State of Public Health Emergency idineklara ni PDu30 ITINAAS ng Department of Health (DOH) sa Code Red Sublevel 1 ang kanilang alerto kasunod ng kumpirmasyon na may localized transmission na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Bukod dito, nakumpirma rin ng ahensya ang ikaanim na kaso ng virus sa isang Pinoy. Sa isang pulong balitaan kahapon, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na ang ikaanim na kaso ng sakit ay nakita sa 59-anyos na misis ng ikalimang pasyente ng COVID-19, na isang 62-taong gulang na lalaki mula sa…
Read MoreAuthor: admin
GADGETS, CELLPHONE IBAWAL SA SCHOOL
Grade 1 hanggang Grade 10 target ng solons MALAPIT nang ipagbawal sa mga elementary at high school student na magdala ng cellphone at iba pang electronic gadgets sa kanilang eskuwelahan. Ito ay matapos talakayin sa House Committee on the Welfare of Children na pinamumunuan ni Tingog party-list Rep. Yedda Romualdez ang House Bill (HB) 5542 na inakda ni San Jose del Monte City, Bulacan Rep. Rida Robes na nagbabawal sa mga estudyante sa nasabing antas na magdala ng cellphone at electronic gadgets sa eskuwalahan. Sa ilalim ng nasabing panukala, nais…
Read MorePULIS ‘DI MAKITA SA LANSANGAN
PUNA NG SOLON KAYA TALAMAK ANG RIDING IN TANDEM CRIMINALS ANG kawalan ng mga pulis sa lansangan ang isa sa pangunahing dahilan kaya malayang nakapag-o-operate ang mga kriminal lalo na ang riding in tandem. Ito ang dahilan kaya umapela si ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang police visibility upang mapigilan ang riding in tandem. Ayon sa mambabatas, kapansin-pansin ang kawalan ng police visibility sa mga lansangan kaya malakas ang loob ng mga riding in tandem kung saan ang huling biktima ay ang actress…
Read MoreMPBL LAKAN SOUTH SEMIFINALS: BACOOR OR BASILAN?
Ang isa ay finalist na, ang isa ay humirit ng decider. Ganito ang naging resulta ng South division semifinals ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa Strike Gymnasium sa Bacoor City, Huwebes ng gabi. Dumeretso na sa finals ang Davao Occidental Tigers nang muling talunin ang Zamboanga Family’s Brand Sardines, 62-58. Habang ang Bacoor Strikers ay nanaig laban sa Basilan Steel, 80-69 para itabla sa 1-1 ang serye at isaayos ang decider ngayon (Marso 7) sa parehong venue pa rin. Kahit wala si MPBL Datu Cup MVP Gab Banal na may iniindang…
Read More2ND WIN TARGET NG PETRON, F2
TATARGET ang reigning champion Petron at F2 Logistics ng ikalawang sunod na panalo sa magkahiwalay na sagupaan ngayon sa Philippine Superliga Grand Prix sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Susubukan ng Petron ang tikas ng powerhouse Cherry Tiggo sa alas-5:00 ng hapon, habang ang Cargo Movers ay haharapin ang hamon ng Cignal sa alas-7:00 ng gabi sa pagpapatuloy ng prestihiyosong women’s club tourney na suportado ng Cocolife, Cocogen, Sogo, Eurotel, Sweet and Fit Stevia, Team Rebel Sports at Genius Sports. Bago ang nabanggit na dalawang laro, magpapang-abot muna…
Read MoreGAB TUTOL SA BOXING AND CONTACT SPORTS COMMISSION
MAGDODOBLE lamang ang gawain at responsibilidad ng Games and Amusement Board (GAB) sa panukalang pagtatayo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission. Ito ang opinyon ni GAB Chairman Abraham Mitra sa panukalang pagtatatag ng bgong commission na mamamahala sa boksing at iba pang combat sports sa bansa. “Natutugunan naman ng GAB ang lahat ng pangangailangan ng Pinoy boxers, gayundin ang iba pang professional athletes na nasa pangangasiwa ng ahensiya at maging sa aspeto ng seguridad, kalusugan at kabuhayan,” sabi ni Mitra. “Hindi po nagpapabaya ang GAB sa responsibilidad na iyan.…
Read MoreASIA-OCEANIA OQT: MARCIAL PASOK NA RIN SA Q’FINALS
MULING ipinamalas ni middleweight Eumir Felix Marcial ang kanyang galing sa boksing nang gulpihin ang nakalabang Australian na si Kirra Ruston, 5-0, sa kanilang preliminary bout sa third day ng Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament sa Prince Hameh Hall sa Amman, Jordan. “Ito ang matagal nang pangarap namin ng tatay ko, ang makapunta sa Olympics. Hindi ko na pakakawalan ito,“ saad ng muscular Air Force man na mula sa Zamboanga. Bilang No. 1 seed sa middleweight division, nagkaroon siya ng bye sa unang bout at dahil sa panalo ay pasok na…
Read MorePAGPASLANG SA MGA ABOGADO DAPAT TULDUKAN NA
MARIIN nating kinukondena ang pagpaslang sa ating kapwa abogado na pinatay mismo sa loob ng kanyang opisina sa Talavera, Nueva Ecija. Ang kulturang ito ng kawalan ng lakas na nagpapaliit sa halaga ng isang buhay ay dapat ng matigil na. Ang pagpatay kay Bayani Dalangin ay pang-apatnapu’t walong insidente na nang pagkitil sa miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) simula noong 2016. Panahon na para gumawa ng imbestigasyon ang Kongreso upang matukoy kung ano ang magagawa ng Executive branch para matuldukan na ang pagpaslang sa mga abogado. Noong…
Read More‘DIRTY MONEY’ TINULUGAN NG BSP, AMLC
IGINISA ng mga mambabatas ng Senado ang mga opisyales ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa mabagal at kawalan ng aksyon ng mga ito kaugnay sa pumasok na milyun-milyong dolyares sa bansa. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kinastigo ni Sen. Richard Gordon ang AMLC at BSP kaugnay ng mistulang pagtulog ng mga ito sa sulat na ipinadala ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero na magsagawa ng pagsisiyasat sa ipinasok na malaking halaga ng pera ng ilang Filipino mula…
Read More