DAVAO CITY – Kinumpirma ng Department of Agriculture-XI na dalawang barangay sa bayan ng Sulop, Davao del Sur ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) noong Miyerkoles. Ayon kay Ricardo Oñate, DA-11 regional director, base sa ginawang pagsusuri sa blood samples mula sa mga Barangay Palili at Laperas sa bayan ng Sulop, ay kontaminado ng ASF virus ang nasabing mga lugar. Noong Lunes, isinagawa ng provincial veterinary office ang lockdown sa Barangay Solongvale, Palili at Laperas sa Sulop, at sa Barangay Aplaya sa Hagonoy, Davao del Sur dahil sa duda…
Read MoreAuthor: admin
1 PATAY, 2 SUGATAN SA KALABAW
CAMARINES Norte – Patay ang driver habang sugatan ang dalawang angkas makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang kalabaw sa bayan ng Daet sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang namatay na si Raymond Niegas, 27, may asawa, driver ng motorsiklo, habang sugatan ang dalawaang angkas na Ryan Torcelino, 33, at isang 14-anyos na binatilyo, pawang mga residente ng Barangay San Roque, Mercedes ng nabatid na lalawigan. Ayon sa Daet PNP, nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Mercedes Road, Purok Ubas, Barangay…
Read More2 TULAK PATAY SA BUY-BUST
BICOL – Patay ang dalawang drug pusher matapos na manlaban umano sa aarestong mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa dalawang bayan sa Bicol region, nitong Miyerkoles. Kinilala ang napatay na mga suspek na sina John Alfred Lleno, 33, residente ng Buhi, Camarines Sur, at Alvin Dichoso, residente ng Barangay Sampaloc, Sorsogon City. Sa ulat na ipinadala ng Police Regional Office (PRO) 5, isinagawa ang buy-bust operasyon laban kay Lleno dakong alas-2:10 ng hapon sa Barangay Delos Angeles, Buhi, Camarines Sur. Natunugan umano ng suspek na si Lleno na pulis ang…
Read MoreOPISYAL NG PNP PATAY SA NPA
ILOILO – Patay ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang makasagupa ang armadong mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa bayan ng Janiauy sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktima na si P/Capt. Efren Espanto Jr., team leader ng PNP 6th Reconnaissance Company ng Regional Mobile Force Battalion sa naturang lugar. Sa ulat ni P/Capt. Dadje Delima, hepe ng Janiauy Municipal Police Station, nangyari ang insidente pasado alas-6:00 ng gabi sa Barangay Aglobong ng nasabing bayan. Napag-alaman, naka-engkwentro ng grupo ni Espanto ang hindi…
Read MoreEX-ARMY ITINUMBA NG ‘PULIS’
PATAY ang isang 59-anyos na dating sundalo nang pagbabarilin ng nagpakilala umanong mga pulis sa Caloocan City. Idineklarang dead on arrival sa Tala Memorial Hospital sanhi ng tatlong tama ng bala ng ‘di pa tiyak na kalibre ng baril, si Ricardo Bona Sr., tricycle operator/driver, ng #314 Calleguapo St., Miramonte Heights, Brgy. 180, North Caloocan. Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw malapit sa bahay ng biktima. Batay sa pahayag ng kabiyak ng biktima na si Zenaida, 50, ginising ng kanilang manugang na si Rea ang…
Read MoreAPAT KINATAY SA TAGAYAN
HUMANTONG sa ospital ang masayang inuman ng apat na magbabarkada makaraang pagsasaksakin ng umano’y nagwawalang praning na tinangka nilang awatin sa Caloocan City, nitong Miyerkoles ng gabi. Itinakbo sa Caloocan City Medical Center ang mga biktimang sina Ro Angelo Javier, 18, binata, ng Blk. 29, Lot 43, Brgy 35; Francis Lalo, 29, may asawa, ng Blk. 29, Lot 43 Tallilong Tallaba St., Brgy. 35; Arthur August Bernal, 29, may asawa, ng Blk. 29, Lot 43, Tallilong Tallaba, Brgy. 35, at Ryan Vladimir Javier, 23, may asawa, ng Blk. 29, Lot…
Read More1 PATAY, 17 SUGATAN SA ROAD TRAGEDY
ISA ang patay habang 17 ang sugatan sa nangyaring magkahiwalay na sakuna sa kalsada sa mga lungsod ng Makati at Parañaque. Sa Makati City, patay ang isa habang pito ang sugatan makaraang araruhin ng pampasaherong jeep ang isang grupo ng mga estudyante sa JP Rizal St., Brgy. Poblacion sa lungsod na ito. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Makati (OSMAK) ang isa sa mga biktima na kinilalang si Jules Villapando, Grade 8 student, habang sugatan sina Dexter Aquino, 13; Phoebe Marie Pestano, 15; Andrei Dela Cruz, 15; Serjen Arucan,…
Read MoreGov’t vehicle ginawang service ng prostitutes TAUHAN NG PCG SIBAK
SINIBAK sa serbisyo ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isa nitong tauhan matapos mapatunayang ginamit nito ang isang “government vehicle” sa pagsakay sa ilang prostitute sa videoke bar noong Disyembre 2019 Kinilala ni PCG Spokesman Capt. Armand Balilo , ang sinibak na personnel na si Seaman Second (SN2) Abulhair S. Turabin dahil sa kasong grave misconduct. Ang pagsibak sa tingkulin kay Turabin ay base sa rekomendasyon ng PCG-Logistics Command kung saan si Turbin ay personnel sa ilalim ng Real Estate Management Office of the PCG-Logistics Command. Nabatid na…
Read MoreIbinunyag sa Senado ng inabusong Taiwanese EX-ADVISER NI DIGONG PROTEKTOR NG POGO?
PINANGALANAN sa Senado ng isang babaeng Taiwanese ang umano’y protektor ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na isang Michael Yang. Sinabi naman ni Senador Risa Hontiveros na inaalam pa nito kung ang tinukoy na Michael Yang ng nasabing Taiwanese woman ay ang dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pangalan ding Michael Yang. “Right now, our main concern is the humanitarian aspect. We haven’t gone to the checking of identities,” sabi ng senador. Lumutang sa Senado ang biktimang si Lai Yu Cian, 23-anyos, upang ireklamo ang…
Read More