Kabuteng nagsulputan sa lansangan ang mga batong may #24 Patuloy sa pagkabig ng suporta si dating Philippine National Police (PNP) director general at kandidatong senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Naging “evident” ang pagdami ng suporta dahil halos mabalot na ng bato na may #24, na siyang numero ni Dela Rosa sa balota, ang mga pangunahing lansangan sa bansa, partikular sa Metro Manila hanggang sa mga lalawigan ng Visayas at Mindanao. Napag-alaman na ang mga bato ay nakahilera sa mga pangunahing lansangan ng mga matataong lugar tulad ng Commonwealth at Quezon…
Read MoreAuthor: admin
PALAYAIN SINA JOHN ARLEGUI AT REYNALDO REMIAS, JR!
MARIING pinapanawagan ng Bayan Muna ang kagyat na pagbabasura sa mga gawa-gawang kaso at pagpapalaya kina John Griefen Arlegui, 20, at Reynaldo Remias Jr., 24, na dinukot ng mga hinihinalang ahente ng estado habang nangangampanya para sa Bayan Muna at kay Neri Colmenares sa Angat, Bulacan. Inilitaw sila sa CIDG-Malolos matapos ang dalawang araw, at kinasuhan sila ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act. Ayon sa mga saksi, ang dalawa ay pilit na ipinasok sa loob ng pulang kotse na walang plaka ng mga…
Read MoreMAGING MALINIS SA KAPALIGIRAN SA GITNA NG BAKASYON
KALIWA’T kanan ngayon ang mga biyahero at mga biyahera. Laking pasasalamat din ng marami dahil sa Semana Santa ay marami ang makakapagbakasyon at magkakaroon ng bonding na tinatawag para sa taong malalapit sa atin. Ngayong panahon ng bakasyon at kahit pa matapos ang Semana Santa ay sana hindi makalimot ang marami sa atin sa kanilang mga responsibilidad lalo na para sa Inang Kalikasan. Sigurado tayo na sa ganitong panahon ay mas marami ang magpupunta sa dagat o saan mang uri ng pwedeng paliguan para maging masaya kasama ang pamilya, mga…
Read MorePEKENG KRISIS SA TUBIG
GALIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayayaman na mga water concessionaires na kanyang sinisisi sa pekeng krisis sa tubig sa anyo ng manipulasyon sa mga balita hinggil sa umiiral na kakulangan sa supply ng tubig. Inihayag ito ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bukidnon kamakailan kung saan niya sinabi na wala talagang umiiral na krisis sa tubig at ang nararanasang “water shortage” ay bilang pagkondisyon sa isipan ng mamamayan na kailangang magtaas ng presyo ng tubig kapalit ng magandang serbisyo. Ito ang sabi ng pangulo: “They didn’t…
Read MoreSAINT ROSALIA RECRUITMENT AGENCY NA NAMAN, POEA TINATAWAGAN NG PANSIN
Kamakailan ay nailathala ko na sa aking kolum ang isang panawagan mula sa HSW o household service worker sa Abha, Saudi Arabia na itinago ko sa pangalan na A. Guinto na deployed ng Saint Rosalia Recruitment Agency. Ito ay ang sumbong na siya ay minomolestiya ng kapatid ng kanyang employer. Si A. Guinto ay nakailang beses na nagpalipat-lipat ng employer at sa ikatlong employer niya naranasan ang pagmomolestiya, kung kaya siya ay humingi ng saklolo upang mailigtas siya at makauwi na lamang sa Pilipinas. Dahil sa aking panawagan ay nakuha…
Read MoreANG PAG-UNLAD NG BAYAN NG ATIMONAN
Itong mga nagdaang araw ay naging mahirap para sa mga consumers ng kuryente. Noong Biyernes ay nagkaroon ng tigtatlong oras na rotating brownouts sa sakop na franchise area ng Meralco. Ayon sa mga ulat maging ang mga probinsiya na sakop naman ng mga electric cooperatives ay dumanas din ng mga power outage. Kailangan na ng Luzon grid ng karagdagang supply. Mismong ang kagawaran ng enerhiya o Department of Energy (DOE) na ang nagpahayag nito. Malaki sana ang maitutulong ng planta ng kuryente na nakatakdang itayo ng Atimonan One Energy (A1E)…
Read MorePARALELISMO NG KALIKASAN AT KABABAIHAN
(Unang bahagi) Sa mas naunang artikulo, bahagyang nabanggit ang pagkakaroon ng sinasabing paralelismo ng kalikasan at kababaihan. Tandaan na ang salitang kalikasan o Inang Kalikasan ay madalas ding gamitin bilang alternatibong katawagan sa ating mundo o planeta Pinapalagay na maraming katangian ang kalikasan na kawangis ng sa babae kaya’t binigyan ito ng katawagang nabanggit. Sa sinapupunan ng babae literal na nabubuo ang buhay. Sa kandungan at kandili niya lalong umuusbong habang inaalagaan ng pagmamahal ang buhay. Sa kalinga at paglingap ng isang babae lumalakas at namumunga ang mga puwersang tagapagtaguyod…
Read MoreHINDI KASALANAN NG MGA AMERIKANO
NAGLIPANA ngayon ang mga Amerikano sa Subic Bay Freeport (maling sabi ng marami SBMA) dala ng Balikatan, ang magkasanib na military exercises ng Sandahang Lakas ng Pilipinas at Estados Unidos. Dito kasi sa Subic ang daungan ng mga barkong pandigma ng Amerika na may mga fighter jets at iba pang gamit militar para sa pagsasanay. Maraming implikasyon ang Balikatan, mula seguridad, kapwa local at international, pang-ekonomiya, hanggang moralidad. Tingnan natin: nahahasa ang kaalaman at kakayahan ng ating mga sundalo at nalalantad pa sa mga gamit ng mga Amerikano kahit na…
Read MoreKAILAN PA KAYA MAAAPRUBAHAN ANG 2019 NATIONAL BUDGET?
Kalagitnaan na ng Abril subalit wala pa ring katiyakan ang sambayanang Filipino kung kailan mapagtitibay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trilyon national budget bill para sa taong 2019 at kasabay nito’y apektado rin ang kabuuang operasyon ng gobyerno. Nitong Huwebes, nabuhayan na ng loob ang mga mamamayan partikular ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno nang inihayag ng Malacañang na inaasahang lalagdaan na ng Pangulo ang panukalang budget sa darating na April 15, araw ng Lunes. Subalit, nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador…
Read More