PAGPIGIL SA PAGBAHING, NAKAMAMATAY

BAHING

KARANIWANG nababahing ang isang tao bunsod ng alikabok, mabahong paligid, paminta o ‘pag minalas-malas ka, dahil sa mabaho mong katabi. Pero alam mo ba na mayroong masamang epekto ang pagpigil sa pagbahing? Ayon sa mga eksperto, kapag sinasara mo ang iyong bibig at ilong habang bumabahing, ang pressure na dala nito ay babalik papunta sa iyong ulo, nasal cavity o pababa sa lalamunan hanggang sa dibdib kung saan ang pressure ay mas mataas ng 5-24 beses kaysa sa normal na pressure ng pagbahing na hindi pinipigil. Dahil dito, maaari itong…

Read More

RASYON SYSTEM IBALIK SA MGA PIITAN

FOR THE FLAG

Maaaring nararapat nang ibalik ang rasyon system sa mga piitan sa buong kapuluan upang mawala na ang umano’y korapsyon sa ginagawang catering system kung saan nakukopo lamang umano ng napapaborang bidder ang mga kontrata. Sandamakmak ang natatanggap nating mga reklamo mula rin sa mga kamag-anakan ng mga nakapiit sa ating mga penal colony sa bansa. Anila, ni hindi naman talaga makain din ang mga pagkaing isinusuplay sa kanila ng pinaborang caterer. Sa isang email naman, nakatanggap ako ng statement mula sa isang non-government organization na kumukondena sa umano’y korapsyon diyan sa Bureau of Corrections (BuCor). Heto…

Read More

JUSTIIS (JUSTICE DELAYED; JUSTICE DENIED)

PUNA

PANAHON na para mag-isip ang mga mambabatas sa bayan ni Juan dela Cruz kung paano mareresolba ang kalakaran sa mga korte kung bakit ang tagal ng mga kaso bago nadedesisyunan. Maraming mga kaso ang nilulumot sa tagal sa mga korte at marami rin sa kanila ay kinamatayan na lang ng mga akusado. Isa na po rito ang kaso ng Ampatuan Massacre na inabot ng 10 taon na kinamatayan ng pangunahing akusadong si Andal Ampatuan Sr. habang siya ay nasa Kidney Hospital siya sa Quezon City. Maraming miyembro ng Ampatuan family…

Read More

MGA IPINAGMAMALAKING SARAP NG MALABON

MALABON CITY

Ngayong holiday season, pihadong lahat ng mga makakain natin ay madaling matagpuan. Ang kagandahan pa nito, ang mga pagkaing ito ay madali nang hanapin, makarating o ihatid sa iba’t ibang lugar dahil madali naman na ang magpa-deliver. Kung naghahanap kayo ng iba’t ibang sarap ay maaring sadyain ang mga putaheng tanging sa Lungsod lamang ng Malabon na malalasap. Ito ay gaya ng mga sumusunod: LINUTLOT NG BELLY’S, NALALASAP Linutlot na manok o manok na niluto sa kawayan. Iyan ang tunay na tawag at isa sa mga pagkain mula sa isa…

Read More

MGA KONGRESISTANG HILIG MAGSINGIT

BADILLA NGAYON

BAGO ipasa ng Bicameral Conference Committee (Bicam) ng Kongreso ang P4.1 trilyong hinihinging badyet ng pambansang pamahalaan para 2020, nabunyag sa publiko na nagsingit pa ang ilang kongresistang kinatawan sa Bicam ng P83.219 bilyong halaga ng mga proyekto. Bago ipasa ng Senado ang P4.1 trilyong badyet, wala ang P83.219 bilyong halaga ng mga proyekto, pagsisiwalat ni Senador Panfilo Lacson. Ngunit, nang makarating at pirmahan na ng mga senador at kongresista na bahagi ng Bicam, pasok na ang P83.219 bilyon, banggit ni Lacson. Hindi siya lumagda. Ayon pa sa kanya, ang…

Read More

PAGBABALIK SA WIKANG INGLES BILANG MEDIUM OF INSTRUCTION

SIDEBAR

Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang nakababahalang pangungulelat ng Pilipinas sa pinakahuling assessment na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development patungkol sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa ng mga mag-aaral sa 79 na bansa. Si Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang naghain ng House Resolution 626 para sa pormal na imbestigasyon na isasagawa ng House Committee on Basic Education and Culture at Committee on Higher and Technical Education para alamin kung anong mga hakbang ang dapat gawin para masolusyunan ang problema sa reading comprehension ng mga Filipinong mag-aaral. Pinakamababa sa 79 bansa ang nakuhang…

Read More

NOVEMBER TARGET NALAGPASAN NG BOC-PORT OF TACLOBAN

PORT OF TACLOBAN

(Ni Joel O. Amongo) BILANG pagtupad sa mandato ng Bureau of Customs (BOC) para mangolekta ng makatuwirang buwis para sa gobyerno, nalagpasan ng Port of Tacloban ang kanilang November target. Batay sa ulat ng BOC-Port of Tacloban, nakapagtala sila ng positibong lagpas na 65.2 porsyento ng kanilang koleksyon para sa nasabing buwan. Ang Port of Tacloban, kasama ng kanyang Subports (Isabel at Catbalogan) ‘as of November 30, 2019’ ayon sa kanilang ulat, ay positibong sumobra sa kanilang target. Ang kanilang actual na nakolekta ay umabot ng P70,938,330,  na 65.2 porsiyentong mas malaki sa nakatalaga sa kanilang target…

Read More

BOC TUMANGGAP NG FOI AWARD MULA SA PCOO

FOI AWARD

KINILALA ng Freedom of Information-Project Management Office (FOI-PMO), sa ilalim ng Presidential Communication Operations Office (PCOO), ang Bureau of Customs (BOC) sa 2019 Freedom of Information Awards na isinagawa sa Peninsula Manila Hotel sa Makati City noong Disyembre 12. Ang BOC ay pinarangalan bilang isang ‘top performing agencies’ sa Electronic Freedom of Information (eFOI) Portal (www.foi.gov.ph) at para sa kanilang ‘exceptional and significant contribution to the FOI’s progress and development’. Kaugnay nito, ang bureau sa pamamagitan ng BOC-Customer Assistance and Response Services (CARES), sa ilalim ng Public Information and Assistant Division, ay mayroong pare-parehong paraan ng pagbibigay ng komentaryo at paggawa ng matibay na tulay sa pagitan ng…

Read More

ISO RISK MANAGEMENT TRAINING SA BOC TOP MANAGEMENT

ISO RISK MANAGEMENT TRAINING

BILANG bahagi ng pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) na makamit ang ISO 9001: 2015 certification, ang BOC top ma­nagement ay isinailalim sa ISO 31000 Risk Management Course na isinagawa sa SGS Academy, Makati City noong Disyembre 10. Kabilang sa mga dumalo si BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kasama sina Deputy Commissioner Donato San Juan (IAG), Deputy Commissioner Raniel Ramiro (IG), Deputy Commissioner Teddy S. Raval (EG) at Assistant Commissioner Vincent Philip C. Maronilla (PCAG). Sumama rin sa nasabing grupo ang BOC collectors mula sa iba’t ibang collection district ng bureau. Ang ISO 31000 Risk Management-Principles and Guidelines, ay hinggil sa ‘risk…

Read More