PINUNA ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Ricojudge (RJ) Echiverri na mahina ang batas laban sa ilegal na droga. Ginawa ni Echiverri ang pahayag kamakailan sa national celebration ng Drug Abuse Prevention and Control ng Dangerous Drugs Board. Sinabi nito na useless ang mga isinasampa nilang kaso laban sa mga mayor at gobernador na hindi tumutulong sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Bakit kaya? Madidismis lang ang mga kasong kanilang isinasampa. Kasi wala namang batas na magpaparusa sa kanila kung ayaw nilang tumulong sa…
Read MoreAuthor: admin
KALUSUGAN UUNAHIN NI NOGRALES
(PFI REPORTORIAL TEAM) TINUTULAK ng isang bagong mambabatas ang paglikha ng Health Promotion Commission na popondohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law. Ang pangunahing tungkulin nito ay upang mabuo ang National Health Promotion Policy Framework and Action Plan para matiyak na kalusugan ang mangunguna sa lahat ng mga polisiyang gagawin, pati na rin ang pagpapakilos ng mga mekanismong panlipunan at ma-monitor ang kanilang pagpapatupad. Gagawa rin ito ng rekomendasyon para sa pag-unlad ng pamumuhunan sa mga tiyak…
Read MoreBOC TUMANGGAP NG MATAAS NA PARANGAL
(Ni Joel O. Amongo) HINDI lang naipasa ng Bureau of Customs ang ‘initiation stage’ ng Performance Governance System (PGS) subalit tumanggap pa ito ng Gold Governance Trailblazer award, ang pinakamataas na parangal ng PGS, matapos ganapin ang Forum Revalida nito sa Bayanihan Center sa Unilab, Pasig City. Sa pamamagitan ng pagpupursige ni Commissioner Rey Leonard B. Guerrero at sa pakikipagtulungan ng mga tauhan at opisyales ng BOC tungo sa pagbabago ng tanggapan na nais maganap gamit ang PGS, isang hakbang upang hubugin at magkaroon ng pagtutulungan upang mailahad, maipatupad at mapanatili ang magandang layunin para sa pagbabago. Ipinakita ni Commissioner Guerrero sa kanyang presentasyon sa PGS Revalida ang…
Read MoreBOC-PORT OF LIMAY QUOTA NA
HINDI pa man natatapos ang taon, nakalikom na ang Bureau of Customs – Port of Limay ng P47.4 bilyon para sa 2019 calibrated annual revenue collection. Sa ulat ng BOC-Port of Limay noong Oktubre 30, lumampas ng P341.93 milyon ang kanilang target collection na dapat ay P47.06 bilyon. Ayon pa sa BOC-Port of Limay, dalawang buwan na mas maaga ang lagpas nila sa kanilang 2019 revenue collection target. Matatandaan ang Port of Limay ay nagsagawa ng Fuel Marking sa UniOil Terminal Depot sa Mariveles, Bataan noong Oktubre 22, kung saan aabot ng 53…
Read MoreMALL SA BINONDO SINALAKAY NG BOC
AABOT sa halos P70 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Intellectual Property Rights Division (IPRD) at Armed Forces of the Philippines sa storage units ng isang shopping mall sa Binondo, Manila noong nakaraang Linggo. Armado ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ginalugad ng mga miyembro ng raiding team base sa impormasyon at reklamo ng Baranda & Associates ang mahigit 70 storage units ng mall kung saan nakatago ang mga pekeng produkto. Kabilang sa mga natagpuan sa loob ng bodega ay mga smuggled goods tulad ng mga replica items na brand ng…
Read MorePAGTATAG NG HEALTH PROMOTION COMMISSION DAPAT MAISABATAS
ISINUSULONG natin sa Kongreso ang paglikha ng Health Promotion Commission na popondohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law. Ang House Bill 5515 (An Act Establishing a Health Promotion Fund and Health Promotion Commission to Oversee the Implementation of Health Promotion in the Philippines and for other Purposes) ang titiyak ng pangmatagalang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong kaalaman ukol sa programa. Ang pangunahing tungkulin ng komisyon ay…
Read MoreANTIBIOTIC GAWING ACCESSIBLE
PINAHIRAP na ngayon ang pagbili ng antibiotic sa mga drugstore sa buong bansa. Hindi na basta-basta makabibili ngayon nito over-the-counter kung walang dalang reseta ang sinuman. Kung may milagro ang siyensya at medisina ay isa itong pagkakaimbento ng antibiotic, isa itong life-saver na gamot. Ginagamot ng antibiotic ang impeksyon sa katawan ng isang tao na hindi na kayang lunasan ng mga pang-external na gamot. Ang mga Filipino ay nakagawian nang mag-self-medicate at bukod sa paracetamol, mga gamot sa sipon at ubo, ang antibiotic ay indemand din, ang cloxacillin, erythromycin at…
Read MoreENERGY INDUSTRY SA TAIWAN
ANG Taiwan ay binubuo ng mga masisipag na tao at dahil dito ay isa sila sa may pinakaprogresibong ekonomiya sa rehiyon. Isa rin silang magandang halimbawa ng bansa na may magandang energy security. Kamakailan lang ay nakita ko ito mismo nang ako ay nagkaroon ng pagkakataong dumalaw sa Linkou Power Plant sa Taipei, Taiwan. Noong 2014, ang pangunahing power plant dito ay nag-decommission ng dalawang 300MW coal plants na naitayo pa noong dekada 60. Dahil dito, kinakailangang gumawa ng paraan ang Taiwan para masiguro na magkakaroon sila ng bago at…
Read MoreREP. NOGRALES: GOV’T BODY BUUIN PARA SA PROTEKSYON NG SIERRA MADRE
NAIS ng isang mambabatas mula sa Rizal na masigurong nabibigyan ng proteksyon ang bulubundukin ng Sierra Madre. Ito ang layunin ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles kaya isinusulong niya sa Kamara ang pagbuo ng Sierra Madre Development Authority. Magiging pangunahing gawain ng naturang ahensiya ay magsagawa ng komprehensibong survey ng pisikal at mga likas na yaman gayundin sa mga potensyal na makikita sa Sierra Madre region at gumawa ng komprehensibong tala at detalyadong plano batay sa resulta ng survey, at gumawa ng disenyo upang mapangalagaan at gamitin nang mabuti…
Read More