ISYU NG ‘CASE FOR SALE’

BANTAY OFW

Matapos na aking mailathala ang dalawang parte ng aking artikulo, ay nagsunud-sunod naman ang pagpasok ng mga impormasyon ukol sa nagaganap umano na katiwalian sa ating Philippine Embassy sa Kuwait. Ngunit bago ko ilathala ang mga bagong kaganapan sa Philippine Embassy sa Kuwait, hayaan ninyong balikan muna natin ang mga nakaraang pangyayari na may kinalaman sa klase ng “serbisyo pangkabuhayan” ng Assistance To National Unit (ATNU). Noong Oktubre 12, 2018 ay nakatanggap ako ng isang sumbong mula sa isang distressed workers na nasa shelter ng Philippine Overseas Labor Office. Ipinadala niya ang…

Read More

PAGNINILAY PARA SA MAS MAUNLAD NA PILIPINAS

SA GANANG AKIN

Nagdaan ang Mahal na Araw at mahaba rin ang naging bakasyon ng karamihan. Walang pasok mula noong Huwebes Santo kaya’t malamang nakarami ng pahinga ang karamihan. Nawa’y ang oras na ito ay nagamit ng maayos kasama ang pamilya ng bawat isa. Sana’y nagamit din ito ng maayos ng mga namumuno sa ating bansa upang mapag-isipan at mapagnilay-nilayan ang mga maaaring maging solusyon sa napakaraming problemang hinaharap ng ating bansa sa ngayon. Samu’t saring problema sa transportasyon, supply ng kuryente at ng tubig, presyo ng mga bilihin, at kung anu-ano pa…

Read More

NANG MAG-ALBURUTO SI INANG KALIKASAN

Psychtalk

Paano ba natin nasabing nag-aalburuto na ang Inang Kalikasan? ‘Di nga ba likas lang na bahagi ito ng kanyang pagi­ging kalikasan? Oo, bilang kalikasan, may natural itong pagbabago o transpormasyon, bilang isang buhay na organismo. May panahon ng pagkabuhay, pagkasira, pagkamatay, at muling pagsilang. ‘Yan ang natural na daloy sa mundo. Gayunpaman, ayon sa mga pag-aaral, ay sobrang abnormal ang mga nasasaksihan natin sa ating panahon na mga pag-aalburuto ng kalikasan. Ito ay mga tinatawag na­ting mga sakuna o disaster. Nagkakaisa ang mga eksperto na ang proportion at katangian ng…

Read More

PARALELISMO NG KALIKASAN AT KABABAIHAN 

Psychtalk

(IKALAWANG BAHAGI) Maliban sa pagiging parehong duyan ng buhay, kalinga at pagmamahal, mayroon pang ibang mukha ang ugnayan at paralelismo ng babae at Inang Kalikasan. Mayroong madilim at masaklap ang anyo ng pagkakapareho na ito. Kung gaano man kalapit ang dating ugnayan ng babae at kalikasan, siya naman kalayo na ang naging agwat ng kalikasan sa mga tao sa pangkalahatan. Ito ay nagsimula noong nagbago ang pananaw ng tao (na ang tinutukoy ay lalaki) sa mismong babae at kalikasan. Dati tinitingnan natin ang kalikasan bilang isang buhay din na organismo…

Read More

ANOMALYA SA LEGAL ASSISTANCE FUND NG EMBAHADA SA KUWAIT (PART 2)

BANTAY OFW

Hindi na ako nagulat sa sumbong na ito ng ating mga kaibigan sa FILCOM at sa secreta­ries ng ahensya dahil ako mismo ay may personal na natunghayan sa mga anomalya ng mga taga-Philippine Embassy sa Kuwait. Ito ay nagmula noong nagdeklara ng deployment ban ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nang dahil sa deployment ban ay nagtungo ang i­lang opisyales ng Department of Foreign Affairs (DFA) para magbigay ng assistance para sa mga uuwi ng Pilipinas. Ilan sa mga opisyales ng DFA ay gumawa pa ng isang video nang pagre-rescue na alam naman nilang…

Read More

DAPAT AY MAGNILAY-NILAY SI ANDAYA

BAGWIS

Elib din talaga ako kay Camarines Sur Rolando Andaya. Hanggang sa huli ay may pagpipilit pa rin ito sa 2019 national budget. Matapos i-veto ni Pa­ngulong Duterte ang mga insertions nitong grupo ni Andaya ay may panga­ngatwiran pa ito. Gusto pa niyang magbigay ng detalye ang pangulo sa mga binurang mga alokasyon sa budget na may insertions si Andaya at naisantabi ang natapos nang budget sa ilalim ng pamumuno noon ni dating House Appropriations Chair at ngayo’y Cabinet Secretary Karlo Nograles. Mukhang may paglabag sa Saligang Batas ang ginawang amendment…

Read More

SINO ANG TAGA-KUMPAS?

FOR THE FLAG

Nagkakaisa ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Na­ngunguna ang Rappler, sinusundan ng PCIJ, inaayudahan ng ilang babasahing magasin at dyaryo, at pipitikin ng ilang news program sa telebisyon. Nagkukunwaring balita ang mga tirada. Sa biglang tingin ay mapapaniwala ang sinuman. Ngunit kapag ina­nalisa mo na ay lumalabas na nit-picking lamang ang mga pag-atake, paghaha­nap ng butas sa administras­yon. Bakit hinahanap ang butas samantalang nakabalandra naman ang mga nagagawa ng administrasyon? Kapag ganyan na ang usapan, mapapaisip ka, sino ang kumukumpas? Sino ang nasa likod ng mga pantira at…

Read More

POLO AT EMBAHADA SA KUWAIT NAGBABANGAYAN DAHIL SA PERA? (PART 1)

BANTAY OFW

Dahil ang Kuwait ay napakalayo sa ating bansa, kung kaya halos hindi natin nababalitaan ang mga kaganapan dun, maliban na lamang sa mga lumalabas sa social media. Kamakailan ay ipinarating sa atin ng ilang mga kaibigan sa Filipino community at pati na rin ng mga nasa industriya ng recruitment ang mga kaganapan sa Philippine Embassy sa Kuwait at sa Philippine Overseas Labor Office (POLO). Wala tayong kamalay-malay dito sa Pilipinas na nagkakagulo na pala at nag-aaway ang ating mga “Honorable” officials doon dahil diumano sa kitaan ng kanilang raket. Ayon…

Read More

NASA BALAG TALAGA TAYO NG ALANGANIN

SA TOTOO LANG

Nasa balag ng alanganin ang ating pamahalaan sa i­syung nauungkat muli ngayon. Ito ang isyung kinapapalooban ng bansang China at Pilipinas at kung mayroon mang dapat maging maingat ay tayo iyon. May protesta kasi tayo sa China sa panghihimasok nito sa West Philippine Sea pero tila ayaw nila itong pagtuunan ng pansin. Namamaliit lamang tayo. Kamakailan kasi ay dumaing ang ating mga mangingis-dang Filipino sa nasaksihan nilang mga sirang bahura o corals sa Scarborough Shoal na siyang sakop ng exclusive economic zone ng ating bansa. Dahil dito, nakikitang isang paraan…

Read More