BATAS NG CHINA ANG UMIIRAL SA PINIRMAHANG KONTRATA

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Noong nakaraang linggo, napag-alaman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na may maanomalyang kontrata na pinirmahan ang Pilipinas sa China kaugnay ng P3.6 bilyong Chico River Irrigation Pump Project. Bukod sa napakataas ng interes at may mga dagdag bayarin pa ang kontratang ito, na tunay na disadvantageous o nakasasama para sa Pilipinas, marami pang nilalaman ang kontrata na talagang maano­malya. Ang isa pa, nakasulat na nga sa kontrata na walang babayarang buwis ang China sa lahat ng kita nito. Nakasaad pa na ang kontraktor ng proyeko ay dapat magmula rin sa…

Read More

PAGLALANTAD NG MGA NARCO POLITICIAN OK SA PNP

PNP

BUKAS ang pamunuan ng Philippine National Police sa plano ng Department of Interiors and Local Government (DILG) at maging ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilantad ang mga pangalang nakapaloob sa hawak nilang narco-list bago magsimula ang campaign period para sa midterm elections. Ayon kay PNP Police General Oscar Albayalde suportado ng kanilang organisasyon ang paglalabas ng listahan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga. Ito ay sa kabila ng paalala ng Commission on Human Rights (CHR) na magdahan-dahan ang DILG, PDEA at iba pang ahensiya na may…

Read More

DEATH SQUAD MAG-UUNAHAN SA NARCO-POLITICIAN

 (Ni BERNARD TAGUINOD) Parang senentensiyahan umano ng kamatayan ng gobyerno ang narco-politicians na pangangalanan bago dumating ang eleksyon sa Mayo kahit wala pang sapat na ebidensya laban sa mga ito kundi nakabase lang sa hinala. Dahil dito, hindi isinasantabi ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na mag-uunahan ang mga death squad para itumba ang mga politiko na pangangalanan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at Malacañang, na sangkot umano sa ilegal na droga. “The list is a virtual death warrant for politicians and their…

Read More

7-8M DRUG ADDICTS SA PINAS, GAWA-GAWA LANG NI DUTERTE

DRUG ADDICT

(Ni BERNARD TAGUINOD) Bukod sa nais lang bigyan ng katuwiran ang madugong giyera kontra ilegal, taktika ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalobo sa bilang ng mga drug adik sa bansa para mawala ang atensyon ng mga Filipino sa buwis, pagkamatay ng rice industry at maging ang pagbebenta umano sa Filipinas sa China. Ito ang nabatid kay ACT party-list Rep. Antonio Tinio matapos ilagay ni Duterte na nasa 7 hanggang 8 milyon ang drug addicts sa Filipinas na malayong-malayo na sa 1.7 milyon bago ito naging pangulo ng bansa noong 2016.…

Read More

GRADUATION RITES BAWAL GAWING POLITICAL FORUM — DEPED

GRADUATION RITES

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang pamunuan ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa na bawal ang pamumulitika sa idaraos na moving up at graduation ceremonies ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong School Year 2018-2019. Bunsod na rin ito ng posibilidad na samantalahin at magamit ng ilang kandidato sa kanilang pangangampanya para sa midterm elections ang naturang mga aktibidad. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, dapat na mapanatili ang solemnity ng okasyon, dahil napakahalaga nito para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Giit pa ng kalihim, hindi ito…

Read More

MMML RECRUITMENT SERVICES TINATAWAGAN NG PANSIN

BANTAY OFW

Kamakailan, ako ay nakatanggap ng sumbong at paghingi ng tulong mula sa ating kabayani na sina Edna Tampos at Rachelle Tapanan. Si Edna Tampos ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng MMML Recruitment Services noong Setyembre 21, 2017. Ayon sa kanyang ipinadalang sumbong sa Bantay OFW mobile apps, siya diumano ay sinasaktan o binubugbog ng kanyang mga alaga at kamakailan ay pinagbibintangan pa na nagnanakaw ng gamit ng kanyang amo na mariin niyang pinasisinungalingan. Hinihiling niya sa akin na tulungan siya na makara­ting sa Philippine Embassy upang siya ay makauwi…

Read More

MARSO: BUWAN NG KABABAIHAN

Psychtalk

Unang araw ng Marso. Noong bata-bata ako, ang pakahulugan ko sa buwang ito ay pagbabadya ng nalalapit na pagtatapos ng taon sa paaralan at pag-uumpisa ng masa­yang bakasyon sa pro­binsya. Ngunit sa pag­lipas ng mga taon at sa pagdami ng kaalaman, natutunan ko na ang Marso ay buwan din pala na nakalaan para sa kababaihan. Kaya, heto ang maagang pagbati sa kababaihan: “Isang masaya at mas mapagpalayang buwan ng kababaihan para sa ating lahat! Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “#BalanceforBetter.” Bagama’t masasabi na marami nang nakamit na tagumpay ang kilusang kababaihan…

Read More

LUNTIANG ENERHIYA HATID PARA SA ISLA VERDE 

SA GANANG AKIN

Kung babalikan at lilingunin natin ang kasaysayan ng ating bansa, ang Pilipinas ay isa sa mga bayan na talagang pinuntiryang sakupin ng mga iba’t ibang lahi gaya ng mga Kastila, Hapon, at ng mga Amerikano. Sagana kasi ang ating bansa sa likas na yaman kaya tayo nakilala bilang Perlas ng Silangan. Napakaganda ng lokasyon ng ating bansa dahil tayo ay nakakakuha ng sapat na pag-ulan at sapat na sikat ng araw. Hindi kataka-takang nangunguna ang Pilipinas sa Asya at pumapanlima sa buong mundo kahanay ang South Africa, Chile, Brazil, at…

Read More

ANG DAMING PARTY-LIST PARA SA MGA GURO, PERO WALANG SILBI

SALIKSIK

APAT ang party-list groups ang kinatawan ng mga guro o edukasyon sa Mababang Kapulungan ng ika-17 Kongreso. Nariyan ang ACT – Teachers party-list, Manila Teachers party-list, A Teacher party-list at Ang Edukasyon party-list. Ang apat na ito ay muling tumatakbo para sa eleksyon sa Mayo 13. Bilang propesor, dapat akong matuwa, sapagkat maraming kapwa ko guro ang aming kinatawan sa lehislaturang sangay ng pamahalaan. Napakalakas na boses ang apat, subalit ang lakas na ito ay mistulang latang walang laman na hinahampas sa kalsada, sapagkat hindi magkakasundo ang apat na party-list. Kaya, napakasakit…

Read More