RELIHIYOSO ANG PILIPINAS

FOR THE FLAG

Relihiyosong mamamayan ang Filipino, kung istatistika ang pagbabatayan. Higit sa 90% ng ating mga kababayan ay pawang mga Kristiyano. Mahigit 90 milyon ang Kristiyano sa populasyon nating 100 milyon. Mahigit 80% ng ating populasyon ay mga Katoliko. Pilipinas ang nangungunang bansang Kristiyano sa Asya at ikalima sa buong daigdig kung pag-uusapan ang bansang pinakamaraming Kristiyano. Sa Mindanao naman, nasa 5% ng mga Filipino ay mga Muslim at 1.8% naman ang mga mayroong independent na relihiyon. Kung mayroon mang hindi naniniwala sa relihiyon sila ay nasa .7% lamang o nasa 700,000…

Read More

SEC UMAKSYON NA LABAN SA KAPA

BAGWIS

MATAPOS nating ibunyag ang kalokohan ng KAPA Community Ministry International Inc., na siyang lumalaganap ngayon na malaking pyramiding scam sa Mindanao,  dumagsa ang napakaraming impormasyon tungkol sa natu­rang grupo. Nalaman natin na maliban sa maraming estafa case na isinampa laban sa founder nitong si Joe Apolinario sa bayan ng Bislig, may mga lumabas na rin palang mga kautusan upang ito ay tuluyan nang buwagin. Batay sa ipinalabas na desisyon ng Commission en Banc ng Securities and Exchange Commission (SEC) noong February 21, 2019, inutusan nito ang KAPA na itigil na…

Read More

BUREAU OF IMMIGRATION DAPAT DING MANAGOT SA MGA ISYU NG HUMAN TRAFFICKING

BANTAY OFW

SUNUD-SUNOD na ulat na pagkaka-rescue ng mga Trafficking In Person sa Jordan at kabilang dito ang napaulat na bibitayin sa Saudi Arabia. Si Juhra Pusalan Adjaraman na una nang napaulat na nawawala sa bansang Jordan. Sampung taon na ang lumipas noong siya ay umalis ng Pilipinas at sa loob ng sampung taon na ‘yon ay hindi s’ya nakausap o naputol ang komunikasyon n’ya sa kanyang pamilya. Kamakailan ay iniulat ng Philippine Overseas Labor Office, OWWA at Philippine Embassy na kanilang natagpuan at nasa kanilang pangangalaga ang ngayon ay 20-anyos na…

Read More

ANEKDOTA PARA SA MGA KABARO

Psychtalk

ILANG taon na ang nakararaan nang ako ay nagtuturo sa isang freshman section ng kursong pang-GE sa Sikolohiya. Sa klase na iyon ng mga entrepreneurship majors, kapansin-pansin na pagdating sa talino, dedikasyon, at performance sa klase, ilang babaeng estudyante ang namumukod-tangi at sadyang nangunguna. Walang palya na kakikitaan mo sila ng malaking potensiyal para maging matagumpay na mga babae. Hanggang dumaan ang mga linggo at dumating kami sa isang leksiyon, na sa pagkakatanda ko ay patungkol sa anu-ano ang mga pinapangarap nila sa buhay  at ano mismo ang pakahulugan nila…

Read More

NARCO-LIST DAPAT ILABAS

FOR THE FLAG

DAPAT lang na ilabas ang sinasabing narco-list na ki-nasasangkutan ng ilang tumatakbong mga kandidato ngayong darating na halalan. Kung inosente ang mga ito e hindi dapat na matakot, pero karapatan ng taumbayan na makilatis nang husto ang mga kumakandidato para sa nasyunal at lokal na posisyon. Sa pinakahuling listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 83 pa ang nakalistang narco-politician sa bansa. Welcome rin ang napabalitang higit P1 bilyon na budget sa digmaan ng go­byerno kontra ilegal na droga. Tama ‘yan, bilyun-bilyon din ang budget ng kalabang mga druglord…

Read More

DATING DOH SEC. GARIN, ET AL HAHARAP SA KASO AT BAGONG BERSYON NG NANLABAN AT NANG-AGAW NG ARMAS

PRO HAC VICE

MUKHANG malilibot ni dating Department of Health (DOH) Secretary Janet Garin at iba pang respondent o suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang buong hukuman ng Pilipinas upang sagutin o harapin naman ang nasabing kaso na nakatakdang ihain ng Department of Justice (DOJ) sa loob ng linggong ito. Paliwanag kasi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na ihahain nila ang kaso kung saan naganap ang sinasabing krimen. Ang kaso ay may kaugnayan sa unang batch pa lamang ng mga reklamong nakasampa sa DOJ sa kontrobersyal na programa ng DOH…

Read More

MAKINA SA SAKAHAN PARA SA MAS MALAKING KITA

USAPANG KABUHAYAN

TAKOT ang marami na masasayang lang ang P10 bilyon na Rice Competitiveness Fund na ipinapatupad sa ilalim ng Rice Tariffication Law. Aniya ng mga kritiko, ang nakaraang karanasan kung saan bilyun-bilyong piso ng pondo ng Department of Agriculture ang nasayang sa ilalim ng administrasyon nina dating Pangulong Gloria Mapacagal-Arroyo at dating Pangulong Benigno S. Aquino III ay pruweba na nanganganib lang sa DA ang pondo. Totoo naman na napakaraming kaso ng katiwalian na ang naisampa sa mga opisyal at empleyado ng DA nitong mga nakaraang dalawang administrasyon. Nag-umpisa ito sa…

Read More

MAILAP AT MAHABANG PROSESO NG KAPAYAPAAN

SIDEBAR

Sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino unang nagkaroon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front (NDF) at ito ay nangyari sa ilalim ng “democratic space” matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution. Si Speaker Ramon Mitra ang unang pinuno ng GRP panel samantalang ang mga dating peryodistang  sina Antonio Zumel, Satur Ocampo at asawa nitong si Bobbie Malay ang mga miyembro ng NDF panel. Dati ring peryodista si Mitra kung kaya madali para sa kanila ang mag-usap. Pero sadyang…

Read More

MARUMING POLITIKA SA MARILAO

BAGO TO

Habang papalapit ang simula ng kampanyahan sa Marilao, Bulacan ay umiinit naman ang pani­nira ng ilang kandidato sa kapwa nilang kandidato. Nitong nakaraang araw nga ay kinanyon ng sinlaki ng kamao ng hindi pa nakikilalang salarin ang pagtitipon na ginanap sa Barangay Ibayo kung saan hinarap ito ng kandidato sa pagkamayor na si Atty. Jemina Sy, ang tinaguriang “Batang Dalubhasa”. Buti na lamang at walang tinamaan nang malubha sa ipinukol na bato na lumusot sa trapal mula sa itaas, may mga bata pa mandin sa pagtitipon. Pero sa pagtalbog ng…

Read More