Noo’y marangya ang mga Filipino. Lahat ng tao ay may ginto na nakapulupot sa katawan. May ikinasal nga, ‘yung babae higit sa 20 kilo ng ginto ang nakabalot sa kanyang katawan. Ganyan kayaman ang Filipino bago dumating ang mga Kastila. Nang dumating ang mga ganid na prayle, ipinahukay lahat ng mga nakalibing na mga yumaong Filipino at kinolekta ang mga gintong nakabaon kasama ng kanilang mga bangkay. Ang ilang porsyento ay ipinadala sa Espanya at ang iba naman ay pinaghatian na ng opisyal ng gobyerno at ng mga pari. Sinunog…
Read MoreAuthor: admin
OFW PINAGTATANGKAANG GAHASAIN, HUMIHINGI NG SAKLOLO; TALENTSPHERE INC. TINATAWAGAN NG PANSIN
LABIS-LABIS na pakiusap at pagmamakaawa ang laman ng sulat na aking natanggap mula sa itatago natin sa pangalan na R.G. Duran na isang household service worker na nasa Al Banda, Yanbu, Saudi Arabia. Siya ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng isang ahensya na Talentsphere Inc. Ayon sa kanyang sumbong ay: “Gusto akong gahasain ng lalaking pamangkin ni madam, tinatanong ako kung marunong daw ako makipag-sex. Sa una binalewala ko lang ang tanong n’ya, 3x akong tinanong n’ya. Noong sinabi ko na ‘hindi ko alam sinasabi mo,’ kumuha siya…
Read MoreMAG-INGAT SA ONLINE SHOPPING
HABANG lalong nagiging popular sa ating mga Pinoy ang mga online shopping application sa ating mga computer at mobile phone ay lalo ring dumarami ang mga scammer na pumaparaan upang lokohin ang ating mga kababayan. Ang mas masaklap, napasukan na rin ng mga scammer ang mga lehitimong mga online shopping platforms na gaya ng Lazada at Shoppee kaya napakarami sa ating mga kababayan ang nagogoyo. Bagama’t marami namang mga maayos na mga transaksyon sa online shopping at nade-deliver naman nang maayos ang mga pinamimili ng mga kababayan natin, may mga nakakalusot pa ring mga panloloko.…
Read MoreKALSADA SA BRGY. BUSAK BAHAY KALBARYO SA MGA RESIDENTE!
MISYON Aksyon, grabe ang aming kalbaryo rito sa Barangay Busak Bahay nang pasimulan nila ang konstruksyon ng kalsada. Kasabay sa pagsasaayos ng drainage sa aming barangay ay pinagsabay na bakbakin ang kalsada na dapat po sana ay isang lane muna ang kanilang ginawa. Wala tuloy makadaan na kahit anong uri ng mga sasakyan at iikot pa kami nang napakalayo sa halip na isang sakay lamang ay nagiging dalawang sakay pa kami. Ang masakit po nito puro kami lakad dahil walang anumang sasakyan ang maaaring dumaan sanhi ng mga binakbak na…
Read MoreKIDNAPPING SA CASINO
Sa depinisyon ng mga alagad ng batas, ang krimen ng kidnapping ay palaging may ransom na hinihingi sa pamilya o kamag-anakan ng kanilang biktima na kadalasan ay mga mayayamang negosyanteng Filipino-Chinese na bukod sa madaling takutin ay mabilis ding magbayad ng ransom money. Kaya nga nakasama sa heinous crime ang kidnap-for-ransom at kabilang ito sa mga krimen na may kaparusahang kamatayan bago ito binawi ng Kongreso sa utos ng pangulo noon na si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Sa kasalukuyan ay may malaking uri ng kidnapping na nangyayari sa mga casino sa…
Read MoreTAGUMPAY NG BANSA
Bayanihan Federalism ang maghahatid ng tunay na pagbabago. Mababaklas na ang unitary system of government na nagpapahirap sa mamamayan at playground ng oligarkiya. Pag-asenso ng bawat Filipino ang hatid nito dahil malaking porsyento ng buwis ay maiiwan na sa lokal na pamahalaan. Ang political dynasty ay mabubuwag na rin sa ilalim nito. Dahil sa matagal na pagkakasailalim ng bansang Pilipinas sa kolonyalismo, animo’y nakalimutan na ng mga Filipino kung paano ba ang mabuhay ng tunay na malaya. ‘Yan ang babaguhin ng pederalismo, ibabalik tayo sa estado ng marangya at kasiyahan…
Read MoreREFUND PARA SA MGA NAWALAN NG TUBIG!
Iginigiit ng Bayan Muna na kailangan magkaroon ng kompensasyon ang lahat ng mga konsumer na nawalan ng tubig nitong nakaraang mga linggo. Refund ang aming panawagan! Sa pagdinig sa Kongreso noong Lunes, inamin ni Ferdinand de la Cruz, Presidente ng Manila Water, na magbabayad pa rin ng minimum fee ang mga konsumer kahit na may water interruption at walang 24/7 water service. Malinaw na talo ang taumbayan sa ganito. Kahit walang tumutulong tubig sa gripo ay magbabayad pa rin ng minimum amount ang mga konsumer. Katunayan, labag sa concession agreement…
Read MoreKAHIRAPAN AT ANG KABABAIHANG FILIPINO
Batay sa datos mula sa World Bank, bumaba sa 21.6% ang poverty incidence ng Pilipinas noong 2015 kumpara sa naitala noong 2012 na 25.2%. Matutuwa na sana sa impormasyong ito kung hindi natin nakita ang mas malawak na larawan ng mga bagay-bagay: Pilipinas ay pangalawa sa pinakamahirap na bansa sa Timog-Silangang Asya noong 2015. Inaantay pa rin natin ang pinakabagong datos tungkol sa kahirapan ngayong 2019. Sinasabi na ang bahagyang pagbaba ng bahagdan ng insidente ng kahirapan ay dulot ng mga palyatibong programa ng pamahalaan gaya ng dole outs na…
Read MoreBANGKAY NG OFW MAIUUWI NA; ATNU DAPAT BUMISITA SA MGA OSPITAL
NakatanGgap ako ng tawag mula sa nakababatang kapatid ng yumaong si Rizalin Lipalam na si Jefrey Canada. Humihingi siya ng tulong upang mapauwi na ang bangkay ng kanyang ate na namatay dahil sa vehicular accident sa Jeddah, Saudi Arabia. Kasama rin sa namatay ang anak ng kanyang employer noon pang Enero 2019. Si Rizalin ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng LNS International Manpower at nagtatrabaho bilang household helper. Agad akong nakipag-ugnayan kay Consul General Ed Badajos at mabilis namang nagbigay ng update: “We received the documents from the…
Read More