GAANO KAHIRAP GUMASTOS NG P800 BILYON?

USAPANG KABUHAYAN

Isang problema na inire-reklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang bagal ng proseso ng paggastos ng mga pondong inilaan para sa mga proyekto dahil sa dami ng mga dapat na daanan na proseso ng bidding o bago ma-award ang kontrata sa mga nanalong bidders. Ang ekonomiya kasi ay lumalaki ayon sa pera na ginagastos sa isang bansa, kasama na rito ang perang pinambibili natin ng mga bagay na kailangan natin sa bahay o sa buhay, sa sweldong ibinabayad sa atin ng ating mga kompanya, ang perang ginagastos ng mga negosyante…

Read More

GUERRERO PINANGUNAHAN ANG 11TH FOUNDING ANNIVERSARY NG BOC-PORT OF LIMAY

Commissioner Rey Leonardo Guerrero

(Ni JOEL O. AMONGO) Naging panauhing pandangal si Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa pagdiriwang ng 11th Founding Anniversary ng Bureau of Customs-Port of Limay nitong nagdaang Biyernes. Sa kanyang pagsasalita, binigyang diin ni Commissioner Guerrero ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang maabot ang hinahangad na target. “I am counting on your commitment to the service and to our country, as we embark on the program of reformation, innovation, and transformation,” ayon kay Guerrero. Sa panig ni District Collector Guillermo A. Francia ng Port of Limay, binigyang diin nito…

Read More

P1-B SHABU NASAMSAM SA WAREHOUSE SA MALABON

SHABU MALABON

(PHOTO BY JACOB REYES) NASA isang bilyong pisong halaga ng shabu na may 146-kilo ang nasamsam ng pinagsanib na operasyan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),  Bureau of Customs (BOC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang warehouse sa Malabon City kamakailan. Sa isang  joint-operation na isinagawa noong nakaraang Huwebes (May 23), nadiskubre ng mga awtoridad na ang nasabing illegal drugs ay nasa loob ng 30 aluminum pallets na kung saan ang tonner bags ay naglalaman ng tapioca starch.…

Read More

QATAR CRISIS

FOR THE FLAG

Libu-libong overseas Filipino worker na ang umuwi mula sa bansang Qatar, dahil sa slowdown ng ekonomiya roon. Lumalabas na ang krisis sa Qatar na resulta ng pag-ban dito diplomatically ng Saudi Arabia at ng mga kasanggang bansa nito ay may kalaliman ang tunay na dahilan at mukhang may malaking kinalaman ang Estados Unidos. Mukha ring systematic at organisado ang demolition job laban sa Qatar matapos ang isang dating reporter nito ay idinedemanda nga­yon ang Al Jazeera na pagmamay-ari rin ng pamilyang Al Thani na ruling family ng Qatar. May mga…

Read More

MMDA MAGANDA ANG ADHIKAIN SA PAGBABAWAL NG PROVINCIAL BUS SA EDSA

SA GANANG AKIN

Napakalaking pagsubok ang bumiyahe sa kahabaan ng EDSA dahil sa napakaraming sasakyan ang narito, i­dagdag pa ang kawalan ng disiplina ng ilang motorista kaya buhul-buhol ang trapiko. Ilang administrasyon na ang nagdaan at sinubok na lutasin ito pero hanggang plano lamang ang nangyari dahil agad na may batikos mula sa iba’t ibang grupo na wala ring maibigay na solusyon. Sinubok ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na magpatupad ng provincial bus ban sa EDSA, pero bago pa ito isulong, may mga umangal na grupo at nagpetisyon sa Supreme Court para…

Read More

FASHION FORWARD: ESTILO TUWING UMUULAN

rainy fashion

(NI ANN ESTERNON) AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, hindi pa opisyal na nagsisimula ang tag-ulan pero natural lang ang nararanasang pag-ulan o ang thunderstorms. Madalas ang thunderstorms sa buwan ng Mayo ayon sa historical data ng naturang ahensya. Ito ay dahil kapag ang panahon ay sobrang init, ang mainit at moist air ay mabilis na umaakyat, nako-condense at bumubuo ng cumulonimbus o thunder clouds kaya nagkakaroon ng pag-ulan. Anyway, ngayong nag-uuulan, parang bitbit nito ang hassle sa pagporma o kahit ang simpleng pananamit lang…

Read More

ADVISORY COUNCIL BINUO PARA SA KAPAKANAN NG MGA OFW

AKO OFW

Pagkatapos ng halos dalawang taon na paghihintay matapos ang OWWA Selection Committee panel interview noong Hunyo 2017, ay pormal na akong manunumpa sa Malacañang sa harap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong miyembro ng Board of Trustee ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Taliwas sa inaakala ng maraming OFW, ang pagiging isang miyembro ng Board of Trustee ay hindi isang hanapbuhay na maituturing, dahil wala naman itong regular na sweldo na matatangap. Ang tanging kagustuhan ko lamang o inte¬res sa pagiging miyembro nito ay upang masiguro na maririnig ang…

Read More

MAGSASAKA UMIIYAK NA SA BAGSAK PRESYO NG PALAY

POINT OF VIEW

Nitong mga nakalipas na linggo ay may mga nababasa tayong mga artikulo at balita tungkol sa hinaing ng ating mga lokal na magsasaka kaugnay sa pagbaba ng buying price ng palay sa bansa. Medyo natabunan ang isyu dahil sa nakapokus tayo sa katatapos lamang na May 13, 2019 midterm elections. Base sa kanilang  mga reklamo, nitong katatapos na anihan, ang presyo ng  palay ay binibili na lamang sa kanila ng P14 per kilo ng National Food Authority (NFA), mula sa dating P16 kada kilo noong hindi pa ipinatutupad ang Rice…

Read More

AYUDA PARA SA MGA FILIPINONG INA

Psychtalk

(Ikalawang bahagi) Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod at pag-aangat sa kalagayan ng mga Filipinong nanay, ninanais na dagdagan ang bilang ng maternity leave ng mga nanganganak na kababaihan. Mula sa dating dalawang buwan, ninanais ng nakahain na bill sa Senado na bigyan ng 120 araw na maternity leave ang mga nanay, kasal man sila o hindi. Para sa mga single parents, sila ay nila-layong bigyan ng 150 na araw ng maternity leave. Kung nanaisin pa ng isang nanay na dagdagan ang leave dahil kinakailagan, maaari pang mag-file ng karagdagang…

Read More