TINUSTA ng Phoenix Suns, sa pangunguna ni Kelly Oubre Jr, ang laban sa Denver Nuggets sa iskor na 102-93, Sabado ng gabi (oras sa Amerika). Nakapagtala ng 26 points at 11 rebounds si Oubre sa laban habang nag-ambag si Deandre Ayton ng 23 points at 13 rebounds para igupo ang Nuggets. Kinapos naman sa arangkada sina Nikola Jokic na may 21 points at 10 rebounds habang si Malik Beasley naman ay mayroong 20 points para palamigin ang Suns. Tinambakan na ng Phoenix ang Denver sa first quarter pa lang ng…
Read MoreAuthor: admin
MRT-3 MULING NAGKAABERYA
(Ni FRANCIS ATALIA) MULI na namang nakaproblema ang motor ng Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa electrical failure dakong 2:34 ng hapon. Aabot sa 350 pasahero na galing sa northbound ang pinababa sa Ortias station batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr). Matatandaan, kaninang umaga ay nagkaroon din ng electrical failure ang MRT-3 sa southbound train sa Kamuning Station kung saan 75 pasahero ang pinababa. Naialis naman agad ang sirang tren at naisakay sa sumunod na tren ang mga apektadong pasahero makalipas ang ilang minuto. Nagsagawa na ng preventive…
Read MoreDASAL NI JINKEE: MAGRETIRO NA SI PACMAN
(Ni FRANCIS ATALIA) NAIS ng maybahay ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao na magretiro na ito sa boksing matapos ang laban kay Adrien Broner. Matatandaan na nagpahinga si Senator Manny Pacquiao matapos ang laban niya kay Timothy Bradley pero makalipas ang 7 buwan ay muli itong sumampa sa ring laban kay Jessie Vargas. Dasal ni Jinkee kung sakaling manalo ang asawa ay tuluyan na itong magreretiro sa boksing ngayong taon. Nagpag-uusapan naman umano nilang mag-asawa ang tungkol sa retirement dahil mabigat na trabaho ang boksing para sa kanilang 2.…
Read More… Na ginagamit sa mga PEKE ring balita at advertisement kaya aming pinapayuhan ang madla tungkol sa mapanlinlang na mga lathalain nito. …. Ang PeryodikoFilipino, Inc. po ang lehitimong naglalathala ng tunay at totoong diaryong Saksi na ngayon ay pinaganda pa lalo sa bago nitong pangalan na SAKSI Ngayon…. … Alam na ng aming pangasiwaan kung sino-sino ang mga taong nasa likod at nangraraket sa PEKE na tabloid at inihahanda na ang mga legal na hakbang laban sa kanila, ‘tulad ng kasong kriminal laban sa grupong kinabibilangan nina Alyas ADAM…
Read More444 GASOLINAHAN NAGPATAW NA NG EXCISE TAX SA PRODUKTONG PETROLYO
NAGPATAW na ng dagdag-buwis ang 444 na mga gasolinahan sa kanilang produktong petrolyo, ayon sa Department of Energy (DOE). Sa tala ng DOE, 369 na gasolinahan sa nasabing kabuuan ay mula sa Petron, 46 naman ang sa Shell at 29 ang sa Flying-V. Paliwanag ng kagawaran, ang pagpapataw ng mga gasoline station ng excise tax sa kanilang produktong petrolyo ay nakabase sa bagong stocks kaya hindi maaaring magkasabay-sabay ang pagtaas ng presyo sa gasolina, diesel o kerosene. Samantala, nagbabala ang DOE na mas marami pa silang maiisyuhan ng show cause…
Read MorePOE DUDULOG SA KORTE KUNG MAGMAMATIGAS SI JACINTO
(Ni NOEL ABUEL) NAGBANTA si Senador Grace Poe na dudulog ito sa korte sakaling magmatigas si Presidential Adviser Ramon Jacinto sa imbitasyon ng Senado para sa isinusulong nitong common tower policy. “Talagang tututulan ko ‘yan at saka hindi ko lang basta-bastang tututulan dahil kung saka-sakaling hindi nila tayo pinakinggan, kasi alam niyo naman ganyan ‘pag humaharap sa Senado ang gaganda ng sinasabi pero hindi naman nila tinutuloy, kaya magpa-file tayo ng kaso kasi kailangan talagang pigilan ang mga ganitong uri ng mga polisiya na sa tingin ko ay makakasama sa…
Read MoreMININGO OUTBREAK SA QC, FAKE NEWS
(Ni FRANCIS ATALIA) PINABULAANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang balitang may meningococcemia outbreak sa Novaliches. Paliwanag ni Dr. Olivia Favor, medical director ng Novaliches District Hospital, ang temporary shutdown na ipinatupad sa emergency room ng ospital ay isang safety measure matapos isugod ang isang 11-anyos na batang lalaki noong Enero 4. Ayon pa kay Favor, normal na preventive measure ang ilagay sa specialized government healthcare facility ang bata na pinaghihinalaang may meningococcemia subalit hindi ito nangangahulugan na may outbreak na ng sakit. Sumailalim sa decontamination ang emergency…
Read MoreWALANG NAMATAY SA TRASLACION
(Ni FRANCIS ATALIA) WALANG namatay at mapayapa sa kabuuan ang Traslacion ngayong taon ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Sa isang press briefing kaninang madaling araw, sinabi NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, na isang insidente lamang ng pandurukot ang naitala na agad din namang naaresto ang suspek. Hanggang sa makabalik ang imahe ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo Church ay wala nang iba pang insidente na naitala. Tinatayang nasa 4 milyong deboto naman ang nakilahok sa mga aktibidad mula December 31 hanggang sa matapos ang Traslacion. Binigyang…
Read MorePNP: GENERALLY PEACEFUL ANG TRASLACION
(Ni FRANCIS ATALIA) UMAASA ang Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na hanggang sa makarating ang itim na Nazareno sa loob ng Quiapo Church ay magiging mapayapa sa kabuuan ang Traslacion. Sa pagmo-monitor ng PNP, mangilan-ngilan lamang ang naitalang kaso ng Manila Police District (MPD) tulad ng pagkawala ng cellphone at wallet. Tiniyak naman ni Albayalde na may sapat na puwersa ang kapulisan sa paligid ng Quiapo hanggang sa matapos ang Traslacion. Kaugnay ng prusisyon, kaninang ala-6:00 ng gabi ay nasa Castillejo st. ang andas na naglalaman ng imahe…
Read More