Dumagsa ang libu-libong manggagawa sa mainit na lansangan sa Maynila at sa mga sentrong lungsod sa mga probinsya noong Mayo uno, bitbit ang mga isyu na nagpapahirap sa mga manggagawang Filipino sa kasalukuyan: mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin, kontraktwalisasyon, pagbuwag ng mga unyon, hindi ligtas na mga pagawaan at opisina, at iba pa. Hindi sapat—at sa katunayan ay nakaiinsulto—ang baryang panukalang umento sa sahod na ibinabato ng Malacañang at ng mga regional wage boards. Hindi nito pahuhupain ang matinding galit ng mga manggagawang Filipino na isinasadlak sa kaalipinan…
Read MoreAuthor: admin
140 PORSYENTONG DAGDAG SA MINIMUM WAGE
Nitong nakaraang Lunes, o dalawang araw bago ang selebrasyon ng Araw ng Paggawa, naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng petisyon sa National Capital Region (NCR) wage board na humihingi ng karagdagang P710 sa minimum na arawang sahod na nagkakahalaga ng P537. Ito na marahil ang pinakamalaking dagdag-sahod na hiniling ng TUCP at maski ng ibang grupong obrero. Ibig sabihin ay magiging P1,247 ang daily minimum wage ng mga ordinaryong empleyado sakaling aprubahan ng NCR wage board ang panukala ng TUCP na itinuturing na pinakamalaking grupo ng…
Read MoreNATARANTA ANG POLO KUWAIT; SHASO INTERNATIONAL MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN
Tila nataranta ang ilang opisyales ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa aking naisulat na artikulo ukol sa paglalasingan ng ilang opisyal sa loob mismo ng kanilang opisina. Ilang tawag sa telepono ang aking natanggap na karamihan ay mga secretary at may-ari ng ahensya sa Pilipinas at sa Kuwait. Ilan sa kanila ay nagpapapadrino sa ilang opisyal at ang ilan ay nagpapatunay na alam nila ang nangyaring ito. Nagkita kami ni Department of Labor and Employment Undersecretary Claro Arrelano ng International Labor Affairs Bureau (ILAB) at napag-usapan namin ang sitwasyon…
Read MoreBALIK-KALIKASAN
Alam nating ‘di na maibabalik ang itsura ng mundo sa panahong marami pa tayong inaakyat na mga puno ‘pag bakasyon. Na ang ating meryenda ay pinitas na kaimito, chico, aratiles, duhat, siniguelas, bayabas, at iba pa sa ating bakuran. Na hindi swimming pool kundi mga batis o ilog ang palamigan kapag tag-init. Ngunit marami pa ring paraan para maipakilala at mailapit ang kalikasan sa mga batang henerasyon upang mas pahalagahan pa rin nila ito. Bagama’t maigi sana kung magawa, pero hindi natatapos sa pag-akyat ng bundok o hiking sa gubat…
Read MoreNASUSUNOD BA ANG ATING BUILDING CODE?
Nitong mga nakalipas na araw ay niyanig ng lindol ang iba’t ibang bahagi ng bansa. Dahil dito ay muli na namang lumabas ang isyu tungkol sa mga ipinapatupad na mga safety standards sa mga gusali. Kung ating titingnang mabuti ang ating umiiral na National Building Code of the Philippines, isa sa mga requirements sa pagpapatayo ng isang mataas na gusali ang pagkakaroon ng seismic recording and instrumentation machine. Sa pamamagitan ng makinang ito ay agarang magbibigay ito ng alarma kapag may naramdaman iyong pag-uga ng lupa depende sa lakas nito.…
Read MoreDUTERTE, SISIKAPING TULDUKAN ANG “ENDO”
Pagsisikapan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na matuldukan ang problema sa “Endo” (End of Contract) ng mga ordinaryong manggagawa bago matapos ang kanyang termino sa taong 2022. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inoobliga na ng pamahalaan ang mga kompanya na gawin nang regular ang kanilang mga empleyado. Gayunman, sinabi ng naturang kalihim na hindi pa rin maiiwasan ang seasonal contract ng mga manggagawa, tulad na lamang tuwing magpapasko at pagbubukas ng klase. Sa ngayon, ipinagmamalaki ni Bello na kalahating milyong manggagawa na ang naregular mula nang lagdaan…
Read More15 LUGAR NASA DELIKADONG ANTAS NG HEAT INDEX
Labinglimang lugar sa bansa ang nakapagtala ng delikadong antas ng heat index kahapon, Apr. 30. Ayon sa PAGASA, ang Dagupan City sa Pangasinan muli ang nakapagtala ng may pinakamataas na heat index na umabot sa 44.6 degrees Celsius. Ang iba pang lugar na mayroong dangerous level ng heat index ay ang mga sumusunod: Infanta, Quezon – 44.2 degrees Celsius Roxas City, Capiz – 43.9 degrees Celsius Ambulong, Batangas – 43.7 degrees Celsius Casiguran Aurora – 43.7 degrees Celsius Catbalogan, Western Samar – 42.8 degrees Celsius Maasin, Southern Leyte –…
Read MorePAGKAKAROON NG MARAMI PANG OFWs IKINALUNGKOT NI DU30
(Ni CHRISTIAN DALE) Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Labor Day at ikinalungkot niya ang patuloy na pagdami ng OFW sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ipinalabas na kalatas ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na patuloy na gagawin ng pamahalaan ang makakaya nito para matuldukan ang illegal contracting. Patuloy siyang umaasa na may babalangkasing batas ang kanyang mga kaalyado sa kongreso para pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa partikular na ang may kaugnayan sa kanilang security of tenure. Kinilala naman ng pangulo ang malaking sakripisyo ng…
Read MoreNCRPO: LABOR DAY PROTESTS MAHAHALUAN NG POLITIKA
Ngayong labor day ay inaasahan ni NCRPO chief, Police Major General Guillermo Eleazar na magiging iba ang mga kilos protesta dahil sa malapit na ang Eleksyon. Ayon kay Eleazar, hindi maiiwasang mahaluan ng politika ang programa sa protesta lalo pa’t may mga kandidato ang mga party-list group na nakikilahok sa mga pagkilos. Maaga pa’y binilinan na niya ang kapulisan na gawin ang kanilang trabaho at tiyaking matiwasay ang mga kilos protesta. Target ng NCRPO na maging maayos at payapa ang lahat ng pagkilos ngayong Araw ng Paggawa at nakabase ang…
Read More