13TH EAGA HEADS OF CUSTOMS MEETING ISINAGAWA SA DAVAO

BIMP-EAGA

PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC) Davao ang ‘13th Brunei Darussalam Indonesia Malaysia Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Heads of Customs (HoC) 2019 Meeting’ noong Disyembre 9 sa Waterfront Insular Hotel sa Davao City. Si BOC Port of Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria ang namuno sa nasabing meeting sa tulong ni Deputy Commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) Atty. Edward James Dy Buco na ang pa­ngunahing inisyatiba ng bawat bansa ay maabot ang BIMP-EAGA Vision 2025 (BEV 2025) na kanilang tinalakay. Para sa bansang Pilipinas, ang event showcase ay ang implementasyon ng Goods Declaration Verification System –…

Read More

TULOY ANG KASONG KRIMINAL NI SEN. LITO LAPID

BADILLA NGAYON

ISA na muling kagalang-galang na senador ang artistang si Manuel “Lito” Lapid matapos manalo sa eleksyon noong Mayo ng kasalukuyang taon. Ngunit, kahit senador na ay muling nabuhay at tuloy ang kasong kriminal ni Lapid na kinasangkutan niya noong gobernador pa siya ng Pampanga. Ilang araw na ang nakalilipas, inilabas ng Korte Suprema ang desisyon nito hinggil sa kasong korapsyong kinasangkutan ni Lito Lapid tungkol sa P4.761 milyong pataba. Binaliktad ng ikalawang dibisyon ng Korte Suprema ang pasya ng Sandiganbayan tatlong taon nang nakalilipas. Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Lito kung saan ipinasya nitong masyado nang naantala ang kaso. Kasalanan…

Read More

PAO SASANDAL NA LANG KAY PANGULONG DUTERTE

PRO HAC VICE

DAHIL sa pagtapyas ng Senado sa kanilang pondo ay sasandig na lamang ang Public Attorneys Office (PAO) sa kapangyarihan ng Pagulong Rodrigo Roa-­­Duterte na i-veto ang 2020 budget para ‘di na makaltasan ang proposed budget ng PAO sa 2020. Ayon kay PAO chief Persida Rueda-Acosta, naghain na sila ng 7 pahinang liham kay  Pa­ngulong Duterte na i-­veto ang special provision sa General Appropriations Bill na nag­lilimita sa paggamit ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng PAO at ope­rating expenses ng Forensic Laboratory nito. Binigyan-diin sa liham ni Acosta ang kahalagahan ng kanilang Forensic Laboratory para matulungan ang milyun-milyong mahihirap nating kababayan na mapagkakaitan umano ng tulong sakaling maisakatuparan ang…

Read More

ANG KATAPATAN SA DIYOS

FOR THE FLAG

MALALAMAN ng bawat tao kung ano talaga siya kapag siya ay nag-iisa. Ang pinaka-tunay na sarili ay masusumpungan sa pagkakataon ng pag-iisa. Nakikita ng Panginoon ang lahat, ang lakas at kahinaan ng bawat tao. Walang maitatago. Ang pinakamagaling man na magsinungaling ay hindi makapagtatago sa langit. May katapat ang lahat ‘ika nga. “Ang nabubuhay sa tabak ay mamamatay sa tabak,” wika ni Hesus. Sino nga ba ang makapagtatago ng kanyang krimen? Wala. Nakatutok ang mga mata ng langit sa bawat nilalang, walang detalye na nakakawala. Maging ang mga nagpapanggap na…

Read More

LAGPAS 8-ORAS NA TULOG, MASAMA SA KATAWAN

TULOG-5

Isa ka ba sa sleepy heads ng pamilya? Mukhang kailangan mo nang baguhin ang sleeping habits mo dahil ayon sa isang pag-aaral, ang pagtulog nang mahigit sa anim hanggang walong oras ay nakasasama sa iyong katawan. Ayon sa isang research na ipinakita sa European Society of Cardiology Congress 2018, ang pagtulog ng anim hanggang walong oras ang ideal na oras na maganda para sa katawan, gayunpaman, kapag nagkulang o sumobra naman ito, tiyak na makaaapekto na ito sa iyong kalusugan. Sa unang tatlong pag-aaral na iprinisenta sa event, binigyang-diin ng mga researcher mula sa Onassis…

Read More

IREGULARIDAD SA TWG NG MOTOR TAXI BUBUSIIN NG SENADO AT KONGRESO; DOTr, LTFRB IIMBESTIGAHAN

NAPIPINTONG ipatawag ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr)at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng umano’y mga iregularidad sa Technical Working Group (TWG) patungkol sa motorcycle taxi. Nagtipon kahapon sa isang press conference ang mga kinatawan ng civil society groups na bahagi ng TWG at ibinunyag na sila ay naitsa-puwera sa mga pagpupulong na isinagawa kamakailan. Ito ay sa kabila umano ng kanilang paghingi ng updates sa pilot run. Dahil dito, nagsumite ng petisyon ang mga binalewalang TWG…

Read More

EHERSISYO NA NAKAWAWALA NG HANGOVER

HANGOVER-6

HINDI maitatangging masarap makipag-hangout sa barkada. Inom dito, inom doon. “Walwal tayo” sabi nga ng tropa. Pero after the sessions, here comes the “hangover”. But worry no more! Dahil 11 mi­nutes lang, tanggal na hangover mo. Ayon sa Meditation teacher na si Rory Kinsella mula sa Sydney, kaunting minuto lamang ang kailangan para bumalik ang iyong pakiramdam sa normal after ng hangover. Paano? Ginagamit daw ni Rory ang ancient techniques para sa mas mabilis na recovery. “Taking a few minutes to reset and recharge will make you feel a lot better.” “Meditation can…

Read More

DAGDAG PROBLEMA SA LANSANGAN

DPA

Huwag na tayong magtaka na sumisikip talaga ang mga kalsada sa Me­tro Manila dahil hindi naman nadadagdagan ang mga kalsada pero parami nang parami ang mga sasakyan. Ilang milyong sasakyan ba ang naidadagdag sa mga kalsada sa Metro Manila taun-taon? Pero nadadagdagan ba ang mga kalsada? Hindi naman ‘di ba? Kaya kahit anong gawin ng gobyerno para mapaluwag ang mga kalsada sa trapiko ay wala pa ring mangyayari. Tingin ko, wala ring silbi ang color coding na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority dahil maraming sasakyan pa rin ang walang plaka at tanging conduction sticker ang pagkakakilanlan sa kanilang mga oto. Marami pa ring sasak­yan na…

Read More

WARAYNON NAGBANTANG GAGANTI VS NPA

PUNA

MAY paglalagyan ngayon ang mga rebeldeng/teroristang New People’s Army (NPA) na may kagagawan ng pananambang sa mga pulis na pati sibilyan ay nadamay sa Brgy. Libuton sa bulubunduking area ng Brgy. Libuton, Borongan City noong “Friday the 13th”. Nagngingitngit sa galit ang Waraynon sa ginawa ng kanilang mga kamag-anak ng grupong kaaway ng gobyerno na itinuturing na teroristang NPA. Ang mga taga-Eastern Samar ay tanyag na matatapang dahil sa nangyaring giyera ng Waraynon vs Americans noong panahon ng mga Amerikano. Hindi nagtagumpay ang mga baril at machine gun ng mga…

Read More