GANAP nang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinangalanang bagyong Perla. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) ang bagyong Perla ay huling namataan sa Baler, Aurora, taglay nito ang lakas ng hangin na 45kph at bugso na 55kph, kumikilos ito sa bilis na 20kph. Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyon ng Northern Luzon ay inaasahang hihina ito dala ng hanging amihan. Sinabi ni PAGASA weather specialist Lorin dela Cruz na hindi paborable sa mga bagyo at LPA…
Read MoreAuthor: admin
BAGONG NCRPO CHIEF IPAGPAPATULOY ANG LABAN SA DORGA
(Ni LYSSA VILLAROMAN) Nangako ang bagong talagang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Brigadier General Debold Sinas na kanyang ipagpapatuloy ang kampanya ng kapulisan laban sa illegal na droga. “The anti-illegal drugs operations will remain in focus with the strengthening and revitalization of units involved in law enforcement and apprehension of high-value targets,” pahayag ni Sinas sa isinagawang change of commands sa NCRPO. Pinalitan ni Sinas si Major General Guillermo Eleazar na itinalaga naman bilang hepe ng directorial staff ng PNP. Si Eleazar ay isa sa…
Read MoreBOC SUMAILALIM SA REVENUE COLLECTION WORKSHOP
Sumailalim sa isang workshop ang mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) partikular ang nasa Entry Processing Unit (EPU) at Liquidation and Billing Division (LBD) ng lahat ng ports para mapaganda at mapataas pa ang kani-kanilang revenue collections. Nasentro ang workshop sa usaping may kinalaman sa pagpapaganda ng serbisyo publiko, revenue collection at pagpapalakas ng kalakalan na makatutulong upang mapondohan ang mga proyekto ng gobyerno. Ang nasabing workshop na isinagawa noong nakaraang Oktubre 11 ay pinangasiwaan ng Assessment and Operations Coordinating Group bilang bahagi pa rin ng isinusulong na 10-Point Priority Program ng ahensiya. Sa pamamagitan…
Read MorePORT OF CLARK KUMITA NG P49.5-M REVENUE SA PUBLIC AUCTION
Nasa P49.5 milyon ang kinita ng Port of Clark, Pampanga sa kanilang isinagawang public auction mula sa nasabat na mga mobile phone, iba pang gadgets at accessories noong nakaraang Setyembre 30. Bago isinagawa ang public auction ay nagkaroon muna ng public viewing ng nasabing goods noong nakaraang September 26. Tatlo ang naging kuwalipikadong bidders na kinabibilangan ng: TNP, Pronet and Intogadgets, Inc. Karamihan sa mobile phones na nabili ay 6,800 units ng Vivo Y91; 400 units ng Vivo V15 Pro; 400 units ng Vivo V15; 800 units ng Leagoo M13;…
Read MoreBOC BUMUO NG IIQMSO PARA PALAKASIN ANG INTEGRIDAD AT KAHUSAYAN
PARA higit pang palakasin ang integridad at kahusayan ng Bureau of Customs (BOC), binuo nito ang Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO)na bahagi pa rin ng Ten- Point Priority Program ng ahensiya. Matatandaang itinatag noong Mayo 2019 ang IIQMSO kung saan sinimulang isakatuparan ang kanilang adhikain na magsagawa ng internal audits sa iba’t ibang grupo, mga opisina at ports. Layunin nitong alamin ang ‘assets and resources, finances and documentations, performance and compliance ng lahat ng tanggapan ng ahensiya at iba pang government policies and laws’. Ang iba pang importanteng…
Read MoreHOUSE PROBE VS SMUGGLED STEEL PRODUCTS APRUB SA BOC
(Ni Joel O. Amongo) Aprub at suportado ng Bureau of Customs (BOC) ang House Bill 379 na inihain ng House of Representatives Committee na layong imbestigahan ang hinihinalang smuggling ng sub standard na steel products sa bansa. Kasabay ito ng pagtiyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa publiko na makikipagtulungan ang Customs na imbestigahan ang kanilang kawani. Ang gagawing imbestigasyon ng Kongreso ay bahagi pa rin ng imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission at Kamara sa pangunguna ni Agusan Del Norte 1st District Representative Lemuel Fortun na siyang naghain ng panukala. Ayon pa kay…
Read MoreELECTION PROTEST NI MARCOS LABAN KAY ROBREDO BUHAY PA!
Ito ang lumalabas sa naging kautusan ng Supreme Court en banc na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) sa election protest ni dating Senador Ferdinand Marcos, Jr. laban kay Vice President Maria Leonor Robredo. Wala kasing naging malinaw sa kautusan ng PET kung ititigil na ba ang pagbibilang sa mga natitirang polling precinct na nakapaloob sa election protest ni dating Sen. BBM. Batay kasi sa naging aksyon ng SC en banc na tumatayong PET sa election protest ni Marcos laban kay Robredo, na-i-release sa magkabilang kampo ang committee report ng revisors…
Read MoreTERMINAL LEAVE SA PNP CHIEF
Kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Bong Go kaya nang sinabi niya sa media na ang presidente mismo ang nag-utos kay Gen. Oscar Albayalde na mag-terminal leave sa Philippine National Police, walang dahilan para pagdudahan ang senador. Si Interior Secretary Eduardo Año ang inatasan ni Pangulong Duterte na kausapin si Gen. Albayalde na agad namang tumalima kung kaya noong Oktubre 14 ay bumaba na sa kanyang puwesto si Albayalde at itinalaga bilang officer-in-charge ng PNP si Lt. Gen. Archie Gamboa na kasalukuyang deputy chief for operations. Una nang inianunsiyo ni…
Read MoreUS MUKHANG NANANAGINIP
Kataka-taka ang iginawi ng ilang minority US senator na nagpalabas ng resolusyon na naglalayong i-ban sa US ang mga opisyal ng Pilipinas na humaharang umano sa pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima. Nananaginip yata ang mga ito at inaakalang extension ng US ang Pilipinas. Hayaan ninyong i-share ko ang mensahe ni Commissioner Manny Luna ng Presidential Anti-Corruption Commission ukol sa isyung ito: “Their (minority US senators) bullying won’t work. We will not be cowered. No foreign government, organization, or officer can exert pressure, let alone influence, Philippine courts to set…
Read More