Dagsa ang pagdating ng mga banyagang doktor sa Pilipinas ngayon na inirereklamo at nakarating sa kaalaman ni Senador Richard Gordon. Kung ang talagang intensyon ay makatulong sa mga maysakit, dapat ay maging malinis ang kanilang serbisyo dahil naturingang mga doktor pa naman sila at dapat nga ay mas maayos ang galaw nila dahil wala sila sa kanilang mga sariling bansa. Ang isyu kasi ay dahil sa marami ang nakikitang Nepalese at Pakistani sa isang lokal na lugar ay kuwestiyonable ang mga ito kung may permiso ba silang legal na manatili…
Read MoreAuthor: admin
MUNDO MAY IMPEKSYON
May impeksyon ang sangkamunduhan na kumikitil sa mabuti at maganda. Ito ay terorismo. Ang terorismo ay bunga ng pagmamahal ng tao sa kapangyarihan upang makapangyari at ito ay sumusunod sa kumpas ng pagkagumon. Kung hindi uso ang kapangyarihan, walang terorismo. Kung hindi uso ang kayamanan, walang maghahangad ng kapangyarihan. Ang nangyari sa Sri Lanka ay kahayagan ng impeksyon sa ating sibilisasyon, marami ang kikitil ng buhay ng mga inosente dahil sa binaluktot na paniniwala. Nagtatago ang pagkagumon sa kapangyarihan sa likod ng serbisyo publiko at relihiyon. Nakatago ang pagkagumon sa…
Read MoreSIMBAHAN, PETROLYO AT SUWELDO
Sino bang dapat sisihin sa nangyaring bangayan sa loob ng simbahan sa Makati City, ang mga Binay o ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting? Bakit pinahintulutan nilang maging arena ang simbahan ng Katoliko? Catholic Bishop Conference of the Philippines anong say n’yo? Nganga? oOo Sa patuloy namang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa sino nga ba ang dapat managot, ang gobyerno o ang mga mapagsamantalang mga negosyante? Kailangan pa ba na si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin uli ang magmando upang maisaayos ang tila wala nang katapusang pagsirit…
Read MoreTB DAPAT SOLUSYUNAN NG PAMAHALAAN
Nakakagulat at nakakalungkot ang balitang pasok ang Pilipinas sa Top 8 ng mga bansang laganap ang sakit na tuberculosis o TB sa buong mundo. Ito ay nasa talaan ng World Health Organization na nakita sa taong 2017 – nahahanay tayo sa mahihirap na mga bansa ring tulad ng South Africa. Sa pag-aaral, sa 100,000 katao ay may 500 sa mga ito ang may tuberculosis. At sa pagtataya lamang, sa 500 na ito ay kalahati lamang sa mga ito ang nagagamot. Eh ano ba ang populasyon ng Pilipinas ngayon? Ibig sabihin…
Read MorePALAGING PERSONAL ANG POLITIKA
May kasabihan sa larangan ng politika na “politics is always local” na ang ibig sabihin ay mas mahalaga para sa mga politiko sa nasyunal ang lokal na posisyon dahil ito ang nagsisilbing base o balwarte nila sa magulong mundo ng politika. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay matagal nang lokal na opisyal bilang mayor, vice mayor at kongresista ng Davao City na naging tuntungan niya para maging presidente ng Republika. Pero bagama’t palaging lokal mag-isip ang mga politiko, hindi maikakaila na palaging personal din ang politika na ang ibig sabihin…
Read MoreP750 NATIONAL MINIMUM WAGE, IPAGLABAN!
Papalapit na ang Mayo Uno o Labor Day, at sa okasyong ito ay pinatitingkad natin ang panawagan na “Itaas ang sahod!” Habang walang tigil ang pagtaas ng presyo at ng mga bayarin, kailangang magkaroon ng malakihan at across-the-board increase sa sahod at sweldo sa buong bansa. Una, kailangan na wakasan na ang deka-dekadang pagpapaubaya sa mga regional wage boards na diktahan ang minimum wage. Katunayan, dapat nang buwagin ang mga regional wage boards! Noong 1989, ipinaubaya ng Kongreso sa mga regional wage boards na diktahan ang minimum wage sa kanilang…
Read MoreBAY BROTHERS SURF ‘N TURF
Ang resto bar na “Kumpletos Rekados” Hindi lang gimikan, pampamilya pa! Ito ang Bay Brothers Surf and Turf Resto Bar na matatagpuan sa Bldg. D, Unit 1-6 SM MOA by the Bay, Seaside Blvd., Pasay City. Talaga nga namang wala nang hahanapin pa maging ang mga grupo na gustong gumimik, empleyado man ng mga kompanya, mga estudyante, professionals, kasal, birthday celebrations at pampamilya pa. Pagkagaling sa Mall of Asia (MOA) ng mga tao na nasa harapan lang nito tuloy na agad sa Bay Brothers Surf ‘N Turf Resto Bar. Lahat…
Read MorePAANO NATIN AAMUIN ANG INANG KALIKASAN?
(Ikalawang Bahagi) Naturan sa unang bahagi ng artikulong ito ang tungkol sa alienation bilang isang dahilan ng pagkawala na ng koneksyon ng tao at ng Inang Kalikasan. Ang pagkaputol na ito ng ugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ang planetang kumukupkop sa kanya ang isa sa mga nakikitang salik sa pagkawala ng pagpapahalaga sa kalikasan. Parang sa ugnayan din ng mga tao, mahirap amuin ang isang tao na hindi mo gaanong minamahal. Mahirap ding mahalin ang isang tao na hindi mo naman kilala. Mainam na makilala muna ang isang bagay…
Read MoreTUNAY NA SUPERHERO SA GITNA NG KALAMIDAD
Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa mga superhero dahil sa pelikulang Avengers: Endgame. Napakaraming nag-abang at nagplanong manood ng pelikulang ito kahit na abot ng tatlong oras sa haba dahil ito na raw ang huling bahagi ng series ng pelikula tungkol sa Marvel Superheroes. Ngunit ang tunay na dapat na bida ay ang tunay na mga superhero sa ating bansa na piniling magsilbi sa bayan sa panahon ng kalamidad gaya ng nangyaring malakas na lindol kamakailan. Tinamaan ang Luzon ng magnitude 6.1 na lindol. Nagsipaggalawan ang mga nagtataasang mga…
Read More