KASO NG DENGVAXIA KAMAMATAYAN NA NG MGA COMPLAINANT BAGO MADESISYUNAN NG KORTE?

PRO HAC VICE

Iyan ang pinangangambahan ng Public Attorneys Office. Paliwanag ni PAO chief Persida Rueda-Acosta na kung itutuloy ng Department of Justice na ihahain sa iba’t ibang korte sa bansa ang reklamo laban kina da¬ting Department of Health Secretary Janet Garin et al, ay posibleng patay na umano ang mga complainant ay hindi pa tapos na dinggin ng korte ang kaso sa dahilang sobrang dami ng mga reklamo mula sa pamilya ng mga batang biktima na naturukan ng Dengavax-ia vaccine sa iba’t ibang panig ng bansa. Apela ni Acosta sa DOJ dapat…

Read More

FIRE PREVENTION MONTH

SIDEBAR

MAGTATAPOS na ang buwan ng Marso kung kailan ginugunita ang Fire Prevention Month at gaya ng mga nakalipas na Marso ay parating tumataas ang insidente ng sunog sa pagsisimula ng nasabing buwan. Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit tuwing Marso ginaganap ang Fire Prevention Month at ang simpleng sagot dito ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay ito ang simula ng buwan ng tag-init kung kailan marami ang guma­gamit ng bentilador at iba pang appliances na nagbibigay ng lamig. Isinabatas ang Fire Prevention Month sa pamamagitan ng Proclamation Number 115-A…

Read More

LUMALALA ANG ATAKE SA MGA PROGRESIBONG KANDIDATO NGAYONG HALALAN

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

NITONG nakaraang Huwe­bes ay nagpahayag si Pangulong Duterte ng ‘terminasyon’ sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Para sa mga progresibong kandidato sa halalan tulad ng Bayan Muna party-list, ito ay hudyat sa mas malalang mga atake. Kapaki-pakinabang ang terminasyon ng peace talks para sa mga kandidatong maka-Duterte. Higit silang makapagpalawak ng impluwensya sa Senado, Kongreso, at sa lokal na gobyerno, dahil pagbubuntunan ng atake ang oposisyon, kabilang ang mga progresibong kandidato. Halimbawa rito ang pagpatay sa coordinator ng Bayan Muna sa Samar na si James…

Read More

KAMPANYAHAN SA LOKALIDAD, DAPAT MAPAYAPA

BAGO TO

Sa Marso 29, aarangkada na ang kampanyahan sa lokalidad para sa mga probinsiya, bayan at siyudad at sana maging payapa at hindi madiligan ng dugo ang Halalang 2019. Ibayong pag-iingat pa rin ang dapat gawin ng mga kandidato para sa kanilang sarili dahil sa napakaruming politika sa ating bansa. Mahalaga na bawat mamamayan ay bantayan ang kanyang boto para sa kanilang kandidato pero mahalaga rin ang buhay ng bawat isa. Ito ang hamon para sa Commission on Elections (Comelec) kung paano nito paganahin ang lahat ng kanyang puwersa kasama na…

Read More

ANG MAS MATINDING PASAKIT NG KABABAIHANG FILIPINO DAHIL SA KAHIRAPAN

Psychtalk

Sa paglipas ng mga taon, tila mas naramdaman ng mas marami pa ring bahagdan sa ating populasyon ang paghirap ng buhay. Kahit anuman ang iulat sa iba’t iba na numero sa iba’t ibang economic at social indices, mga karanasan pa rin ng ordinaryong mamamayan ang mas pinaniniwalaan ng karamihan. Parang may paligsahan sa pagtataas ng mga halaga ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan: ang singil sa tubig, kuryente, pamasahe, mga presyo ng bilihin, mga buwis na patung-patong na. Nandiyan din ang taunang pagtaas ng bayarin sa paaralan ng mga anak.…

Read More

MGA DAGDAG-GASTOS NA HINDI NATIN ALAM

USAPANG KABUHAYAN

Madalas ‘pag may ginagawang solusyon sa mga problemang hinaharap ng taumbayan ang gobyerno ay iniisip ng marami na hindi na sila gagastos. Pero sa totoo lang ay lahat ng proyekto ng gobyerno ay nababayaran galing sa buwis na kinokolekta nito, at sa Pilipinas ay may buwis ang lahat ng bagay maliban sa paghinga. Inisip ng pamahalaan noong 1997 na gaganda ang serbisyo sa publiko sa pagbibigay ng kontrata para suplayan ng tubig ang Metro Manila at mga karatig na lugar ng dalawang kompanya na pag-aari ng mga pinakamayamang pamilya sa…

Read More

ANG KASIGURADUHAN NG SAPAT NA SUPPLY NG TUBIG AY KINAKAILANGAN

SA GANANG AKIN

Ang mga nakaraang linggo ay naging mahirap para sa mga konsyumer sa mga lugar na sakop ng Manila Water. Sa pagdinig na pinangunahan ng House of Representatives, humingi ng dispensa si Manila Water President Ferdinand de la Cruz para sa malaking abalang naidulot nila sa kanilang mga customer. Sa aking personal na pananaw, isang kapuri-puring bagay ang ginawa niya at isa rin itong magandang panimula sa pagbibigay ng solusyon sa krisis ng supply ng tubig. Habang ang mga customer ng Manila Water ay nakakaranas ng matinding kakulangan sa supply ng…

Read More

WALANG SILBI ANG MWSS

SALIKSIK

NAGKAROON ng biglaang imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Marso 18 hinggil sa krisis sa tubig sa bahaging Eastern Zone ng Metro Manila na sakop ng Manila Water. Maganda ang resulta ng imbestigasyon, sapagkat una ay nalaman natin na labag pala sa kasunduan ng Manila Water at pamahalaan na matigil ang pagbibigay ng tubig sa mga kliyente nito. Kaya, may kaukulang parusa ang Manila Water sa naganap na krisis sa tubig. Naisapubliko ang malinaw na isa sa mga nilalaman ng kasunduan ng Manila Water at pamahalaan. Resulta ito ng…

Read More

PAGKONTROL SA E-CIGARETTES, GAWING NATIONWIDE!!

POINT OF VIEW

Nagkaroon na ng ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para kontrolin ang paggamit ng electronic cigarette (e-cigs) o mas kilala sa tawag na vape sa lungsod na siyang ginagamit ng nakakarami bilang altenatibo sa tradis­yonal na sigarilyo matapos nilang tumigil sa nasabing bisyo o yaong mga nagsisimula pa lamang magyosi  dahil sa dala nitong mga sakit partikular ang cancer. Ang inilabas na City Ordinance 27-37-2018 ay nagbabawal sa vaping sa ilang lugar tulad sa mga simbahan, hospital, health centers, pampublikong sasakyan, tanggapan ng gob­yerno, at mga educational, at…

Read More