NORA AUNOR WALANG PANAHON SA LOVE LIFE

Sa February 24 na pala magsisimula ang ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ na sumusunod sa Prima Donnas. Ang sabi ng karamihan, sana pang-primetime daw talaga o sa gabi raw ang ‘Bilangin’ dahil sa ganda ng kuwento nito at maraming magagandang eksena. Pero tingin ko naman mas okay na ‘yung sa hapon kasi pinapalakas na rin talaga ang afternoon drama ng GMA 7. Ang lalaki na rin kaya ng mga teleserye ng ABS-CBN 2 kaya kahit sa hapon, primetime na rin iyun. Noong pagkatapos nga ng mediacon nitong ‘Bilangin’, nagkasama na…

Read More

CRISTINE REYES DEADMA SA VALENTINES

ANG daming drama ang showbiz couples noong nakaraang Valentine’s Day, pero ang isa sa naaliw ako ‘yung napakalaking bouquet of flowers na surprise ni Xian Lim kay Kim Chiu. Kaya ipinost din agad ni Kim sa kanyang Instagram account para magpasalamat sa nobyo niya. Gusto ko ‘yung samahan nina Xian at Kim dahil tahimik lang sila. Alam naman ng lahat na sila pero may kanya-kanya silang trabaho, pero sa mga importanteng araw kagaya nitong Valentine’s Day, magkasama sila at ang sweet nilang dalawa. Nabanggit nga sa akin ni Christopher de…

Read More

NAKIPAG-LQ SA BF, BEBOT NAGBIGTI

NAGBIGTI ang isang 23-anyos na babae matapos ang lover’s quarrel ng mag-live-in-partner sa Navotas City, nitong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Shaira Mae Dela Cruz, 23, ng Blk. 29 Lot 42 A1, Phase 11, Brgy. North Bay Boulevard South ng lungsod. Ayon sa ulat, dakong 2:30 ng hapon nang madiskubre ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang kuwarto ang biktima habang nakabigti sa double deck gamit ang kumot. Hindi na itinakbo sa ospital ang biktima at ipinaalam na lamang ng lalaki ang insidente sa mga pulis, Napag-alaman,…

Read More

82 VK MACHINES DINUROG SA LAS PINAS

WINASAK at dinurog, sa pamamagitan ng backhoe, ang 82 video karera machines na nakumpiska ng mga tauhan ng Las Piñas City Police sa harap ng city hall kahapon ng umaga. Ipinakita mismo ni Police Col. Segundo Lagundi, hepe ng Las Piñas Police, kay Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang nasabing video karera machines habang ang mga ito ay winawasak. Ayon kay Col. Lagundi, nakumpiska ang mga video karera simula noong Enero 2 nang simulan nila ang “One-Time Bigtime” operation laban sa ilegal na sugal sa magkahiwalay na barangay sa lungsod ng…

Read More

17 TIMBOG SA TUPADA SA PASIG

KALABOSO ang 17 katao bunsod ng ‘tupada’ at nasamsam sa kanila ang P7,620 cash, sa operasyon ng mga awtoridad nitong Linggo ng umaga sa Lungsod ng Pasig. Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Raffy Amion, 29; Randy Lampayan, De­metrio Uribe, Marcelino Belarmino, Delfin Gadia, Jason Obarco, Robinion Mulano, Roberto Mulano, Angelo Lopez, Gregorio Copreira, 63-anyos; Luisito Tapan, Zaldy Tuazon, Arnold Regalario, Jeffrey Saballa, Jeffrey Jutay, Rey Mendezabal, 47, at Joel Asayas, 49-anyos, pawang nakatira sa lungsod na ito. Base sa ulat ni PCP-8 P/Lt. Ruperto Martin Sazon, dakong…

Read More

Prostitusyon sa lungsod ni Isko LOLA, 18 PA NALAMBAT SA AVENIDA

NASAGIP ang 19 kababaihan, kabilang ang isang lola, mula sa prustitusyon sa lungsod ng Maynila. Arestado naman ang isang lalaki na nagsisilbing kanilang bugaw. ayon sa ulat, nagkasa ng operasyon ang mga pulis sa bahagi ng Rizal Avenue at Recto Avenue sa Santa Cruz district matapos makatanggap ng impormasyon na may nangyayaring prostitusyon doon. Sinabi naman ni Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, commander ng Manila Police District Station 3, nasagip sa isinagawa nilang operasyon ang mga babaeng naaktuhan umanong nag-aalok ng kanilang mga serbisyo sa mga dumaraan sa mga kalsada sa…

Read More

BAGETS PATAY SA PAGTAWID

CAVITE – Binawian ng buhay ag isang menor de edad habang kritikal ang isang 54-anyos na ginang matapos mabangga habang tumatawid sa kalsada sa magkahiwalay na insidente sa Bacoor City sa lalawigang ito. Kapwa dinala sa Philippine General Hospital (PGH) ang mga biktimang sina Evelyn Fernandez, may asawa, dressmaker, ng Sitio Malumot Panapaan Village, Bacoor City, at Angelo, 15, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas ang huli. Hawak naman ng pulisya ang driver ng Lalamove na si Johh Karlo Saganes, 31, ng Blk. 5,…

Read More

2 RIDER, PISAK SA TRUCK NG TUBO

BUKIDNON – Napisak dalawang riders na magka-angkas sa motorsiklo matapos pumailalim at masagasaan ng isang Isuzu Dropside Truck na nakabanggaan nito sa bayan ng Maramag sa lalawigang ito, nitong Linggo ng hapon Kinilala ang mga biktimang sina Nelvin Labanon Batingal, menor de edad, driver at may-ari ng motorsiklo (CG110F), residente ng P-2A, San Miguel, Maramag, Bukidnon, at Rodolfo Oberes Descotido, 32, ng P-10B, ng parehong lugar. Batay sa ulat ni P/Col. Roel L. Lami-ing, Provincial Director ng PNP Bukidnon, sa tanggapan ni Regional Director P/BGen. Rolando B. Anduyan, nangyari ang insidente…

Read More

DRUG DEALER KUMASA SA PARAK, PATAY

BULACAN – Patay ang isang hinihinalang drug dealer makaraang kumasa sa mga awtoridad sa bayan ng Baliuag habang dalawa pang umano’y tulak ang nadakip ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) makaraang kumagat sa inilatag na anti-drug operation sa bayan San Rafael at Bulakan sa lalawigang ito, nitong Linggo. Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang napatay na suspek na si Marlon Alvarez, itinuturong shabu supplier sa nasabing bayan. Namatay sanhi ng mga tama ng bala si Alvarez habang nakatakas…

Read More