MAHIGIT P60-M UTANG SA SBMA

TINGNAN NATIN

KAHIT manipis ang laman, hindi malinaw ang source, at hindi beripikado, pinasabog ng Malacañang sa pamamagitan ng Manila Times ang “Matrix” na anila’y bahagi ng “Oust-Duterte Plot.” Tingnan Natin: ang Manila Times ay pag-aari ni Dante Ang na umano’y PR Man ng Malacañang kaya “suspect” ang laman. Huwag na natin kantiin ang ibang aspeto ng “Matrix” ni Pangulong Duterte at spokesman Salvador Panelo, isa lang muna ang gusto nating iklaro. Pinasasara ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang Manila Times College, eskuwelahang negosyo ni Ang sa Subic Freeport, na umookupa…

Read More

PAANO NATIN AAMUIN ANG INANG KALIKASAN?

Psychtalk

(Unang Bahagi) Ayon sa mga pag-aaral, medyo mahirap pero ‘di pa naman huli para amuin o patahanin natin ang nag-aalburutong Inang Kalikasan. Kung hindi lang sarili natin ang ating iisipin at pagtutuunan natin ang kapakanan ng mga darating na henerasyon, makikita natin na kailangang may dapat gawin. At may magagawa pa. Mahirap sa umpisa, baka suntok sa hangin din sa tingin ng iba. Puwede rin namang sakyan na lang ang pananaw ng ilan—wala nang magagawa kundi adaptation na lang. Narinig ko ito mula sa mga naniniwalang irreversible na ang mga…

Read More

SALAULA TAYONG MGA PINOY (PART 1)

BAGWIS

Nitong nakaraan na holiday ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapamasyal sa mga sikat na pasyalan sa ating bansa. Pinuntahan natin ang napakagandang bayan ng Banaue at ang mabundok na bayan ng Sagada. Nakapunta rin tayo sa isla ng Bantayan na halos wala nang matuluyang hotel dahil sa dagsa ng mga namamasyal na mga turista. Sa ating ginawang paglalakbay, dito ko napagtanto na napakarami pa rin talaga sa ating mga kababayan ang salaula at sadyang walang modo. Ang mas masaklap ay mukha namang may mga pinag-aralan ang mga ito at…

Read More

OFW BUGBOG SARADO SA EMPLOYER AT TINATAKOT PA NG TAUHAN NG AHENSYA

BANTAY OFW

Dahil sa tatlong parte ng aking expose sa ano­malya sa ating embahada sa Kuwait, ay nabinbin ang mga kaso o sumbong na inilapit sa atin. Kung kaya, imbes na ang u­sapin sa anomalya sa Special Power of Attorney ang ating tatalakayin, ay bibigyan muna natin ng puwang ang inyong mga sumbong. Ngunit bago natin simulan ang mga panawagan ay ibig ko po na magpasalamat kay Welfare Officers Yolanda Peñaranda na nakipag-ugnayan sa ating masisipag na Welfare Officers sa Riyadh Saudi Arabia sa kanilang mabilis na pag-asikaso sa ating apat na…

Read More

ANG TAKOT SA DIYOS

FOR THE FLAG

Nakapanlulumo ang naganap sa Sri Lanka. Higit 300 namatay dahil sa maling paniniwala ng iilan. May solusyong panlaban sa ideyolohiyang pilit ipinapalaga­nap ng mga terorista: ang takot sa Diyos. Ang isang bansang walang takot sa Diyos ay nahaharap sa kapanglawan. Anumang talino ay hindi matatawag na kata­linuhan bagkus ay pawang kapalaluan lamang kung hindi nag-uugat sa takot sa Diyos. Lubhang napakahalagang pag-aralan ang takot sa Diyos dahil dito umuusbong ang totoong kata­linuhan at kaalaman. Napakaraming batas ng Pilipinas at patuloy na lumilikha pa tayo ng napakarami pang batas ngunit paulit-ulit…

Read More

AMBISYON NAKAKASIRA  NG REPUTASYON

PRO HAC VICE

Marami sa mga nag­hahangad ng kapangyarihan na nawawala na ang tinatawag na delikadeza makuha lamang ang inaasam na kapangyarihan o tungkulin. Likas na ba talaga sa bawat nag-aambisyon ng tungkulin ang kinakain na ang kahihiyan? Sa ilan sa mga politiko na kahit mayroong kinakaharap na mga kaso ay patuloy pa rin sa pagtakbo at panghihikayat para lamang makuhang muli ang inaasam na tungkulin. Maging sa hudikatura ay mayroon ding ganitong sitwasyon. Gaya sa kaso ng isa sa mga miyembro ng Judicial and Bar Council na nag-a-apply upang ma­ging isa sa…

Read More

IMBESTIGAHAN ANG PANUKALANG PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE DAHIL SA ‘MISSIONARY CHARGES’

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Tataas ang singil sa kuryente ng P1.89 per kilowatt hour, sa tulak na rin ng National Power Corporation o Napocor. Dahil umano ito sa pagtaas ng subsidyo para sa ‘missionary charges.’ Kaya naman, pinapanawagan ng Bayan Muna na dinggin na ang inihain nitong House Resolution 2287 sa Kamara, na pinaiimbestigahan ang pagtaas na ito na lubhang kwestiyonable. Ang missionary charges ay idinadagdag sa bayarin ng lahat ng konsumer para umano sa elektripikasyon ng mga liblib na mga lugar. Ngunit, imbes na lumiit ito habang lumilipas ang mga taon at lumalawak…

Read More

BAWAL NA ANG PROVINCIAL BUSES SA EDSA

SIDEBAR

Ilang administrasyon na rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagdaan at palaging nagkakaroon ng patakaran na pagbabawal ng mga provincial buses na bumiyahe sa EDSA pero madalas na ningas cogon lang o sa simula lang ang ganitong polisiya at pagkatapos ay balik din sa dati. Lumalakas tuloy ang duda na malakas mag-lobby ang mga operator ng provincial buses kung saan ilang kilalang pulitiko sa Norte ang mga nagma-mayari ng mga malalaking terminal ng bus sa EDSA. Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino, sinikap ipagbawal ang mga provincial…

Read More

PRESYO NG ASUKAL TUMATAAS DAHIL SA CARTEL

USAPANG KABUHAYAN

Nagtataka ang dalawang opisyal ng Sugar Regulatory Authority (SRA) dahil tumataas ang presyo ng asukal sa mga palengke at supermarket kahit na sapat ang supply ng asukal sa bansa. At base sa kanilang imbestigasyon, nakita nilang hindi naman nagbabago ang presyo ng asukal na ibinebenta ng mga sugar mills sa mga traders na nagre-repack ng mga asukal para sa merkado. Ayon kay Dino Yulo at Roland Beltran na mga miyembro ng SRA Board, lumagpas na sa P60 na limit kada kilo ang presyo ng asukal sa palengke at mga supermarket…

Read More