Kung yamang tubig lamang ang pag-uusapan ay talaga namang sagana ang Pilipinas diyan. Magtataka pa ba naman tayo gayong napalilibutan ang bansa ng tubig at dahil dito ay sagana tayo sa mga makukuha sa ilalim ng tubig na ito. Pero ang totoo hindi tayo ganoon kasagana dahil marami sa atin ang nagpapabaya at walang alam kung paano ito gagamitin, iingatan at pasasaganahin. Sa isang datos, umaabot sa halos limang milyong katao ang nabubuhay sa pangingisda sa Southeast Asia. Dito sa atin, 80 hanggang 90 porsento ng pinagkakakitaan ay nanggagaling sa…
Read MoreAuthor: admin
INGAT SA PHISHING AT SKIMMING
Ngayong hi-tech na ang daigdig, e hi-tech na rin ang masasamang-loob. Kung dati ay kailangang looban ka upang mapagnakawan, ngayon ay may tinatawag nang “phishing” at “skimming” na dalawang paraan upang mapagnakawan ang mga bank account. Nagmumukhang bobo pa ngayon ang mga holdaper na nag-aabang sa labas ng mga bangko, ang siste ng mga hi-tech na mandurugas ay diretso na sila sa account ng bibiktimahin. Ang phishing ay nagagawa kapag naibigay na ng biktima ang kanyang mga detalye kasama na ang bank details sa pamamagitan ng online interaction. Karaniwan ‘yan…
Read MoreIKA-156 KAARAWAN NI ANDRES BONIFACIO
INALALA ng mga manggagawa kahapon ang ika-156 kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio. Siya ang Supremo ng Katipunan, kaya binigyan siya ng pagkilala at respeto ng mga manggagawa at mga opisyal ng gobyerno sa kanyang monumento sa Caloocan City. Hindi makalilimutan ng mga Pinoy ang mga naiambag ni Ka Andres sa ating lipunan kaya naman hanggang ngayon ay hinahangaan ang kanyang katapangan. Hindi siya nagpasindak kaninuman para ipagtanggol ang karapatan ng mga ordinaryong mamamayan. Si Bonifacio ay tulad ni Lapu-Lapu na lumaban sa mga mananakop na mga Kastila. Ang mga nagawa nila…
Read MoreMGA PARAAN PARA BUMANGO ANG BAHAY
Ang isang paraan para maging mabango ang bawat kuwarto ng bahay ay hayaang maging bukas ang mga bintana nito nang pansamantala upang ang hindi kaaya-ayang amoy ay makalabas muna at ang fresh air ay makapasok. Pero ang naturang suhestiyon ay hindi rin naman laging maaasahan. Para sa kaligtasan ng ating kalusugan ay iwas din naman tayo para makaiwas tayo sa mga synthetic scent na maraming mga kemikal. At upang iwasan ito ay mayroon namang opsyon para rito gaya ng mga sumusunod… – ESSENTIAL SMELL DIFFUSERS. Lagyan lamang ito ng tubig…
Read MoreDIY: FLOWER GARLAND PARA SA BAHAY
Hindi lahat ng do it yourself (DIY) project ay madaling gawin pero mayroon sa mga ito na mapagtitiyagaan lalo kung ang target natin ay mapaganda ang bahay sa gagawing ito. Ang DIY na ito ay ang flower garland na madalas ilagay sa loob ng bahay partikular sa mga bintana. Ang flower garland na ito ay walang pinipiling okasyon kaya’t anytime ay pwedeng idisplay o kahit sa buong taon basta maging maalaga lamang dito na hindi marumihan. Ang pwede at mas magandang uri nito ay ang mga artificial flower para hindi…
Read MoreOKASYON PARA SA MGA ATLETA
SORPRESA raw ang mga magaganap sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Hindi gaya noong Sabado at Linggo hanggang araw ng Lunes, medyo hu-mupa na ang mga batikos sa hosting ng bansa sa biennial meet. Dapat naman. Dahil ang okasyong ito ay hindi para sa mga politiko ng Pilipinas, hindi rin para sa mga opisyal ng Philippine sports. Ito ay para sa mga atletang Filipino na naghanda at puspusang nagsanay upang makapagbigay ng karangalan sa ating bansa. This is their moment!…
Read MoreTAPUSIN MUNA ANG SEA GAMES
MAGSISIMULA?na ngayong araw na ito, Nobyembre 30, ang 30th Southeast Asian Games kung saan 58 na sports ang lalahukan ng 11 bansa para malaman kung sino ang pinakamagagaling na mga atleta rito. Kaisa tayo sa panalangin sa tagumpay ng ating mga atleta at maulit na manguna muli tayo sa paghakot ng mga medalya tulad ng nangyari noong 1991 kung saan ang Pilipinas ang may pikamaraming gold medals. Huling?nag-host?ang Pilipinas ng SEA Games (23rd) noong 2005 at matapos ang 14 taon ay tayo muli?ang?punong-abala sa pinakamalaking sports event sa rehiyon na…
Read MoreP11-B INUTANG PARA SA SEA GAMES
ILANG ulit na ipinagyabang ni Speaker Alan Peter Cayetano ang napakagandang pagdarausan ng Southeast Asian Games o SEA Games, partikular na sa Clark City ngayong araw. Sa pamamagitan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA), gumastos ang pamahalaan ng P11 bilyon sa pagpapagawa at pagpapaayos ng mga pagdarausan ng mga laro sa SEA Games. At ang tumataginting na P11 bilyon ay inutang ng BCDA sa Malaysian Bank. Ang BCDA ay pag-aari at kontrolado ng pamahalaan. Hindi raw isyu ang pag-utang ng pamahalaan ng P11 bilyon, diin ni Cayetano, ang pinuno ng…
Read MoreTAGUMPAY NG MGA UTAK TALANGKANG PILIPINO
Wala nang isang linggo noong mga nakaraang ilang araw, may pumutok na namang kontrobersiya tungkol naman sa pagdating ng ilang pambansang delegasyong kalahok sa darating na Southest Asian Games na magsisumula na bukas sa mala-higanteng Philippine Arena sa bayan ng Bocaue sa lalawigan ng Buacan Ito ay matapos ibulgar in Sen, Franklin Drilon ang umano’s anomalya sa pagkakagawa ng Cauldron na nagkakahalaga ng P55 bilyon. Natural na pinag-piyestahan na naman ng media ang umano’y walang matuluyan ang ilang delegasyon, kabilang ang Cambodia, Thailand, Myanmar at iba pa dahilan para matulog…
Read More