DEKADANG BASURA MAY SOLUSYON PA BA?

EDITORYAL

(EDITORYAL)

Hindi na yata mawawala ang mga basurang nakakalat sa kung saan-saan.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources nasa 20 tonelada kada araw ang nahahakot na basura sa bansa o ang katumbas nito ay mahigit 2,000 trak ng mga basura at ang 450 rito ay mula sa Metro Manila.

Dahil wala o kulang tayo sa maayos na material recovery facility nauuwi tuloy sa mali ang pagma-manage sa mga basura. Ang mga ito ay napupunta sa mga estero, kanal, ilog at ang kinasasadlakan ngayong catch basin na tulad ng Manila Bay. Bunsod ito ng kakulangan o mahinang implementasyon sa waste management sa mga ordinansa ng mga lugar o lungsod.

Syempre pa ang mga basurang iyan any galing din naman sa ating mamamayan at mga iba’t ibang planta, korporasyon o establisimiyento sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Batid natin na kung walang ayos sa pamamahala sa mga basura siguradong hindi lang kalat o karumihan ng kapaligiran ang makukuha kundi sangkatutak na mga sakit.

Mga basura rin ang dahilan kung bakit may pagbaha at mga nangangamatay na mga isda sa anumang uri ng anyong tubig. Isipin na lang natin na ang ang kinakain natin mga isda ay kumakain din ng mga basurang galing din naman sa atin. Hindi ba’t nakadiri? Nakakadiring problema ng bansa na dekada na rin ang binibilang.

Ito ang problemang parang kinatamaran na nating ayusin – kalat na nakasanayan at pinabayaan na lamang.

Ngayong panahon ng pangangampanya siguradong namumutiktik sa mga pangakong maririnig mula sa mga kandidato makuha lang ang ating mga boto. Bantayan natin sino sa kanila ang tatalakay o sino sa kanila ang seseryoso sa lagay ng waste management issue ng bansa.

733

Related posts

Leave a Comment