Determinado ang pamunuan ng Bureau of Customs sa pamumuno ni Commissioner Leonardo Rey “Jagger” Guerrero na lansagin ang lahat ng uri ng katiwalian at smuggling activities sa ahensyang kanyang pinamumunuan. Nitong nakaraang ilang araw lamang ay nakasamsam ang Enforcement Security Service (ESS) ng master cases na umaabot sa 1,339 na naglalaman ng mga pekeng sigarilyo at stamp na nakatago sa isang bodega sa Barangay Prenza Uno, Marilao, Bulacan na nagkakahalaga ng P160 milyon na pawang branded cigarettes tulad ng Belmont, Camel Cigarettes, Double Happiness, Fortune, Hope, Marlboro, Modern at Mighty.…
Read MoreAuthor: admin
TIPID SHOPPING TIPS
To be prepared properly when shopping, kailangan may listahan ka para hindi ka “maligaw ng landas”. Ang tendency kasi kapag wala kang listahan at alam mo talagang wala kang preno sa gastos ay talagang aabot ka sa overspending. Kung ano ang nasa list na hawak mo ay ‘yun lamang ang sundin at bilihin. Hindi rin naman complete ang importance ng shopping list kung hindi ka magse-set ng budget. Kung alam mo lang na may nakalaang budget sa bibili¬hing damit, hindi ka mahihirapan at mawawalan para makabili pa ng mas importanteng…
Read MoreSAYANG ANG PONDO SA 4Ps
Ipinahayag nitong nakaraang linggo ng World Bank na aprubado na ng Board of Executive Directors nito ang $300 milyong tulong na pautang para sa pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Pilipinas. Wow, malaking sakripisyo na namang bubunuin ni Juan dela Cruz para mabayaran ang utang na ito sa pamamagitan ng binabayarang buwis. Ang 4Ps ay isang national poverty reduction strategy at human capital investment program ng gobyerno na nagkakaloob ng pondo o tulong pinansiyal sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng maximum na panahon na pitong…
Read MoreMGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON
(IKALIMANG BAHAGI) Mahirap gumana ang utak kung kumakalam ang sikmura. ‘Di na natin kailangan ng maraming ebidensiya galing sa mga pananaliksik para paniwalaan ang pangungusap na ito. Kumbaga, ito ay self-evident. Ayon sa mga datos, pitong batang Filipino ang nagdurusa sa malnutrisyon, 95 bata kada araw naman ang namamatay dahil dito, at mahigit 30% ang nababansot o ‘di nakakalaki ng tama. Ang isa sa pinakamalalang epekto ng malnutrisyon o kagutuman ay ang paghina ng paggana ng utak. Dahil kulang sa sustansiya ang brain cells, apektado ang paggalaw nila, hihina din…
Read MoreLMB MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN
Dumulog sa Ako OFW ang isa nating kabayani mula sa Hofuf, Saudi Arabia na si OFW May Lyn Sandel. Ang kanyang ahensya sa Pilipinas ay ang LMB Worldwide Services. Humihingi ng tulong si OFW May Lyn Sandel na makauwi na lamang sa Pilipinas dahil sa masamamg pagtrato sa kanya ng kanyang employer. Diumano ay hindi siya binibigyan ng maayos at sapat na pagkain sa araw araw simula pa noong siya ay dumating sa kanyang employer noong March 20, 2019. Ultimo kamatis at kape na maaari na sana niyang makain para…
Read MoreGAANO KAMAHAL ANG EDUKASYON SA ‘PINAS?
(Ni Bernard Taguinod) NAGING annual tradition na lamang ang pagtaas ng tuition sa mga pribadong paaralan sa Pilipinas kaya lalong dumarami ang mga kabataan, lalo na ang mga anak ng mga mahihirap ang hindi nakatatapos ng pag-aaral. Ganito inilarawan ni Raoul Manuel, secretary general ng National Union of Student of the Philippines (NUSP) ang taun-taon na lamang na pagtataas ng matrikula sa private higher education institutions (HEIs) sa bansa. “Ating kinokondena ang ganitong annual tradition na lamang (na pagtaas ng tuition) kung saan ang ating pamahalaan ay pinapayagan ang ating…
Read MoreEMPLOYER NG ZH&K MOBILE ‘DI REHISTRADO AYON SA SSS
Ito po ang kasagutan ng pamunuan ng SSS sa artikulong “DILG usec. Dino umaksyon; ZH&K mobile lumabag sa DO 168 na lumabas noong June 22, 2019 sa Misyon Aksyon. Ginoong Petil: Ang liham na ito ay aming tugon sa problemang idinulog sa inyong pitak noong ika-22 ng Hunyo ng isang empleyado ng ZH&K Mobile tungkol sa hindi pagkakaltas at paghuhulog ng social security contributions ng kanilang employer. Sinubukan naming i-verify sa aming system ang employer name na ZH&K Mobile ngunit walang lumabas na ganoong pangalan ng employer. Maaaring ito ay…
Read MorePHILSCAM?
Laman ng balita sa telebisyon, radyo at Internet ang isyu ng “ghost dialysis” at fraudulent claims sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC). Kasunod nito ay ang pagbibitiw sa pwesto ng mga miyembro ng board of directors kasunod ng pagpapalit ng bagong pamunuan nito. Habang kasalukuyang binubuo ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Healthcare Act or Republic Act 11223 at naghahanap ng sapat na pondo upang mapatupad ito, saka naman lumabas ang isyu ng umano’y maanomalyang claims ng mga health institutions na umaabot ng P154 bilyon. Dahil sa malaking…
Read MoreKAILANGANG AMYENDAHAN ANG ANTI-DRUNK AND DRUGGED DRIVING LAW
Halos araw-araw ay may mga nababalitaan tayong kaso ng mga naaarestong mga driver ng GRAB, bus, jeep, tricycle at iba pang mga pampublikong sasakyan kapag may mga isinasagawang mga anti-drug operation. Tila lalong dumarami ang durugistang public utility drivers matapos alisin ang drug test bilang isa sa mga requirement ng mga kumukuha o kaya ay nagre-renew ng kanilang mga driver’s license. Ang dahilan nila ay kinakailangan nila umano ang mag-droga upang manatili silang alerto habang nagmamaneho. Ang hindi nila sinabi ay nawawala rin sila sa sarili habang nagmamaneho dahil sa…
Read More