BAGUHIN ANG PATAKARAN SA ‘PETTY CRIMES’

BAGWIS

Kamakailan ay nagtangkang magnakaw ng mamahaling bisikleta ng ating mayamang kaibigang sa kanyang paboritong training ground sa Mall of Asia (MOA). Sa kabutihang palad ay may nakakita agad sa damuhong kawatan at agad itong nasakote bago pa niya tuluyang matangay ang napakamahal at napakagandang bisikleta. Kalaboso agad ang salarin at sa tulong ng mga sekyu at mga  siklistang tambay sa MOA ay nadala agad ito sa himpilan ng pulisya. Agad ding sinampahan ng kaso sa piskalya ang suspek. Okay na sana ang lahat dahil nakahanda naman ang aking kaibigan na ituloy…

Read More

HUWAG SUKUAN ANG PAGMAGMAHAL

Psychtalk

Kapansin-pansin marahil na ibinuhos ko ang ispasyo ko sa tema ng pag-ibig sa halos buong buwan ng Pebrero. Nais kong ito pa ring ito ang pangsara kong tema. Sa sarili kong karanasan kasi, laging masarap pag-usapan ang paksang ito. Hindi ito nakakapagod na pagnilay-nilayan. Laging maraming may masasabi tungkol dito. Sabi nga, mainam na may paniniwala, pag-asa, at pag-ibig. Pero sa tatlong ito, ang pag-ibig ang pinakadakila. Pero isang katotohanan na minsan may mga taong nagsasabing napapagod na silang magmahal. Dahil sa ekspektasyong ‘di natupad o sa mga ibinuhos na panahon…

Read More

TRAFFIC KAYA NAMANG MAAYOS

FOR THE FLAG

Mapapansing kahit araw ng Linggo ay mabigat na rin ang trapiko. Ito ang reyalidad na nagpapahirap sa mga Filipino lalo na ang mga nakatira, nag-aaral at nagtatrabaho sa Metro Manila. Nasa P2.4 bilyon kada araw ng pinagsamang pondo ng bawat mamamayan at pamahalaan ang nasasayang dahil lamang sa mabigat na trapiko sa bansa, ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Sa loob ng isang taon ay aabot itong matatawag na lost income sa P643 bilyon. Ayon naman sa isang pag-aaral ng kilalang urban planner na si Felino Palafox…

Read More

EDSA ANNIVERSARY AT MGA CHINESE NATIONALS SA BANSA 

PRO HAC VICE

Ano na nga ba ang nangyayari sa paggunita ng EDSA? Bakit mas marami pang awtoridad na nagbabantay kaysa mga dumating para gunitain ang umano’y EDSA revolt. Marahil patunay lamang ‘yan na mas marami na ngayong mga Pinoy na na­gising na o mas alam na nila kung ano nga ba ang tunay na nangyayari sa bansa. Sino ba naman ang gaganahang pumunta sa natu­rang pagtitipon kung ang mga maririnig mo lamang naman sa mga guest speaker ay puro papogi, paninisi at pamumulitika, na wala namang nagawa para mabago ang kalagayan ng…

Read More

BIONIC MANPOWER SERVICES, HINDI BIONIC-WOMAN ANG INYONG WORKER

BANTAY OFW

Isang sumbong at pakiusap ang ating natanggap sa ating BANTAY OFW monitoring center mula kay Marily Alisir na dineploy ng Bionic Manpower Services sa Saudi Arabia. Heto ang kanyang buong mensahe na ipinarating sa atin. “Magandang hapon po sa lahat ng bumubuo ng AKOOFW at Bantay OFW. Ako po si Marily Alisir ng Saudi Arabia. Iba lang ang gamit kong celfone dahil hindi kasi ako allowed mag-cellphone.  Nagtatago lang ako. Hindi alam ng employer ko na may cp ako. Sana po ay matulungan n’yo ‘ko. Finish contract na po ako…

Read More

PEACE CAMP AT ALAGANG KAPATID SA PILING NG MGA KATUTUBONG AETA NG SAPANG UWAK

BAGO TO

Ang magbigay ng kahit kaunting ayuda o tulong sa mga kapuspalad na­ting katutubong Aeta sa Barangay Sapang Uwak Porac, Pampanga ay nagpapakita ng pagkalinga, malasakit at kasersoyohan ng Alagang Kapatid Foundation Inc. Maraming salamat AKFI sa pangunguna ni Ms. Menchie Silvestre kasama si Claire Jacob ng Sales Department at Production ng AKFI! Higit na nagpapasalamat din ang TV5 group sa pamunuan ng Peace Camp sa pangunguna ni retired Army Colonel Samuel Sagun. Ang Peace Camp ay isang rehistrado at lehitimong grupo na nagtataguyod ng kapayapaan, edukasyon, pagkakaisa at malasakit para…

Read More

HALAGA NG ASUKAL AT BIGAS KATUMBAS NG TRABAHO NG MAGSASAKA

USAPANG KABUHAYAN

Isa sa mga plano ng ating economic managers na gustong ipatupad na sa lalong madaling panahon ay ang pag-aalis ng limitasyon sa dami ng inaangkat na­ting asukal. Sa totoo  lang ay matagal nang nakatali ang Pilipinas sa patakaran na tanggalin ang mga limitasyon sa laki ng mga inaangkat nating produkto mula sa ibang bansa sa ilalim ng free trade agreements na pinirmahan ng halos lahat ng bansa para sila ay makasali sa World Trade Organization (WTO) noong 1995. Walang option ang ating pamahalaan noon dahil ang hindi pagsali sa WTO…

Read More

PRESIDENTIAL RACE SA 2022

SIDEBAR

Hindi pa man natatapos ang May 13 midterm elections ay mainit na ang mga diskusyon hinggil sa mga posibleng tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 kung kailan magtatapos ang anim-na-taong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayon pa nga lang ay pumuputok na ang pangalan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang isa sa mga “presidentiables” at mismong si Senador Panfilo Lacson ang nagsabing kwalipikado si Mayor Sara bilang pangulo ng bansa. Maging si reelectionist Senator Sonny Angara ay suportado rin si Mayor Sara sa pagkapangulo dahil ngayon pa…

Read More

PONDO NG MGA OFW SA OWWA, HUWAG IPAGAMIT SA POLITIKO

BANTAY OFW

Maraming mga Filipino community leaders ang nagbigay ng negatibong reaksyon sa napanood na live stream ng Facebook account ng Ormoc City government na kung saan ay iniaabot ni Ormoc Mayor Ri­chard Gomez sa isang seremonya sa loob ng kanyang tanggapan ang tseke na nagkakahalaga ng P20,000 para sa mga distressed workers sa ilalim ng OWWA Reintegration program. Marami ang naniniwala na ang ginawang ito ni Mayor Richard Gomez ay isang pamumulitika gamit ang pondo ng OWWA na mga kontribusyon naman ng mga OFW. Kagawian na kasi ng mga politiko na…

Read More