WALANG TUBIG!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nakakainit talaga ng ulo ang pagkawala ng tubig sa NCR at ilang bahagi ng Rizal at Cavite. Ang init na nga ng panahon, nawawalan pa ng tubig! Ang libu-libong kabahayan na nawalan ng tubig nitong nakaraang linggo ay ang mga sineserbisyuhan ng malalaking water concessionaires na Manila Water at Maynilad. Dalawang araw o higit pa na walang tubig, ang malala pa, sa ibang lugar ay walang abiso. Hindi tuloy nakapaghanda ni panligo o pang-inom ang ilan nating kababayan. Ngunit bakit nga ba nawalan ng tubig? Taun-taon naman ang tag-init sa…

Read More

NARCO-LIST ISINAPUBLIKO NA NI PDU30

duterte-30

(Ni JEDI PIA REYES) INILABAS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mahigit 40 na mga umano’y narco-politicians o ang mga politikong hinihinalang nasasangkot sa illegal drug trade. Sa kanyang talumpati, sinabi ng Presidente na sinampahan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng kasong administratibo ang mga lokal na opisyal na sumabit sa listahan. Nahaharap din umano sila sa kaso sa Office of the Ombudsman gayundin sa imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Kabilang sa mga nasa listahan na ipinamahagi ng Malakanyang…

Read More

PRANGKISA NG MANILA WATER BAWIIN

BAGWIS

Dati-rati ay naiinis ako dahil sa mga ginagawang paghuhukay ng Maynilad sa aming lugar. Sa katunayan, isang kanto mula sa amin ay mga ginagawang “systems upgrade” ng Maynilad na nagiging sanhi ngayon ng traffic sa aming lugar. Ngunit nitong mga nagdaang araw ay napagtanto natin na tama ang ginagawa ng Maynilad. Hindi na nito hinintay na magkaroon ng krisis sa tubig ang aming lugar bago pa ito kumilos upang isaayos ang mga linya ng tubig at maglagay ng mga imbakan. Ito ang naging problema ng Manila Water. Inuna nitong inintindi…

Read More

MULA LOBO, BATANGAS PATUNGO SA MALACAÑANG PARA TUMULONG SA ISANG OFW

BANTAY OFW

Mula sa bayan ng Lobo, Batangas lulan ng kanyang tricyle ay personal na dumulog sa aking tahanan sa Sta. Rosa, Laguna ang ating AKOOFW National President na si Junn Felix Landicho upang idulog ang sinapit ng isa niyang kapitbahay na isang OFW sa Riyadh. Personal na nakiusap si Konsehal Junn Felix Landicho na aking mailapit sa Presidential Action Center sa Malacañang ang kaso ni H. C. Ramirez na kasalukuyang nakapiit sa Hair Jail sa Riyadh. Ayon sa kanyang salaysay sa akin ay nag-abroad si Ramirez sa tulong ng Dominion Overseas…

Read More

ANG KABABAIHANG FILIPINO AT USAPIN NG MIGRASYON

Psychtalk

(UNANG BAHAGI) Mula noong kalagitnaan ng ika-20 siglo, namayagpag ang Pilipinas sa pag-i-import ng lakas-paggawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Unti-unti mula noon, nakita ang tuluy-tuloy na pag-angat ng kita ng pamahalaan mula sa sahod na ipinapadala ng mga manggagawa at propesyonal na nasa ibang bansa, habang bumaba ang kontribusyon sa Gross Domestic Product ng iba’t ibang industriyang lokal. At ngayon nga, isa nang malakas na pwersa ang sektor ng mga tinatawag nating bagong bayani, ang mga overseas Filipino workers (OFW). Isang napansing trend sa migrasyon ng lakas-paggawa ay…

Read More

OFWs NA BIKTIMA NG HIV DUMARAMI

HIV TEST-2

(NI BERNARD TAGUINOD) Dumarami ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nabibiktima ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) kaya hiniling ng isang mambabatas na idaan na sa HIV prevention seminar ang mga gustong magtrabaho sa ibang bansa. Ayon kay ACTS-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III, 90 OFW ang natuklasang mayroong HIV noong Enero 2019 na mas mataas ng 33% sa 68 na biktima ng nakakahawang sakit na ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik na walang proteksyon noong Enero 2018. “The January cases brought to 6,345 the cumulative number of OFWs found living with…

Read More

PRC UMAYUDA SA WATER CRISIS SA OSPITAL

RED CROSS WATER TANKER

(Ni KEVIN COLLANTES) Maging ang Philippine Red Cross (PRC) ay nabahala at umaksiyon na rin sa kinakaharap na water crisis sa bansa. Nabatid na nagsuplay ng tubig ang PRC sa mga pagamutang nangangailangan nito kasabay nang panawagan sa publiko na magtipid sa tubig. Akay kay PRC Chairman at Senador Richard Gordon, una nilang nirasyunan ng tubig ang Rizal Medical Center sa Pasig City, na kabilang sa mga pagamutan na naapektuhan ng interapsiyon sa serbisyo ng Manila Waters, batay na rin sa kahilingan ni Health Secretary Francisco Duque III. Tumawag umano si…

Read More

MAYNILAD AAYUDA SA MANILA WATER NGAYONG LINGGO

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(Ni KIKO CUETO) POSIBLENG ngayong linggo maibigay ng Maynilad Water Services Inc., ang kanilang pangakong ayuda sa Manila Water Co.. Ito ay upang matustusan ng Manila Water Co. ang pagkukulang nila sa tubig. “‘Yun po ay pinag-uusapan na ngayon kung paano i-implement. Nagkasundo na po in terms of medyo magshe-share po ‘yung Maynilad sa amin ng I think initially 31 to about 50 million liters of water per day… May mga technical na kailangang gawin lang po,” sinabi ni Jeric Sevilla, head ng corporate communications. “Hopefully within the week sana…

Read More

IMMIGRATION OFFICIALS SA NAIA BABALASAHIN

NAIA IMMIGRATION

(Ni FROILAN MORALLOS) Muling magpapatupad ang Bureau of Immigration (BI) ng reshuffle sa kanilang mga opisyales sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ito ay upang mapabuti ang kanilang serbisyo sa taong bayan . Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 20 immigration supervisor at intelligence officers na naka-assign sa tatlong terminal sa NAIA ang maapektuhan sa gagawing reshuffle. Dagdag pa ni Morente,  na ang gagawing reshuffle sa kanilang mga empleyado ay may pahintulot ng Comelec  sa kabila ng pinaiiral na election ban, o ang pagbabawal ng Comelec sa paglilipat…

Read More