LALAKI PINATAY NG KAAWAY SA SUGAL

DAVAO City – Patay ang isang lalaki makaraang pasukin sa kanyang bahay at pagbabarilin ng suspek na umano’y nakaaway nito sa sugalan, iniulat nitong Linggo ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Gerald Cajegas, 34-anyos, residente ng Barangay 14-B, Sta. Ana, Davao City. Batay sa report ng Sta. Ana Police, ayon sa kuwento ng tiyahin na si Irene Mijares, naghahakot ng kahoy ang kanyang pamangkin papasok sa kanilang bahay nang sundan ito ng suspek at binaril ng tatlong beses saka mabilis na tumakas. Agad dinala sa ospital…

Read More

SINITA SA DALANG ITAK NANAGA, 2 SUGATAN

AKLAN – Isinugod sa ospital ang magtiyuhin makaraang pagtatagain ng kainuman ng isa sa kanila nang sitahin ang suspek sa pagdadala ng itak, iniulat nitong Linggo ng gabi sa lalawigang ito. Nilalapatan ng lunas sa Aklan Provincial Hospital ang magtiyuhing sina Jimmy Ingalla, 63-anyos, at Alvin Rivera, 41-anyos, kapwa residente ng Brgy. Sibalew, Banga, Aklan, habang nadakip naman ang suspek na kinilalangsi Ricky Recentes, 43-anyos, ng Torralba, Banga. Batay sa report ng Banga-PNP, dakong alas-6:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Brgy. Sibaliw ng nasabing bayan. Lumabas sa imbestigasyon,…

Read More

NURSE, 2 NPA TUMBA SA ENCOUNTER

ISABELA – Napaslang ng militar ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ang team leader at isang medical officer, sa sagupaan ng mga rebelde at mga sundalo sa bayan ng Ilagan sa lalawigang ito. Habang tatlo pang mga rebelde ang sumuko makaraan ang sagupaan sa Brgy. Rang-ayan, City of Ilagan, ayon sa ulat ng Philippine Army kahapon. Nabatid sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni Philippine Army chief, Lt. Gen. Gapay, ni Brig. General Laurence Mina, Commanding Officer ng Army 502nd Infantry Brigade, ang tatlong rebeldeng sumuko ay…

Read More

Apo binalikan sa nasusunog na bahay RETIRED JUDGE, MISIS PATAY

CEBU City – Natusta ang retiradong huwes at kanyang misis habang nawawala ang kanilang apo na isang special child, makaraang nasunog ang kanilang bahay na nagsimula sa kapitbahay nitong Lunes ng madaling araw sa lungsod na ito. Kinilala ang mag-asawang namatay na si dating Municipal Trial Court Judge Gerardo Gestopa, 65, at misis nitong si 67-anyos, habang nawawala ang kanilang apo na si Jeric, 20-anyos, pawang residente ng Zamora St., Mandaue City, Cebu. Batay sa report ng Bureau of Fire Protection-Mandaue City, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang magsimula ang…

Read More

TIRADOR NG MOTORSIKLO SWAK SA SELDA

SWAK sa selda ng Manila Police District (MPD) ang isang 29-anyos na binata matapos tangayin ang umano’y motorsiklo ng isang  pulis, iniulat ng pulisya kahapon. Kalaboso ang suspek na kinilalang si Mikhael Flores y Sarmiento, binata, tambay, ng #409 Teresita St., Bustillos, Sampaloc, Manila. Batay sa ulat ni P/Capt. Jake Arcilla, Block commander ng Manila Police District-V. Mapa Police Community Precinct, sakop ng Sta. Mesa Police Station 8, bandang alas-11:15 ng tanghali nitong Huwebes nang mamataan ang isang lalaki na kahinahinala ang kilos habang lulan ng motorsiklo sa panulukan ng…

Read More

KONTRABANDO SA NCJ, BULILYASO

BULILYASO ang tangkang pagpupuslit ng alak, chongke at sigarilyo ng dalawang maskarado sa Navotas City Jail (NCJ) matapos na may magnguso sa pamununan ng nasabing pasilidad hinggil dito. Ayon kay Navotas City Jail Warden Chief Insp. Ricky Heart Pegalan, isang araw bago ang tangkang pagpapalusot ng mga ipinagbabawal na bagay sa nasabing piitan ay nakatanggap sila ng tip ukol dito kaya’t inutusan ni Pegalan si Assistant Warden Sr. Insp. Henry Laus na magsagawa ng regular na inspeksyon sa labas ng perimeter wall ng extension facility dakong gabi. Alas-9:50 ng gabi,…

Read More

MOBILE CAR PINAGTRIPAN, 2 SALESMAN ARESTADO

KINUWELYUHAN ng mga tauhan ng Manila Police District ang dalawang salesman na umano’y pinagtripan ang isang mobile car ng nagpapatrulyang mga pulis sa panulukan ng Taft Avenue at Dagonoy St., sa Malate, Manila nitong Biyernes ng gabi. Sinampahan ng kasong unjust vexation ang dalawang suspek na sina Aldy Delos Verjes y Roflo, 18, residente ng B13, L33, Mabuhay Homes 2000, Dasmariñas, Cavite, at Joshua Calderon y Cariño, 20, residente ng #520 Libis St., Orcana, Caloocan City, kapwa salesman. Batay sa ulat nina P/Cpl. Larry John Lumacad at P/Cpl. Wilson Luis Lopez,…

Read More

DRUG PUSHER NA DRIVER, NAKORNER

TIMBOG ang isang lalaking habal-habal driver na supplier din umano ng ilegal na droga sa mga lungsod ng Pasig, Taguig at Makati, sa ikinasang follow-up buy-bust operation ng mga pulis noong Biyernes ng madaling araw sa Barangay Comembo, Makati City. Nauna rito, isang drug suspect na hinuli sa Pasig City ng EPD, ang nagturo kung saan makikita ang suspek na si Quilben Jakiri Pacheco, residente ng Hungary St., Lower Bicutan, Taguig City. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na front lang ni Jakiri ang pagiging habal-habal driver sa pagtutulak ng ilegal…

Read More

2 SANGKOT SA KFR NALAMBAT 

NADAKIP ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa kasong kidnapping for ransom, sa magkahiwalay na isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Las Piñas City Police, noong Biyernes ng hapon sa lungsod. Kasalukuyang nakakulong na sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya ang mga nadakip na sina Lolito Angelis, 41, jobless at nakatira sa #424 San Roque, Nueva Ecija, at Marvin Villas, 39, residente ng #628 San Antonio ng naturang lalawigan. Batay sa isinumiteng report ni Police Col. Segundo Lagundi Jr., hepe ng Las Piñas City Police, dakong alas-2:30 ng…

Read More