Simula pa noong Marso 13 ay naka-confine na ako sa The Medical City South Luzon, sa Sta. Rosa, Laguna. Ito ay dahil sa aking inindang sakit sa kanang tagiliran ng aking katawan na ang sanhi pala ay ang pagkakaroon ko ng bato sa aking Gall bladder. Isinulat ko ito bilang paalala sa ating mga OFW na maging maingat sa ating mga kinakain, dahil matapos ko na mailathala na ako ay nasa ospital dahil sa Gall Bladder Stone ay marami agad ang nagpadala ng mensahe sa akin na ang aking naramdaman…
Read MoreAuthor: admin
ANO ANG NANGYARI SA MGA FILIPINO?
Nalito na ang Filipino. Hindi maresolbahan ang mabigat na trapiko. Hindi maresolbahan ang pagtatapon ng basura. Hindi maresolbahan ang pasikip na pasikip na mga kalye dahil sa mga illegal vendor at mga iskwater. Hindi maresolbahan ang namamatay na mga ilog dahil sa mga basurang gawa ng mga malalaking kompanya at mga kababayang wala lang pakialam sa pagtatapon ng kanilang mga basura sa mga waterway. Nalito na ang Filipino. Napapayag sa K-12 at nadagdagan ng dalawang taon sa pag-aaral bago makamtan ang inaasam na diploma samantalang kung kukwentahin kasama ang pre-school…
Read More46 OPISYAL NA KASAMA SA NARCO-LIST, KASUHAN NA!
Marami ang nagulat, umaray, nagalit, at tumaas ang kilay sa inilabas na 46 pangalan ng politiko na kasama sa sinasabing narco-list na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa National Peace and Order Council sa Davao City nitong Marso 14, 2019. Kung may katotohanan ang nasabing listahan, na kinabibilangan ng mga nakaupong lokal na mga opisyal, gaya ng mga vice mayor, mayor at gobernador, hindi nakakapagtaka kung bakit hindi nasusugpo ang pagkalat ng mga ilegal na droga at adik sa buong bansa. Siyempre, kung ang mismong mga namumuno…
Read MoreMABUHAY ANG MGA KAPITALISTA!
NAPAKAGANDANG taon ang 2018 para sa iilang may-ari ng San Miguel Corporation (SMC), sapagkat ang pinagsamang kabuuang kita ng SMC na kinabibilangan ng San Miguel Food and Beverage, Inc. (SMFB), SMC Global Power Holdings Corp., Petron Corporation at SMC Infrastructure ay umabot sa P1.02 trilyon. Ito ay 24 porsiyento mula sa kabuuang kinita noong 2017. Kung tatanggalin natin ang ginastos sa operasyon at ibinayad sa buwis, pumalo sa P55.2 bilyon ang malinis na kita ng SMC o isang porsiyento mula noong 2017. Kaya naman tuwang-tuwa sina Eduardo Cojuangco, Ramon Ang…
Read MoreWARAS RIVER BUHAYIN
MISYON Aksyon, isa po akong residente ng bayan ng Nabua na umaasang mabigyan ng konkretong aksyon ang aking kahilingan na maibalik ang dating magandang ilog ng Waras River at Bicol River na dating kaaya-ayang panoorin ang daluyan ng agos sa malawak at malinis na tubig. Ngunit makalipas ang tatlong dekada mula nang ako ay mangibang-bansa nanlumo ako nang makita ang ilog ngayon na marumi at tambak ng mga basura. Makikita mo ngayon na kulay itim at kaki na may masangsang na amoy habang lumulutang ang mga dumi at plastic ang…
Read MoreHINDI ADVANCE MAG-ISIP ANG MANILA WATER AT MAYNILAD
KAPAG pamilyar ka sa bayan ng Singapore ay tiyak na batid mong malaki rin ang suliranin nito pagda-ting sa malinis at maiinom na tubig. Tubig-alat kasi ang nakukuha mula sa ilalim ng lupa nito at wala naman itong mga malalaking mga lawa na maaaring pagkunan ng tubig-tabang. Noong napadpad tayo sa bansang ito halos dalawang dekada na ang nakakalipas, napag-alaman natin na malaking bahagi ng pangangailangan nito sa tubig ay sinusuplayan pa ng kalapit nitong Malaysia. Ang tanong eh bakit mula noon hanggang ngayon ay hindi natin nababalitaan na nagkakaroon…
Read MoreSHORTAGE NG TUBIG, TAYO LAHAT ANG MAY SALA
TAYONG mga taumbayan ang may sala kung bakit milyun-milyong residente ng Metro Manila ang dumadaan ngayon sa hirap dahil sa kulang na supply ng tubig. Pinayagan kasi natin ang Manila Water, ang Maynilad, ang MWSS, ang Malacañang, ang Kongreso at ang mga makakaliwang grupo na pigilan ang mga bagong dam na dapat ay noon pa naitayo para masigurong may sapat na supply ng tubig sa Metro Manila. Hinayaan natin na taasan nang taasan ang singil sa tubig sa atin ng Manila Water at Maynilad para sa bawat litro ng tubig na…
Read MoreANO NA ANG NANGYARI SA APECO?
Matapos mapondohan ng higit sa P1 bilyon ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), mukhang mauuwi lamang ang lahat sa wala dahil tiwangwang pa rin ang 12,923 ektaryang property na ito sa lalawigan ng Aurora. Mukhang napagkakitaan lamang nang husto ng iilan. Ito ay pinlanong gawing freeport ng nasirang Sen. Ed Angara, siya pa nga ang umakda ng Republic Act 10083, ang batas na siyang lumikha rito. May mga nagmensahe sa ating mga ka-bandila na hindi malayong 40% ng nasabing public funds na ipinasok sa APECO ay swak…
Read MoreNATIONAL ID SYSTEM
Sa darating na Setyembre magsisimula ang aktwal na implementasyon ng Republic Act No. 11055 na mas kilala sa tawag na Philippine Identification System Act o ang National ID System na mahigpit na tinututulan noon ng mga makakaliwang grupo. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), may inisyal na 6 milyong Filipino ang target ng PSA na makapagrehistro at mabigyan ng national ID sa mga unang buwan ng implementasyon ng R.A. 11055. Target naman ng PSA na bago matapos ang 2022 ay maiisyuhan na ng national ID ang may 100 milyong Filipino…
Read More