Karaniwang nararamdaman ng sinoman sa atin at wala rin naman pinipiling lugar o oras sa sandaling atakihin ng pananakit ng likod. Total discomfort pa talaga ang mararamdaman lalo na kung ikaw ay nasa gitna ng trabaho – sa opisina man, paaralan, bahay at kung saan-saan pa. Malaking istorbo ito lalo na kung namumuo ang sakit sa isang parte o higit pa sa katawan. Ang sakit na ito ay sagabal dahil hindi tayo makagalaw nang maayos. Tayo man ay nakaupo o nakahiga ay ramdam nang husto ang sakit ng likod. Ramdam…
Read MoreAuthor: admin
DA EMPLOYEES NAGPASAKLOLO KAY DIGONG VS USEC CARPIO
Sumisigaw ng katarungan ang 10 kawani na nakatalaga sa Farm-to-Market Road Program ng Department of Agriculture matapos umanong ibasura ang kanilang karapatan sa trabaho ni Undersecretary Waldo Reyes Carpio. Batay sa liham ng mga kawani kay Pangulong Rodrigo Duterte, humihingi ng kaukulang aksyon ang 10 contractual employees na sina Marissa Aguilar (Senior Administrative Assistant I); Leslie Albano (Project Assistant III); April Joy Ayson (Administrative Assistant VI); Mark Paul Baldeo (Engineer II); Norman Boloron (Administrative Assistant V); Alberto Cachero (Project Assistant III); Robin Christopher Cueva (Project Assistant IV); Jerry Gregorio (Administrative…
Read MoreMGA AHENSYANG DEADMA SA PANAWAGAN NG OFWs, DAPAT NANG DISIPLINAHIN NG POEA
Patuloy pa rin ang panawagan ng ating kabayani na itinago natin sa pangalan na “Em-em Pie” sa aking kolum nuong Oktubre 13. Sobrang takot sa bantang puputulan sIya ng daliri at pupunitin ang kanyang pasaporte kaya sIya ay humingi ng saklolo sa Ako OFW at sa kanyang ahensya. Ngunit, makalipas ang isang lingo ay hindi pa rin binibigyan ng aksyon ng Dream Builders Manpower Corp. ang kanyang panawagan na siya ay bigyan ng tulong na makaalis na sa kanyang mapang-abusong employer bagama’t ito ay naiparating na sa kanilang kaalaman. Ipinakiusap…
Read MoreAYUDA SA MINDANAO
Niyanig ang ilang bahagi ng Mindanao sa lakas na magnitude 6.3 na lindol noong Miyerkoles ng gabi. Ang lakas ay nakapagtala ng pinsala ngunit malaking bagay na may pagtitiyak ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na walang magaganap na tsunami. Nakapangangambang sa lakas ng lindol ay apat ang naitalang binawian ng buhay, habang 60 naman ang naireport na nasaktan sa Tulunan Cotabato. Sana ay hindi na ito masundan pa ng anomang casualty. Nananalangin ang publiko kasunod ng nangyari. Naroon kasi na may mga gusaling nagiba matapos ang malakas na…
Read MoreIBA’T IBANG KATAWAGAN SA MGA PUTAHE
Pagkain nila, pagkain mo rin Tayong mga Pinoy, bagama’t likas na mahilig kumain ay marami talaga sa atin ang kain lang nang kain pero hindi alam kung anong ang mga putaheng isinusubo. At nakatutuwa rin namang malaman na maliban dito, may mga pagkain tayo na alam natin pero iba lang ang katawagan nito sa ibang mga lugar sa bansa. Tuklasin natin ang ilan sa mga pagkaing kahawig o katulad ng ibang mga pagkain sa ibang lugar sa Pilipinas at ito ay gaya ng mga sumusunod. Kinilnat – Bagama’t payak, ito…
Read MoreKAIN NA! NG DOT DUMAYO SA NORTE
Matapos ang matagumpay na panimula sa kabubukas pa lamang na Ayamalls Manila at Alabang Town Center, ang Kain Na! ng Department of Tourism (DOT) na food and travel festival ay nagpatuloy para sa kanilang nationwide campaign sa norte. Ang Ayala Technohub Baguio na nasa Camp John Hay sa Baguio, Benguet, ang siyang naging host ng nasabing culinary extravaganza na sinimulan noong Oktubre 11 hanggang 13. Itinampok sa Kain Na! ang mga pagkain at farm tourism offerings ng Ilocos, La Union at Pangasinan, Cagayan Valley at Northern Philippines Island Region pati…
Read MoreSEXUAL HARASSMENT SA ATENEO DE MANILA
Noong Martes, Oktubre 15, nagmartsa sa loob ng Ateneo de Manila University campus sa Katipunan, Quezon City ang may 500 mag-aaral at ilang propesor ng AdMU para ikondena ang dumaraming kaso ng sexual harassment laban sa mga estudyante. Sa harap ng Horacio De la Costa Hall na nagsisilbing administration office nagsagawa ng programa ang mga Atenista hawak ang placards na may mga panawagang: “Sexual Predators Get Out of Ateneo!” at “Ateneo Admin, Stand with Victims.” Tinawag na “Protest Against Sexual Misconduct and Impunity” ang kilos-protesta at sa mga talumpati ng…
Read MoreDAGDAG BAYARIN SA PHILHEALTH, TINUTULAN NG OFWs
Dagdag-pahirap na naman sa OFWs ang dagdag singil sa PhilHealth na inanunsyo kamakailan. Ayon sa komputasyon ng mga grupo ng mga migranteng Filipino, ang bagong dagdag singil sa PhilHealth ay mangangahulugang dagdag P50,000 sa mga bayarin bago pa man sila lumabas ng bansa. Ang malala pa, ayon sa implementing rules and regulations o IRR ng health care program ng gobyerno, ang lahat ng land-based na OFWs ay kailangang bayaran ang kanilang premium sa PhilHealth bago sila makakuha ng Overseas Employment Certificate (OEC. Sa madaling sabi, hostage ng PhilHealth ang OFWs hangga’t ‘di pa nila…
Read MoreIsang namumurong kandidato para pagka-pangulo ng Estados Unidos ang nagbigay ng suhestyon na biyak-biyakin na ang kompanyang Facebook dahil na rin sa hindi ito umano masyadong nare-regulate. Inakusahan ni Democratic presidential candidate Kamala Harris na inuuna ng Facebook ang kanyang paglaki at kita kaysa sa interes at kapakanan ng mga consumer. Dapat umanong tingnan ang Facebook bilang isang public utility na hindi nare-regulate. Maaalalang kamakailan ay binabatikos ang Facebook sa buong mundo dahil sa data sharing feature nito na nagagamit sa pagpapakalat ng hate speech at misinformation. Nabatikos naman ang…
Read More