PATAY ang isang negosyante at pulis makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa magkahiwalay na lugar sa Manila nitong Huwebes. Sa Sta. Cruz, Manila, patay ang isang 33-anyos na negosyanteng babae matapos tambangan habang sakay ng kanyang motorsiklo nitong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Mary Grace Li y Sandoval, isang online seller at residente sa Sta. Cruz, Manila. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas. Batay sa ulat ni Det. Richard Escarlan, bago mag-alas-4:00 ng…
Read MoreAuthor: admin
5 BUMBAY LAGLAG SA BI
ARESTADO ng intelligence agents ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao kamakailan, ang limang Indian nationals na ilegal na naninirahan sa bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan ay nadakip sa Davao City noong nakaraang Pebrero 4 sa operasyong isinagawa ng mga operatiba mula sa BI Intelligence Division Mindanao Task Group (MTG), sa pangunguna ni Intelligence Officer Melody Gonzales. Sinabi ni Morente, inisyu ang mission order na nag-awtorisa sa BI agents matapos makatanggap ng reklamo mula sa Davao City residents na may mga Indian na may notorious…
Read MoreRido, droga, politika SINISILIP SA PAGPATAY KAY MAYOR SABAL
BUMUO ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Manila Police District (MPD) na tututok sa imbestigasyon hinggil sa pagpatay kay Talitay Mayor Abdul Wahab Sabal. Ito ang ipinahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Debold Sinas sa press briefing sa Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Biyernes ng umaga. Si MPD Director P/BGen. Bernabe Balba ang mamumuno sa binuong SITG na siyang nangunguna sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa nabanggit na alkalde. Sinabi ni Sinas, tatlong anggulo ngayon ang kanilang sinisilip sa krimen tulad…
Read MoreNAKASAGASA SA 7 ESTUDYANTE, ADIK
NAGPOSITIBO sa paggamit ng ilegal na droga ang driver ng pampasaherong jeep na nakasagasa ng tumatawid na mga estudyante sa JP Rizal St. sa Makati City noong Huwebes. Bukod sa pagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga, wala ring driver’s license na dala ang driver na si Crizalde Tamparo dahil bago ang insidente noong Huwebes ay nahuli na siya at naka-aksidente rin kaya kumpiskado ang kanyang lisensya. Bagama’t nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa unang test, sinabi ni Makati police chief, Col. Rogelio Simon na isasailalim pa ang…
Read MoreMAGAGANDANG PROYEKTO SA LUNGSOD NG MAYNILA
OKAY ang mga ginagawang suporta ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga Manileño lalo na sa mga mahihirap na mamamayan nito bagaman may mangilan-ngilan na hindi masaya sa kanyang ginagawa at iniisip na anti-poor ang mga proyekto ng alkalde. Subalit para sa mga totoong Manileño at nagmamahal kay Mayor Isko Moreno, totoong tao ang opisyal na kanilang iniluklok sa pwesto na ang iniisip ay para sa kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan. Isa sa mga Okay na okay na proyekto ni Mayor Isko ay ang pagpapaganda at pagsasaayos…
Read MoreMGA PINOY HINDI KUNTENTO SA K-12; MGA REPORMA SA EDUKASYON ISINUSULONG NI GATCHALIAN
Maraming mga Filipino ang hindi kuntento sa pagpapatupad ng programang K-12. Ito ang lumabas sa isang Pulse Asia survey para suriin ang pananaw ng taumbayan sa naturang programa. Ayon sa mahigit isang libong (1,200) respondents ng isinagawang survey, 47 porsyento ng mga Filipino ang hindi kuntento sa K-12. Tatlumpu’t walong porsyento naman ang nagsasabing kuntento sila, at 13 porsyento naman ang hindi sigurado kung kuntento nga ba sila o hindi. Sa mga nagsabing hindi sila kuntento sa programa, 78 porsyento ang nagsasabing dagdag gastos ang karagdagang dalawang taon sa high…
Read MoreTERORISTA, 3 PA NAHARANG SA NAIA
HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) officers na makapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Swedish national na hinihinalang terorista, at kanyang tatlong kasama. Ayon kay BI Port Operations Division chief Grifton Medina, ang mga pasahero na hindi binanggit ang mga pangalan, ay dumating sa NAIA Terminal 1 noong Pebrero 5 mula sa Singapore. “The passenger was immediately excluded after the immigration officer saw that his name registered a positive hit as a suspected international terrorist,” ani Medina. Idinagdag niyang ang tatlo pang foreign nationals na kasama na nagbiyahe…
Read MoreDALAGA PATAY SA KALUNGKUTAN
MISAMIS Oriental – Labis na kalungkutan umano ang nagtulak sa isang dalaga para tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Jerlyn Campeon, 19-anyos at residente ng Sta. Cruz, Tagoloan, Misamis Oriental. Batay sa report ng Tagoloan Police Station, bandang alas-4:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang nakabigti sa biga ng kanilang bahay. Kuwento ng pamilya, wala silang matandaan na problemang idinadaing ang biktima maliban na lamang sa pagiging malungkutin nito at mas gustong mag-isa…
Read MoreMAG-ASAWANG DINUKOT PINATAY
BUKIDNON – Natagpuang tadtad ng saksak ang isang mag-asawang dinukot ng hindi kilalang mga suspek, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sina Wilfredo at Mary Grace Amarillo, kapwa residente ng Brgy. Lilingayon, Valencia City, Bukidnon. Batay sa report ng ni Quezon Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa madamong bahagi ng San Jose, Quezon, Bukidnon. Nadiskubreng tadtad ng tama ng bala mula hindi pa mabatid na kalibre ng baril si Wilfredo habang tadtad ng saksak si Mary Grace. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng…
Read More