Bahagi ng paghahanda sa implementasyon ng ASEAN e-CO (Ni JOEL O. AMONGO) Sumailalim sa pagsasanay ang mga tauhan ng Manila International Container Port (MICP) bilang paghahanda sa implementasyon ng ASEAN electronic-Certificate of Origin (e-CO). Kaalinsunod na rin ito ng inilabas na Customs Memorandum Order 15-2019 ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na nagtatakda ng mga alituntunin ukol sa operational procedures ukol sa pagpapatupad ng e-CO. Proyekto ito ng mga kasaping bansa sa Asya na kung sandaling maipapatupad na ito ay pinapayagan ang ASEAN countries na magiging mabilis at tama ang pagkakaloob…
Read MoreAuthor: admin
PAGBABAGONG-BIHIS NA INAASAM-ASAM
Nakakatuwang marinig na sa pagkapanalo ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang bagong alkalde ng Maynila ay nagkaroon ng pag-asa ang mga Manileño. Hindi kasi maitatanggi ang mga hindi kanais-nais na nararanasan ng mga lokal sa naturang lungsod na ang iba sa pangunahin nilang problema ay ang mga basura, lagay ng trapiko at pagbaha. Sa isang panayam sa bagong halal na alkalde ay tinatarget nito na sasailalim sa pagiging “bagong-bihis” ang Maynila. Kasama sa pagbabagong ito ay ang buhayin ang Arroceros Park. Aniya ay sisikapin niya at ng kanyang pamunuan na…
Read MorePAGBABAGO, SIGAW NG MGA FILIPINO
Hindi pa man opisyal na naidedeklara ang pagtatapos ng bilangan para sa katatapos lamang na botohan, malinaw na agad na ang sigaw pa rin at hangad ng mga Filipino ay pagbabago. Bunsod nito, maraming maituturing na “plot twist” sa resulta ng eleksyon sa ilang mga lugar sa bansa. Maraming political dynasty ang nagwakas. Maraming bagong personalidad ang nabigyan ng pagkakataong patunayan ang kanilang sarili sa larangan ng politika. Natapos na ang 50 taong pamumuno ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada bunsod ng pagkatalo n’ya kay Isko Domagoso Moreno na isa…
Read MoreESTRATEHIYANG PAMBANSA
(Unang bahagi) Kahit sino pa ‘yang mga naiupo natin ngayong nakaraang halalan, ipangalandakan nating mga mamamayan ang isang national strategy for survival. Kinakailangang sumabak na ang bansa sa manufacturing, technology at industrialized assembly production. Aminin na nating hindi sapat ang pag-export lamang ng mga raw materials at agricultural products na humahantong lamang sa taunang trade deficit. Ang mga malalaking kompanyang naglo-locate sa Pilipinas ay i-require ng tech transfer bago payagan dito. Ibaba nang husto ang percentage ng cash reserves ng mga bangko sa bansa, upang may maipahiram na kapital sa…
Read MoreFAKE NEWS…. FAKE NEWS…
Balitang nasa Cardinal Santos hospital si Pangulong Duterte at nasa critical condition ay gawa-gawa lang ng isang dating anchor ng isang TV station na nakabase sa QC. Ang katotohanan, ayon sa source ng Newsbreak Online na doktor mismo sa nasabing ospital, ay nagpa-checkup ang Pangulong Duterte isang araw matapos ang halalan, pero umuwi rin agad. “Gabi na noon nang nakasalubong ko si Digong na naglalakad at nalaman kong nagpa-checkup… pero makalipas ang ilang oras ay nakita kong pauwi na sjya at mga kasama,” pahayag ng doktor, na nagsabi pang “siguro…
Read MoreFASHION FORWARD: RAMPA SA PAGSUOT NG JEANS
(Ni ANN ESTERNON) Sino bang hindi nagsusuot ng maong na pantalon o jeans kung tawagin? Lalaki man o babae ay isinusuot ito kahit ano pa ang kanilang mga edad. Ngunit ang pagsuot nito ay hindi naman laging may maisuot ka lamang o pamporma lamang dahil malalim ang pagtingin sa kasuotang ito noong araw. HISTORY Ang kasaysayan ng jeans ay nagmula pa noong seventeenth century. At ayon sa pag-aaral nagmula pa ito sa mga lungsod ng Genoa sa Italy at Nîmes sa France. Ang salitang jeans ay halaw mula sa Genoa…
Read MoreMGA TAUHAN NG EMBAHADA SA KUWAIT, SIPAIN NA
Deployment ban nga ba ang solusyon para matigil na ang pang-aabuso sa mga HSW? Sa aking pananaw ay hindi lamang ito ang dapat na maging aksyon ng ating gobyerno. Sapagkat, naniniwala ako na ang korapsyon sa loob ng embhada ng Kuwait ay isa sa dahilan sa pagwawalang bahala at pang-aabuso ng mga Arabo sa dangal at dignidad ng ating kaawa-awang mga Household Service Workers. Subukin po ninyong magtanong sa ilang mga Kuwaiti kung bakit patuloy pa rin ang pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga kasambahay at magugulat kayo sa kanilang mga…
Read MoreDAPAT MAY MAKULONG AT MAPARUSAHAN SA VOTE BUYING
Natapos nang mapayapa at matagumpay sa pangkalahatan ang ginanap na midterm elections nitong Mayo 13, sa buong bansa, sa kabila, na inamin ng Commission on Elections (Comelec) na may kaunting kaguluhan at aberya ang katatapos na halalan. Katulad nang inaasahan, hindi pa rin nawala ang problema gaya ng pag-malfunction ng mga vote counting machines (961) at SD cards (1,665), problema sa transmission ng election returns (ER), at ilang kaguluhan, subalit, malaki pa rin ang ating pasasalamat sa Panginoon at sa mga awtoridad dahil hindi naging madugo ang eleksyon ngayon. Binabati…
Read MoreHAMON SA KALUSUGAN NG MGA INANG FILIPINO
Isa sa usaping hindi gaanong nabibigyan ng pansin ay ang kalusugan ng mga inang Pilipino, lalo na yung mga nasa mahihirap na komunidad. Hindi prayoridad ang kalusugan sa mga mahihirap na pamilya dahil nakatuon ang pagkita ng pera para sa pagpupuno ng mga batayang pangangailangan gaya ng pagkain at tirahan. Sa mga pamilyang maswerteng nakakapagbigay atensiyon sa kalusugan, una siyempre rito ang kapakanan ng mga anak o ama, at balewala na ang sa ina. Sa nakalipas na ilang taon, nakita ang pagtaas ng maternal mortality sa bansa. Umpisahan sa mga…
Read More