PUWEDENG umakyat sa expulsion ang dismissal decision ng pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa estudyante na nam-bully. Ito ang obserbasyon ni Education Sec. Leonor Briones sa kaso ng junior high school student na nakunan ng video habang nananakit ng kanyang mga kapwa estiudyante. Ayon sa kalihim, kung kinakailangan pwede nilang isalang sa review ang desisyon ng Ateneo sa reklamo. Kadalasan kasing nagkakasundo umano ang magkabilang partido kapag naglabas na ng desisyon ang isang paaralan lalo na sa mga kaso ng pambu-bully. Nilinaw rin niya na kapag dismissal ang…
Read MoreAuthor: admin
‘INDEFINITE BAN’ SA TAEKWONDO JIN NA NAM-BULLY
PINATAWAN ng ‘indefinite ban’ ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang taekwondo jin ng Ateneo Junior High School na naging viral dahil sa pambu-bully nito. Sa official statement ng PTA mula sa president nitong si Robert Aventajado, inirekomenda ng ad-hoc committee ang indefinite ban kung saan nakasaad ang: “covers all taekwondo activities such as, but not limited to, competitions and belt promotion.” Nauna nang nagdesisyon ang pamunuan ng Ateneo nang sipain sa nasabing paaralan ang nasabing taekwondo jin. Hindi naman tuluyang isinara ng PTA ang pintuan nito sa nasabing taekwondo jin.…
Read MoreMAULAN NA NOCHE BUENA
(Ni FRANCIS ATALIA) BAGAMA’T mababa na maging bagong bagyo ang low pressure area (LPA), na huling namataan ng PAGASA sa kanilang 4am weather update sa layong 80 kilometro Hilagang-Kanluran ng Cuyo, Palawan, magiging maulan pa rin ang Noche Buena sa malaking bahagi ng bansa. Dahil sa LPA at Hanging Habagat na umiiral sa halos kabuuan ng bansa, magiging maulap ngayong araw ang kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-uulan ang mararanasan sa Northern Luzon, Central Luzon kasama na ang Metro Manila. Asahan naman sa Bicol Region, MIMAROPA, buong…
Read MoreP3-M REWARD VS BATOCABE KILLERS
(Ni BERNARD TAGUINOD) NAG-AMBAGAN ng bounty money ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa agarang ikadarakip ng mga suspek at ng mastermind ng pagpatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe. Limang oras matapos likidahin si Botacabe sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay ay nakalikom na ang mga mambabatas ng P3 milyon para gamitin bilang reward. Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, 100 Congressmen ang agad na nag-ambagan para mabuo ang nasabing halaga at inaasahang na lalaki pa ito kapag nag-ambag pa ang ibang mambabatas. Kasama ni…
Read MoreHUSTISYA SA PAGPATAY KAY CONG. BATOCABE PINAMAMADALI NI SGMA
(Ni BERNARD TAGUINOD) Inatasan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga law enforcement agencies sa bansa na madaliin ang paggawad ng hustisya sa pagpatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at ng kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz. “I condemn in the strongest possible terms the killing of an ally and friend, Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe. Nothing can justify his murder and that of his aide,” ani Arroyo. “I call on our law enforcement agencies to conduct a speedy and thorough investigation to bring all…
Read More‘YELLOW MADMEN’
“THE MURDER of my trusted aide was only the ‘tip of the iceberg’ of what I suspected to be a killing mission sponsored by those who benefited most in the 2016 massive electoral fraud,” pahayag ni anti-poll fraud crusader Glen Chong. Walang pag-aalinlangan na tinukoy ni Chong ang isang grupo na tinawag niyang ‘Yellow Madmen’ na nasa likod ng umano’y pagtortyur at pagpaslang kay Richard Santillan noong umaga ng Disyembre 10, 2018 sa Cainta, Rizal. Sa ulat ng local police, si Santillan, pinagkakatiwalaang aide ni Chong sa loob ng mahigit…
Read MoreTAGTUYOT SA KAMPEONATO, WINAKASAN NG MAGNOLIA
WINAKASAN ng Magnolia Hotshots ang apat na taong tagtuyot sa kampeonato, matapos dispatsahin ang Alaska Aces, 102-86 at angkinin ang 2018 PBA Governors’ Cup crown sa Game 6, Miyerkoles ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City. Isang magandang pamasko sa fans ang pagkakapanalo ng Magnolia, na huling nanalo ng korona noong 2014 Governors’ Cup dala ang pangalang San Mig Coffee, tinalo ang Rain or Shine sa five games upang kumpletuhin ang Grand Slam sa ilalim ni coach Tim Cone. Pinangunahan ni import Romeo Travis ang Hotshots sa kanyang double-double…
Read MoreARELLANO WALA PANG TALO
WALA pa ring talo ang defending champion Arellano University matapos idagdag sa listahan ng biktima ang Colegio de San Juan de Letran, 25-13, 25-18, 25-15 sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament, Martes sa FilOil Flying V Center. Si Princess Bello ay may 13 points, habang si Carla Donato naman ay may 12 hits para akayin ang Lady Chiefs sa 6-0 win-loss card. Dalawang panalo na lang at swak na sa Final Four ang Arellano, at tatlo pa para maka-sweep patungo sa finals. Umiskor naman sina Nicole Ebuen at Regine…
Read MoreF2 HUMIRIT NG GAME 3
HUMIRIT ng Game Three ang F2 Logistics sa Philippine Superliga All-Filipino Conference title, nang talunin ang Petron, 21-25, 25-19, 25-20, 25-17 sa Game Two ng kanilang best-of-three finals series, Martes, sa MOA Arena. Bukod sa panalo, binigo rin ng Cargo Movers ang Blaze Spikers na mawalis ang kumperensiya. Matapos ang Game One loss, 23-25, 11-25, 17-25, bumawi ang F2 at naipuwersa ang rubber match sa Huwebes. Nagtulong-tulong sina Ara Galang, Majoy Baron at Cha Cruz-Behag para pigilan ang Petron. Nagsumite si Galang ng 20 points, may 14 si Baron at…
Read More