MAYOR BALDO NANAWAGAN KAY DIGONG

FOR THE FLAG

Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Daraga Albay Mayor Carlowyn Baldo ng tulong makaraang makatanggap ng mga seryosong banta sa kanyang buhay kaugnay ng diumano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Ako-Bikol Congressman Rodel Batocabe. Nagpanukala ang alkalde ng Daraga Albay na rito na lamang sa Maynila isagawa ang paglilitis at hindi sa Legazpi bunga diumano ng mga seryosong bantang ito sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya. Mas malaki aniya ang tsansa na makamit ng mayor ang hustisya kung isasagawa sa Maynila ang paglilitis upang tuluyang mabatid ng taumbayan…

Read More

MALIBAN SA SURVEY,  MAGSARILING PAGSALIKSIK DIN

SA TOTOO LANG

Sa nalalapit na May 13 midterm elections ano nga bang klaseng paghahanda mayroon ang mga Filipino para rito? May mga listahan na ba tayo sa mga dapat na iupong mga kandidato para maglingkod sa bayan at sa mamamayan? Ilang araw na lamang ang ating bibilangin para tayo ay makaboto, kaya dapat ay maging handa tayo bago ang mismong halalan. Panay-panay na ngayon ang mga ulat tungkol sa mga survey kung sino ang mga nangungunang mga kandidato sa pagkasenador. At ayon sa mga pag-aaral ng mga political analysts ang survey ay…

Read More

ISYU SA PAG-IISYU NG VISA

BAGWIS

Kapansin-pansin na talaga ngayon ang pagdami ng mga Mainland Chinese sa ating bansa. Kapag napadpad ka sa Parañaque, tiyak na makakasalamuha mo ang napakaraming mga Chinese. Maging sa mga office buildings lalung-lalo na sa bandang Macapagal Avenue ay sangkaterba ang mga Chinese. Halos okupado rin ng mga Chinese ang mga condominium sa gawing ito ng Metro Manila at tila nasa bansang China ka na kapag nagagawi ka rito. Sa totoo lang, wala naman sanang isyu rito at bagkus ay dapat nga tayong magpasalamat dahil dinarayo tayo ng mga dayuhan. Ibig…

Read More

REPLEVIN, ISASAMPA SA PINAGTIWALAAN SA LUPA

Misyon Aksyon

Sagot kay Ginang Vic Munoz Muit sa nakaraang kolum na “Lupa na pinamana nawalang parang bula” noong April 6, sa Misyon Aksyon sa Saksi’. Nagsadya po ang Mis­yon Aksyon team para alamin sa bayan ng Ragay ang kalagayan ng kanilang lupang nabili sa kaniyang lola na si Claudia Ibasco. Una ay sinadya po natin ang tanggapan ng Municipal Assessor ng Ragay Camarines Sur para kumuha kung mayroon ngang pag-aari si Ibasco kaya kumuha tayo ng Certificate of Total Aggregate Land Holdings. Agad tayong gumawa ng sulat na mabigyan ng ating…

Read More

TATAAS NA NAMAN ANG SINGIL SA KURYENTE!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nagbabadya na naman ang mas mataas na si­ngil sa kuryente ngayong buwan dahil sa tinatawag nilang “Yellow Alert” na anim na ulit nang idineklara sa loob lamang ng buwan ng Abril. Dapat talagang maging listo ang mga consumer tuwing naglalabas ng babalang Yellow Alert ang Meralco dahil sa kadalasan ay hudyat ito na itataas ang singil ng kuryente dahil umano sa pagbaba ng supply. Ang ginagawa ng ibang mga power players ay iuulat na sabay-sabay nasisira ang mga planta ng kuryente para sa pagtataas nila ng presyo. Noong 2013, naghain…

Read More

ESTRATEHIKONG PROGRAMA SA MGA ATLETANG PINOY

SIDEBAR

Pilipinas ang host country ng 30th Southeast Asian Games na magaga­nap sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa may 39 na game venue sa Subic Freeport, New Clark City, Tagaytay at Metro Manila. Huling nag-host ng SEA Games ang Pilipinas noong 2005 at sa 2019 SEAG ay 56 na sports at 523 events kung saan inaasahang hahakot ng mga medalyang  ginto ang mga atletang Filipino para muling makuha ang pagiging Top 3 sa medal tally. Philippine Sports Commission ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nag-aalaga sa mga manlalarong Filipino at…

Read More

KORAPSYON TALAMAK PA RIN

FOR THE FLAG

Bakit kahit sino na yata ang iupo sa pamahalaan ay nananatiling laganap, paminsan ay mas malala pa ang korapsyon? Nawawala ang integridad ng isang administrasyon kapag talamak ang korapsyon dito. Katulad na lamang sa nakaraang administrasyon kaya naman wala silang maipagmalaki para sana maiangat ang mga kandidato nito sa pagka-senador. Nawalan kasi ng integridad. Sa ngayon ay laganap pa rin ang korapsyon ngunit nanatiling popular si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil nakikita naman ng lahat ang kanyang pagiging seryoso laban sa korapsyon na mismong kaibigan at mga malaki ang naitulong…

Read More

NAGBABAYAD BA NG TAX ANG SAMGYUPSALAMAT AT ROMANTIC BABOY?

BAGWIS

Usung-uso ngayon ang mga unlimited na chibug sa mga Korean barbeque restaurants at ilan sa mga dinadagsa ay itong Samgyupsalamat at Romantic Baboy. Maaga pa lang ay dagsa na ang mga tao sa mga iba’t ibang branch ng mga restaurant na ito dahil kung malakas kang lumamon ay sulit na sulit ang bayad mong wala pang P500 kada tao. Bagong konsepto pa lang sa Pinas itong mga sam­gyupsal restaurant. Nauso lang ito dahil na rin sa dami ng mga Koreano ngayon na piniling manirahan dito sa Pilipinas. Ayon na rin…

Read More

MULA KABABAIHAN TUNGO SA INANG KALIKASAN

Psychtalk

Tapos na ang Marso at narito na tayo sa buwan ng Abril. Bagama’t patuloy pa rin ang sagitsit ng tag-araw at tagaktak ng pawis ng karamihan sa atin, nagbibigay naman ng pag-asa ang bagong buwan bilang panahon ng tagsibol sa maraming bahagi ng mundo. Ito ay nagpapahiwatig ng bagong pag-asa, pamumulaklak at pagbunga. Ibig kong sabihin, mula sa buwan ng kababaihan ay tumuon naman tayo sa pag-akap sa buwan na nakatalaga para sa Inang Kalikasan. Sa partikular, nakatakdang ipagdiwang kada Abril 22 ang “International Earth Day.’ Maaalala natin na unang…

Read More