SA halip na magbangayan at magsiraan tayong mga Pinoy ay suportahan natin ang ating mga pambatong atleta para sa SEA Games na idinaraos ngayon sa bansa. Hindi makatutulong ang mga negatibong komento na inilalabas sa social media. Makade-demoralize ito sa ating mga atleta. Kung totoo man na palpak ang organizer ng okasyong ito ay sampahan ng kaukulang kaso nang mapanagutan niya ang kanyang ginawang pagkakamali. Gawin ito pagkatapos ng okasyon. Hindi na tayo magtataka na hanggang ngayon ay may ginagawa pa na ilang area na pagdarausan ng ilang laro ng SEA Games dahil namihasa ang mga Pinoy na laging…
Read MoreAuthor: admin
ANG KULTURA NG PANGUNGUTANG
Bumubuhos na naman ang padala mula sa ibayong dagat ng dolyar, magre-release na naman ng 13th month pay at bonus ngunit alam naman nating marami sa ating kababayan ay ipambabayad na lamang ito sa kani-kanilang mga pagkakautang. Swak na swak sa bansa ang kultura ng pangungutang. Nariyan ang ating mga suking 5-6, credit cooperative, kamag-anakan at tropang handang magpautang, car loan, housing loan at credit card. Sinusukat pa nga ang yaman ngayon sa credit line ng isang tao. Mentras mas malaki ang deposito mo sa bangko, mas lalong nagkakandarapa ang…
Read MorePAGKAING BUKID: LARAWAN NG SARAP
Ang buhay ng mga magsasaka o ang mga taong laki sa mga lalawigan ay sanay sa payak lamang na pamumuhay at kabilang dito ay ang kanilang mga kinakain. Ang mga pagkaing ating tinutukoy ay ang mga putaheng bagay na bagay lamang sa simpleng salu-salo pero walang dudang makapagbibigay ng totoong kabusugan sa ating sikmura. Ang mga putaheng ito ay karaniwang tinatawag na pagkaing bukid o sa bukirin o sa simpleng tahanan lamang madalas na nakakain. Larawan ang mga pagkain ito ng kasimplehang pamumuhay ng ating mga kababayan. Karaniwan din na…
Read MoreMAY TOTOO, MAY PEKE
NAGLABASAN ang iba’t ibang isyu hindi pa man nagsisimula ang 30th SEA Games. Pero, hindi lahat nang naglabasan ay totoo. Gaya na lang nang retrato ng Philippine flag na ginawang mantel sa isang catering. Ang nasabing larawan ay pinulot pa ng isang dating miyembro ng mainstream media at ipinost din, na may kasamang batikos sa pinaghahandaang pagbubukas ng biennial meet. Inamin nang nag-post ng larawan na wala itong kinalaman sa SEA Games. Nadismaya lamang daw siya dahil sa paglapastangan sa bandila ng Pilipinas, kaya niya iyon ipinost. Galing din naman…
Read MoreKAPAG MAY USOK, MAY SUNOG
May kasabihan sa wikang Ingles na “Performance is the best PR (public relations)” na katulad din ng kasabihang “Action speaks louder than words.” Ang dalawang kasabihang ito ang realistikong naglalarawan sa mga naging kapalpakan ng mga organizer ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) simula pa nang nagdatingan ang mga atleta ng Football sa Ninoy Aquino International Airport noong Linggo o sakto ring isang linggo bago ang opening ceremony sa Nobyembre 30. Late dumating ang mga bus na susundo sa Football teams mula sa Cambodia, Myanmar at Timor-Leste at pagdating sa kanilang mga hotel, hindi agad naka-check in…
Read MorePAGKILOS NG PAMAHALAAN KONTRA KASO NG POLIO
Mabuti’t mabilis ang pagkilos ngayon ng Department of Health sa isyu ng kalusugang kinakaharap ngayon ng ating bansa. Ang problema natin ngayon sa kalusugan ay ang delikado at sadyang nakamamatay na polio. Hindi kasi biro ang sakit na ito at walang lunas kapag tinamaan ka nito. At ang tanging sagot para ito ay maiwasan ay ang bakuna. Kaya naman dalawang araw matapos na mailunsad ang Sabayang Patak laban sa naturang sakit ay umabot na sa 58 porsyento ang nasaklaw ng pagbabakuna sa mga bata sa lungsod ng Maynila. Batay pa…
Read MoreSOLON NG RIZAL BIDA SA ABROAD
(PFI REPORTORIAL TEAM) PINURI ng Alliance of Bonafide Recruiters for Overseas Filipino Workers Advancement and Development (ABROAD) si Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles dahil sa panukalang batas na isinusulong nito na pagbuo ng hiwalay na ahensiya upang humawak sa overseas labor cases. Ayon kay ABROAD Convenor Russel Garcia, maganda ang hakbangin ni Nograles bukod pa sa napapanahon na upang bigyang pansin ang kapakanan ng mga makabagong bayani ng bansa. Sinabi ni Garcia, ang National Labor Relations Commission ay hango sa batas na inakda ng US Congress noong panahon ng Commonwealth Republic bagaman nagkaroon ng amyenda noong 2015. “Ang NLRC ay ahensiyang itinatag para manguna sa paghawak…
Read MoreKAMPANYA VS PLASTIC POLLUTION NG PORT OF SUBIC SINIMULAN
(Ni BOY ANACTA) PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic kasama ng iba’t ibang grupo ang kampanya laban sa plastic pollution noong Nobyembre 19 sa Mini Golf Course Area, CBD, Subic Bay Freeport Zone. Ang BOC Port of Subic, sa pamumuno ni District Collector Maritess Martin, Customs Examiner Danny Torralba, Customs Appraiser Prauline Alipio, Collection Officer Fertony Marcelo at Mr. Emil Valentin ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Environmental Management Bureau-Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR), ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, ay nagkaisa para sa temang “Beat Plastic Pollution”. Sa kanyang paghahatid ng mensahe, sinabi ni…
Read More87 BAGONG CUSTOMS POLICE NANUMPA
NANUMPA ang nagtapos na 87 Customs Police mula sa Customs Training Institute na kabilang sa AGILA Class 2019, kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa Bureau of Customs, Port Area, Manila noong Oktubre 28. Ang mga nagtapos na mga bagong Customs Police ay nakakumpleto ng 6 buwan basic course na isinagawa ng BOC-Interim Training and Development Division (ITDD) at Enforcement and Security Service (ESS) na nakadisenyo para sa security officers para lalo pang mapalalim ang kaalaman kaugnay sa duties and responsibilities. Sakop nito ang general discussion sa mas kinakailangang kaalaman at ‘competencies and skills’ ng special…
Read More