PARA SA MGA GALIT KAY DUTERTE

FOR THE FLAG

Ang ating pitak ngayon ay pagsi-share ko ng isang mensahe na pinraybeyt message sa akin ng isang kaibigan. Medyo naaliw ako kaya aking ishi-share ngayon sa inyo sa pag-aakalang maaaliw din kayo. Heto: “Sa mga galit kay Duterte, gawin n’yo ang mga sumusunod: Kung may driver’s license kayo, at magre-renew kayo, huwag kayong papayag na 5 years ang expiration ng lisensya n’yo. Sabihin n’yo sa LTO na 3 yrs. lang ang gusto n’yo dahil galit kayo kay Duterte! Kung passport holder kayo, sabihin n’yo sa Department of Foreign Affairs na 5yrs lang…

Read More

BAKLASAN NG ILLEGAL POSTERS

POINT OF VIEW

Sinimulan na ng “Task Force Baklas’ nitong Huwebes  ang pagtanggal ng mga illegal campaign materials sa Metro Manila matapos ang itinakdang deadline ng Commission on Elections sa mga kandidato na tumatakbo sa national posts na baklasin ang kanilang mga ikinabit na mga ilegal na campaign materials para sa gaganaping midterm elections sa May 13, 2019. Ani Comelec spokesperson James Jimenez, isinakatuparan ang Oplan Baklas pagkatapos ng kanilang isinagawang documentation and preservation sa mga illegal campaign materials na kanilang gagamitin sa pagsasampa ng reklamo sa mga lumalabag na kandidato. Ang sinumang…

Read More

SI DATING DILG SECRETARY SARMIENTO AT ANG BAGONG CORPORATE CODE

BAGWIS

MEDYO matagal na ring hindi kami nagkakahuntahan ng ating kaibigang si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento na siyang natatangi sa mga Aquino cabinet officials na walang kontrobersiya na kinasangkutan. Sa dami ng mga kapalpakan ng Aquino government ay bukod-tanging si Boss Mel lang siguro ang puro positibo ang naging kontribusyon sa bayan. Noong Miyerkoles ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na makakwentuhan nang medyo matagal si Sec. Mel at ipinabatid nito ang lubusang pagkagalak sa pagsasabatas ng mga amiyenda sa umiiral na Corporate Code. Si Sec. Mel kasi ang orihinal…

Read More

BRGHAGMC, KALIDAD NG ST. LUKES AT COLOR GAMES SA MANILA TIGASIN

Misyon Aksyon

SALUDO ang Misyon Aksyon sa pamunuan ng Bicol Regional General Hospital Geriatric Medical Center (BRGHAGMC) na dating Bicol Sanitarium dahil sa magandang serbisyo na pinatotohanan ng isang senior citizen na si Aurora Garfin, 61-anyos na naospital dahil sa dengue sa Nabua Camarines Sur. Ayon kay Garfin, isinugod siya sa isang pribadong ospital na ang serbisyo ay naghihingalo, puro reseta at laboratory agad ang ginawa sa kanya at nagbayad ng halos P7,000 sa loob ng mahigit limang oras na pamamalagi rito ngunit walang resulta kung ano ang sakit nito at dahil…

Read More

ANG LALONG PAGTAAS NG PRESYO NG LUPA DAHIL SA MEGA-MANILA SUBWAY

USAPANG KABUHAYAN

LALONG tataas daw ang presyo ng lupa sa mga lugar sa Metro Manila na dadaanan ng unang Mega-Manila subway na nag-groundbreaking ka-makailan lamang. Sabi ng Colliers International, isang real estate consultancy company, sa Quezon City mas mararamdaman ang pagtaas ng presyo ng lupa at iba pang mga pribadong pag-aari dahil inaasahang magiging bagong sentro ng komersyo ang paligid ng mga bagong subway stations. Mag-uumpisa sa Min­danao Avenue sa Quezon City ang 30-kilometrong haba na subway, at magtatapos sa NAIA Terminal 3. Inaasahan na babawasan nito ang trapik sa Metro Manila lalo na sa EDSA dahil mayroon itong 15 istas­yon na bibiyahe lang ng 30 minuto…

Read More

NARCO-POLITICS

SIDEBAR

Nagmula ang katagang “narco-politics” sa bansang Colombia kung saan ginagamit ang pera mula sa pagbebenta ng cocaine para suportahan ang kampanya ng mga politiko na sa tingin ng drug cartel ay makakatulong sa operasyon ng kanilang ilegal na droga. Dumating sa sukdulan ang narco-politics sa Colombia nang mismong ang pinakamalaking drug lord at pinuno ng Medellin drug cartel na si Pablo Escobar ay nanalong kongresista at nangarap pang tumakbo sa pagkapangulo ng kanyang bansa. Hindi naman lihim na rito sa Pilipinas ay may mga politiko rin na pasok sa ilegal…

Read More

SHOWCASE NG POLITICAL WILL

FOR THE FLAG

Kamakailan ay nag-post ako ng mga larawan ng kalikasan sa social media. Ilang mga kaanak na nasa abroad at ilang kaibigan ay nagtanong kung saan makikita ang lugar na aking ipinost. Laking gulat nila nang aking sabihing sa Manila Bay. Wala namang special sa ca­mera na aking ginamit dahil isang cellphone lamang naman ang aking ipinangkuha ng mga larawan. Wala rin akong ginamit na filter o special effects man lamang. Hindi na nila makilala ang Manila Bay ngayon dahil sa ipinagbago nito matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang…

Read More

HINDI PANG-SENADOR SI RONALD DELA ROSA

SALIKSIK

TOTOONG mabilis sumikat si Ronald dela Rosa, alyas Bato, matapos niyang pangunahan ang Philippine National Police (PNP) sa implementasyon ng madugong kampanya laban sa mga personalidad sa mundo ng ilegal na droga ng administrasyong Duterte. Bilang hepe ng PNP, tila hindi binigo ni Bato si Pa­ngulong Rodrigo Duterte dahil maraming namatay at nadakip na mga drugpusher at adik nang ikasa niya ang kampanya laban sa ilegal na droga. Ilang buwan matapos siyang magretiro, nanatili ang kasikatan ni Bato. Katunayan, madalas pumasok ang kanyang pangalan sa ‘Magic 12’ sa survey ng…

Read More

KAILANGAN KUMILOS LABAN SA OIL PRICE HIKES!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nagkilos-protesta ang mga miyembro ng Bayan Muna kasama si Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate noong Martes sa harap ng istasyon ng isang bigtime oil company. Ito ay dahil sa malakihang taas-presyo sa krudo. Sa ngayon, tataas ang presyo ng gasoline na ?1.40-?1.75 kada litro (kasabay ng pagtaas ng ethanol); ang diesel na ?1.40-?1.50 kada litro; kerosene na ?1.30-1.40 kada litro; at LPG na ?1.00-2.00 kada litro. Ang Oil Deregulation Law ay nagpaubaya sa mga oil company na idikta ang presyo ng krudo. Ang safety net lamang natin dito…

Read More