ni Lacson na dapat gawin ngayon ng gobyerno ay linawin ang sinasabing 40% gap o magkaibang datos ng national at local government hinggil sa bilang ng mga pamilyang dapat tumanggap ng cash assistance. “First, they should reconcile the wide gap between the DOF/DSWD list based merely on projection and the data generated by the LGUs’ community based surveys which is more accurate and updated.…

Read More