MUNTIK nang Magpasko sa kulungan si Adrien ‘The Problem’ Broner, matapos na arestuhin sa Florida noong Linggo. Iniulat ng celebrity news website TMZ, inaresto si Broner sa bisa ng warrant of arrest na inisyu sanhi ng kabiguang magpakita sa korte. Matapos mai-book ay pinalabas rin naman ang boksingerong naghahanda para sa kanyang 12-round match kay Filipino eight-division world champion Manny Pacquiao sa Enero 19. Nag-ugat ang pag-aresto kay Broner dahil sa isang kaso noong Disyembre 2017 kung saan naaktuhan siyang nagda-drive nang walang lisensya, speeding, no registration o proof of…
Read MoreAuthor: admin
CALATAGAN, BATANGAS NILINDOL
(Ni FRANCIS ATALIA) NAKARANAS ng lindol na may magnitude 3.5 ang bayan ng Calatagan sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 99 kilometers. Naitala ang pagyanig sa 17 kilometers Southeast ng bayan ng Calatagan, 1:48 ng madaling araw. 614
Read MoreSIGNAL NUMBER 1 NAKATAAS SA 9 NA LALAWIGAN DAHIL SA BAGYONG USMAN
(Ni FRANCIS ATALIA) NAKATAAS ngayon ang public storm warning signal number 1 sa mga lalawigan ng Sorsogon at Masbate, kabilang ang Ticao Island; Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at Northern Cebu kabilang ang Camotes Islands; maging sa Dinagat Island. Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, napanatili ng bagyong Usman ang lakas nito na may hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras habang nagpapatuloy sa paggalaw sa direksyong kanluran, hilagang-kanluran. Namataan ang bagyo sa layong 435 kilometro silangan…
Read MoreECOWASTE COALITION: NATIONAL PLASTIC BAN IPATUPAD NA
(Ni FRANCIS ATALIA) NANAWAGAN ang Ecowaste Coalition na ipatupad na ng pamahalaan ang National Plastic Ban upang hindi na mamihasa ang tao sa pagtatapon ng ‘holiday trash’. Ito ang reaskyon ng grupo sa sangkaterbang basura na nilinis ng mga street sweeper sa Lunera Park matapos na magdiwang roon ng Pasko ang ilan nating kababayan. Ilan sa iniwang kalat ng mga namasyal ay mga gamit na plastic bottles, cups, bags at mga tirang pagkain na ngangamoy panis na. Ayon kay Aileen Lucero ng Ecowaste Coalition, hindi masamang magdiwang ng Pasko subalit…
Read MoreKILOS PROTESTA VS CPP-NPA-NDF
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang Indigenous People Alliance Against Terrorism upang kondenahin ang umano’y 50 taong panlilinlang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang huwad na rebolusyonaryong grupo. Sinita rin ng grupo si Joma Sison na nabubuhay ng marangya sa Netherlands. Kuha ni JHAY JALBUNA 830
Read MorePNP: PASKO GENERALLY PEACEFUL
MAPAYAPA sa kabuan ang pagdiriwang ng Pasko ayon sa monitoring ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde kaninang hapon, na bagama’t may tatlong insidente ang kanilang naitala na kinabibilangan ng pamamaril ng isang pulis sa Caloocan City, indiscriminate firing sa Pangasinan at barilan sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army at tropa ng pamahalaan sa Davao Del Sur, ay umaasa ang kapulisan na magiging generally peaceful ang buong bansa hanggang sa mga susunod na oras. Patuloy namang naka-heightened alert status ang buong puwersa ng…
Read MorePAL NAGKANSELA NG BIYAHE DAHIL SA SAMA NG PANAHON
NAG-ABISO ng bagong kanselasyon ng biyahe ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaninang bisperas ng Pasko. Ang biyahe patungong Maynila mula Laoag, Ilocos Norte na PR2199 ng Philippine Airlines (PAL) Express ay kinansela batay sa inilabas na anunsyon ng MIAA. Paliwanag ng ahensya, ang kanselasyon ng naturang flight ay dahil sa nararanasang sama ng panahon. 502
Read MoreAKUSASYON NI PANGILINAN NA DAPAT SISIHIN ANG DUTERTE ADMIN SA PATAYAN SA BANSA, IRESPONSABLE
BINUWELTAHAN ng Palasyo at tinawag na iresponsable at reckless ang akusasyon ni Opposition Senator Kiko Pangilinan, na kaya nagkakaroon ng sunod-sunod na patayan sa bansa ay dahil sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pahayag ito ni Pangilinan matapos pagbabarilin at mapatay kamakalawa si AKO Bicol Partyist Rep. Rodel Batocabe. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pambabastos ang ginawa ni Pangilinan sa Pamilya Batocabe dahil ginagamit lang niya ang insidente para umani ng political mileage at mapalakas ang kandidatura ng mga taga-oposisyon sa nalalapit na eleksyon. Ang nagaganap na patayan sa…
Read MorePAMILYA BATOCABE HANDANG ISAILALIM SA WPP ANG SAKSI
HANDA ang pamilya Batocabe na ilagay sa witness protection program (WPP) sinumang saksi na makapagtuturo sa mastermind sa naganap na pananambang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe. Ang mambabatas ay pinagbabaril ng mga suspek noong Linggo matapos ang ginawang gift giving program sa Daraga, Albay. “Whoever is the least guilty but knows the full details, we are ready to forgive you, kiss your hand, place you under witness protection program. Just point out the mastermind and you will still get the cash reward,” pahayag ng anak ni Batocabe na…
Read More