POWER STRUGGLE SA SENADO

SIDEBAR

Kay Senator-elect Imee Marcos ng Nacionalista Party una nating narinig na may mga nagtutulak sa kapartido niyang si reelected Sen. Cynthia Villar na kunin ang Senate presidency at palitan si Senate President Tito Sotto ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Sa isang panayam sa ANC unang binunyag ito ni Marcos at para makaiwas-pusoy dahil nga kapartido niya si Villar ay itinuro si Senator-elect Francis Tolentino ng Partido Demokratikong Pilipino- Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na siyang kapural sa pagtutulak kay Villar para maging tagapangulo ng Senado. Mauugat ang planong pagpapalit ng liderato…

Read More

AYAW SA BASTOS, EH BAKIT ANG IBANG OPISYAL?

TINGNAN NATIN

SUMOBRA ang banat ni Erwin Tulfo kay Dept. of Social Welfare & Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista nang tumanggi itong magpa-interview sa kanyang teleradyo program. Tingnan Natin: hindi dapat dumaranas ng ganoong pang-aalipusta hindi lamang si Bautista kundi kahit na sinong tao, mayaman, mahirap, sibilyan o militar. Pero itong panghihimasok ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa isyu, tingin natin, ay wala sa lugar. Ang pambabastos ni Tulfo kay Bautista ay hindi laban sa Sandatahang Lakas, patungkol ito kay Bautista bilang miyembro ng gabinete ng pamahalaang sibilyan ni…

Read More

FILIPINO INDIE MUSIC: MUSIKANG DAPAT DING TANGKILIKIN AT MAHALIN

INDIE MUSIC

(Ni RAVENSON BIASON) Bagama’t makabago na ang ating panahon at halos okupado na ng millennials ang bugso ng trend ng musika, nakakasabay dito ang original Pilipino music o OPM. Kapag nagustuhan ng millennials, tiyak na sisikat at mamamayagpag ang isang kanta. Kapansin-pansin na ang mga patok o mga namamayagpag na kanta sa ngayon ay nabibilang sa Indie music. Teka, ano nga ba itong Filipino Indie Music? ANG INDIE MUSIC AT ANG MGA INDIE ARTISTS May kanta ka bang naririnig na maganda, pero ‘di mo alam? Pero, alam na alam ito…

Read More

BRIGADA ESKWELA

Psychtalk

(Ikalawang bahagi) Kaugnay pa rin ng isyu ng Brigada Eskwela, nais kong ibahagi ang isang nakaka-inspire na kuwento ng isang gurong malapit sa akin. Ito ay kuwento ng isang pamangkin na kahit Psychology major siya ay mas pinili niyang maging guro sa Grade 6 sa isang public school sa probinsya. Narinig ko kasi na siya’y nagso-solicit  sa pinsang kababata niya na ngayon ay isa nang abogada.  Para raw sa iba’t ibang materyales upang mas maging buhay at interaktibo  ang kanyang pagtuturo. Bahagi pa  rin  daw ito ng taunang Brigada Eskwela…

Read More

SUHULAN SA SPEAKERSHIP, P2-M NA BAWAT KONGRESISTA

EARLY WARNING

TILA yata nagpapataasan ng ihi ang dalawa sa mga tatakbo bilang House speaker kung ang napapabalitang suhulan at bilihan ng boto ang pag-uusapan. Mantakin mo naman, nagpapirma ng isang manifesto of support si Cong. 1 na mula sa Kabisayaan kapalit ng P500,000 bawat kongresista kahit walang commitment o gustong magpalit kung sino ang iboboto bilang speaker. Aba’y hindi naman nagpahuli si Cong. 2 na sinasabing malapit sa isa sa mga anak ng pangulo at agad na nag-alok ng mas tumataginting na P1-M bawat kongresista sa kondisyong siya ang iboboto at…

Read More

IPAGBAWAL NA ANG SMARTMATIC SA ELEKSYON!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Kamakailan ay nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na dapat Smartmatic ang gamitin sa eleksyon sa 2022. Pinapatibay pa nito ang tindig ng Bayan Muna noon pa na dapat nang pagbawalan ang paglahok ng Smartmatic sa eleksyon sa Pilipinas dahil sa maanomalya, magastos, at hindi kapani-paniwalang mga halalan gamit ang mga makina nila. Kung ating aalalahanin, kinontrata ng Comelec ang Smartmatic-Total Information Management Corporation (Smartmatic-TIM) para mag-supply ng 23,000 optical mark reader (OMR) machines na ginamit noong eleksyon 2016. Noon pa lamang ay sinabi na ng Bayan Muna na…

Read More

SMARTMATIC ANG TOTOONG COMELEC

FOR THE FLAG

Pinababasura na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit sa Smartmatic ngunit itong Commission on Elections (Comelec) pag-aaralan pa umano kung mayroong legal basis ang ibig ng pangulo. Hindi natin alam kung alam ba ng Comelec ang sitwasyon nila. Taga-imprenta na lamang sila ng balota. Printing press na lamang ang Comelec. Hindi ba nila nahahalata ‘yun? Smartmatic na ang tunay na Comelec dahil ito ang gumaganap na Comelec sa ating mga halalan. Smartmatic na ang bumibilang at nagsasabi kung sino ang mga nanalo sa halalan. Ano pa ang silbi ng…

Read More

84-KILO NG IMPORTED MEAT ITINURN-OVER NG BOC-NAIA SA BAI

IMPORTED MEAT

(Ni JOMAR OPERARIO) Pormal nang itinurn-over ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA)  sa Bureau of Animal Industry (BAI)  ang 84-kilo ng imported meat na nasabat sa nasabing paliparan kamakailan. Ayon sa ulat ng BOC-NAIA, ang nasabat na mga karne na nagmula sa bansang Japan ay wala umanong import permit kung kaya’t hindi ito ligtas sa African Swine Fever (ASF). Ang pasaherong nagdala ng nabanggit na imported na karne ay wala umanong naipakitang kaukulang dokumento na magpapatunay na legal ang kanyang pagpasok ng nasabing karne sa bansa dahilan…

Read More

SEGURIDAD VS ASF HINIGPITAN NG BOC

BOC-ASF.jpg

(Ni JOEL AMONGO) Lalo pang hinigpitan ng  Bureau of Customs (BOC) ang ipinatupad nitong seguridad laban sa  pagpasok sa Pilipinas ng mga produktong karne mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF). Ayon sa Customs, ang mga importers na may mga kaukulang clearances at permits mula sa mga opisina ng gobyerno na siyang binigyan ng pagkakataong mag-regulate at mag-monitor ng kaligtasan ng hangganan ng bansa ang maaaring umangkat ng mga karne mula sa ibang bansa. Kabilang dito ang Department of Agriculture (DA), Bureau of Animal and Industry (BAI)…

Read More