LANDSLIDE SA SAGNAY CAMSUR: 30 NA PATAY

CAMSUR LANDSLIDE-2.jpg

PUMALO na sa tatlumpu ang patay sa landslide sa Sagnay, Camarines Sur matapos makuha kanina ang bangkay ng limang miyembro ng isang pamilya sa Sitio Igot. Target ng mga rescuer na pasukin bukas ang Sitio Garang na apektado rin ng anim hanggang walong ektaryang pagguho ng lupa mula sa bundok. Tinatayang may mahigit na 50 bahay ang natabunan at mga sasakyang dumadaan sa national hiway ng Sitio, Garang ang pinangangambahang nadamay sa landslide. 637

Read More

1 PANG IED NAKITA SA MALL

SOUTH SEAS MALL

MALIBAN sa unang ginamit na improvised explosive device (IED), nakakita pa ng panibagong IED ang pulisya sa bahagi ng baggage counter sa ikalawang palapag ng South Seas Mall sa Lungsod ng Cotabato. Ayon sa Cotabato City Police, ang unang IED na nasa kahon ay iniwan umano ng isang lalaki sa entrance ng mall na ilang minuto lang ay sumabog na. Samantala, mula sa 32, umakyat na sa 34 ang bilang ng sugatan sa naganap na pagsabog habang dalawa ang kumpirmadong nasawi. Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10…

Read More

MILITARY TAKEOVER SA COTABATO CITY PINANGANGAMBAHAN NG MORO GROUP

MILITARY TAKEOVER

NANGANGAMBA ang Suara Bangsamoro na magkaroon ng military takeover sa Cotabato City o sa iba pang Moro area matapos ang pagsabog sa isang mall sa Cotabato City sa bisperas ng Bagong Taon. Ang pangamba ng moro group ay inihayag nang kondenahin nila ang nangyaring pagsabog sa South Seas Mall na ikinamatay ng 2 katao at ikinasugat ng mahigit 30. Ipinanalangin naman ng grupo ang agarang paggaling ng mga nasugatan sa insidente at ang pagkakadakip sa mga tao na nasa likod ng pagpapasabog. “We pray for the fast recovery of those…

Read More

SUGATAN SA COTABATO CITY BLAST PUMALO NA SA 32

PUMALO na sa 32 ang mga sugatan na isinugod sa iba’t ibang ospital sa naganap na pagsabog sa harap ng isang mall sa Cotabato City habang 2 ang kumpirmadong patay. Dead on arrival sa ospital ang dalawang biktima na kinilalang sina Mylove Nataπa at Sidik Kutin. Tatlo naman ang nasa critical condition na sasailalim sa operasyon. Sinabi sa report na isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes St., Cotabato City. Ang mga sugatan ay itinakbo sa Cotabato Medical Specialist Hospital, United Doctors…

Read More

3,448 PAMILYA MAGBABAGONG TAON SA EVACUATION CENTERS

evacuation centers-3

(Ni FRANCIS ATALIA) AABOT sa 3,448 na pamilya ang magbabagong taon sa evacuation centers dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tinatayang 13,468 na apektadong mga residente mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Bicol at ang Eastern Visayas ang mananatili sa 112 na mga evacuation centers. Ayon sa ulat ng DSWD, tinatayang nasa P395,144 na halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD sa mga local government units (LGUs). 394

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA ABC PRES, BANTAY-SARADO SA OSPITAL

ABC PREXY KILLER-2

(Ni NILOU DEL CARMEN) BANTAY-SARADO sa ospital ang sinasabing suspek sa pagpatay sa presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Lipa City na si Marlon Luancing na pinagbabaril sa sabungan noong Biyernes ng gabi. Naaresto ang suspek na nakilalang si Venrose Cortez at ang kanyang tatay sa Silang Specialists Medical Center sa Silang, Cavite kung saan ito isinugod ng kanyang tatay matapos na masugatan nang makipagbarilan sa pulis. Sabado ng madaling araw nang ipasok ang suspek sa ospital na ayon sa kanyang tatay ay nabiktima umano ng holdap sa…

Read More

BACO, ORIENTAL MINDORO NASA STATE OF CALAMITY

BACO-1

NASA state of calamity na ang bayan ng Baco sa Oriental Mindoro matapos malubog sa baha ang 90 porsyento ng bayan dahil sa bagyong Usman. Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang paglalagay sa state of calamity sa kanilang bayan na ang ibang lugar ay nasa anim na talampakan ang taas ng baha. Ayon sa report, nakadadaan na sa National Highway na sakop ng Barangay Bucayao at Panggalaan sa Calapan City ang malalaking sasakyan matapos bahagyang humupa ang tubig-baha. Patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang isang bata na nalunod sa Barangay…

Read More

CONCEPCION GANG SA CONG BATOCABE, DIAZ MURDER

BATOCABE KILLER.jpg

(Exclusive Newsbreak ni PORONG FILIPINO) ISANG mapagkatiwalaang Saksi sa mga kaganapan sa politika sa rehiyong Bikol ang nagbunyag sa Newsbreak ONLINE na grupo ng hired killers na namumugaran sa lalawigan ng Albay ang inarkila upang itumba si Partylist Rep. Rodel Batocabe. “Politika sa lokal ang dahilan kaya ipinapatay si Cong Rodel at collateral damage naman ang security escort nitong si SPO1 Orlando Diaz,” bunyag sa Newsbreak ng Saksi na nagsabi pang isang balikbayan na kamag-anak ng nagpapatay ang kumontak sa Concepcion Gang. Sa mundo ng politika sa Bikol ay kaunti…

Read More