AEO PROGRAM INILUNSAD NG BOC

AEO PROGRAM

(Ni BOY ANACTA) INILUNSAD ng Bureau of Customs (BOC) ang Authorized Economic Operator (AEO) Program noong Disyembre 2. Ang programa ay implementasyon ng Section 1227 at 1228 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Customs Administrative Order No. 5-2017 na inestablisa ang Authorize Economic Ope­rator Program sa Pilipinas. Nakapaloob dito  ang ‘infrastructure, facility, mechanism, process and benefits necessary for its full implementation’. Ang AEO Program ay haligi ng World Customs Organization’s (WCO) ‘SAFE Framework of Standards to Secure and Facilitate Global Trade’ na ang BOC ay…

Read More

KAHALAGAHAN NG OPEN COMMUNICATION TINALAKAY SA BOC STAKEHOLDERS

OPEN COMMUNICATION

TINALAKAY sa isinagawang Information Drive ng Bureau of Customs Port of Clark, sa tulong ng Public Information and Assistance Division (PIAD), ang kahalagahan ng open communication, sa Quest Hotel, Clark Freeport Zone, Angeles City, Pampanga noong Nobyembre 15. Dumalo sa nasabing okasyon sina CILA President Dr. Francisco Villanueva at Chairman Dr. Irineo Alvaro, kinatawan mula sa iba’t ibang CFZ locators, port users, Customs broker, processors at PEZA locators. Pinangunahan ni Port of Clark District Collector Ruby Alameda ang okasyon sa pamamagitan ng kanyang welcome speech sa mga dumalo sa okasyon. Kabilang sa mga ito ay sina…

Read More

DIREKTIBA SA BAGONG BOC APPOINTEES INILABAS

BOC-12

NAGPALABAS ng direktiba ang Bureau of Customs sa lahat ng  bagong appointees ng iba’t ibang posisyon sa BOC na dumalo sa isinagawang flag raising ceremony sa OCOM Grounds, BOC Compound, Gate 3, South Harbor, Port Area, Manila noong Disyembre 2 para sa kanilang oath taking ceremony. Kasabay nito, ipinag-utos ni BOC Deputy Commissioner for Internal Administration Group Donato San Juan sa bagong appointees na magtungo sa Human Resource Management Division, 2F OCOM Building, South Harbor, Port Area, Manila dakong alas-2 ng hapon. Layunin nito ang pamamahagi ng Notices of Appointment at checklist of requirements na may kaugnayan sa…

Read More

BUWAGIN NA LANG ANG MMDA!

BADILLA NGAYON

SOBRANG malala na ang trapik, hindi lang sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), kundi sa maraming bahagi ng Metro Manila. Sa halip na maisaayos ang daloy ng mga sasakyan sa lahat ng kalsadang nakatoka sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula nang maging pangulo si Rodrigo Duterte, pumalpak ang ahensiyang ito na mabawasan ang trapik. Napakalala ng trapik sa maraming kalsada sa Metro Manila noong panahon ni Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III, ngunit lalo pang lumala ngayong panahon ni Duterte. Napakaraming gina-wang diskarte ng MMDA upang resolbahan ang trapik lalo na…

Read More

HAWAK NG TSINA ANG KURYENTE NG PILIPINAS

FOR THE FLAG

Pinag-uusapan ngayon sa Senado ang pag-inspect at pag-audit sa mga pasilidad at operasyon ng National Grid Corp. Of the Philippines (NGCP), ang nag-iisang transmission service provider sa buong bansa. Ang NGCP ang responsable sa pagtatalaga ng kinakailangang mga highway o daanan ng kuryente at maging ng pag-papadala ng kuryente mula sa mga generating plant papunta sa mga distribution utility katulad ng Meralco at mga electric cooperative, mga industriya, negosyo at maging sa mga kabahayan. Ang planong pag-audit sa NGCP ay bunga ng takot na kayang isabotahe ng Tsina ang bansa sa pamamagitan…

Read More

WOW GALING!

PRO HAC VICE

Mapapa-wow ka talaga sa naging presentasyon ng opening-ceremony o pagbubukas ng South East Asian Games (SEAG) na ipinamalas ng bansa bilang siyang host sa naturang event. Wala kang maririnig mula sa bibig mula sa karamihan ng ating mga kababayan kundi kasiyahan at paghanga sa nakita nilang presentasyon sa pagbubukas ng SEAG. Ang hindi nga lang maganda ay ang komento mula sa mga umano’y nagmamalasakit kuno sa pondo ng bayan na ginamit sa SEAG. Isa pa sa mga ‘di kagandahang nagkomento ay ang Pambansang Kamao ng Davao na si Mayor Sara…

Read More

MGA SINTOMAS AT SANHI NG LAGNAT

LAGNAT

ANG lagnat o “fever” ay isang karaniwang sakit lalo na ngayong tag-ulan. Pero isa rin ito sa mga sakit na may iba’t ibang pwedeng pagmulan at hindi rin dapat balewalain. ANO BA ANG LAGNAT? Ang lagnat ay sintomas lamang ng sakit na dumapo sa katawan. Tuwing may impeksyon, sakit o iba pang sanhi, nagiging aktibo ang ating hypothalamus at tinataasan nito ang temperature ng ating katawan para magbigay ng signal na mayroong mali. Ang hypothalamus ay isang parte ng utak na may direct control sa temperature ng ating katawan. Bagama’t…

Read More

EPEKTO NG TRAPIK SA MGA TAO

DPA

KUNG mayroong nakamamatay ngayon sa Metro Manila ito ay ang trapik na nararanasan ng lahat ng mga tao, may sasakyan man o commuters, kaya ang tanong ng lahat, “kailan ito matatapos”? Base sa medical experts, maraming ibinubungang sakit ang stress sa trapik tulad ng high blood, sakit sa pantog o bato dahil pinipiligan mo ang iyong pag-ihi kapag nasa gitna ka ng kalsada. Marami na rin sa ating mga kababayan ang kulang na kulang sa tulog dahil kailangan nilang magising nang maaga upang maagang makaalis at hindi ma-late sa trabaho,…

Read More

‘GOLD LUCK’ SA UNANG ARAW NG 30TH SEA GAMES

SIDEBAR

“Gold luck” na matatawag ang paghakot ng medalyang ginto ng mga atletang Filipino sa unang araw ng 30th Southeast Asian Games na ginaganap ngayon sa Central Luzon, Metro Manila at Southern Tagalog hanggang sa Disyembre 11. Umabot sa 22 ginto ang nasungkit ng ating mga atleta noong Linggo na siyang dami ng medalyang ginto na nakuha ng Filipinas noong 2017 sa Malaysia kung saan ginanap ang 29th SEA Games. Dancesports ang pinakamaraming nakuhang ginto na umabot ng 10 sa pamamagitan ng Latin dancers na sina Wilbert Aunzo at Pearl Cañeda…

Read More